JANE
Binalot ko ang sarili ko ng kumot hanggang ulo. Ayoko nang makipag-argumento sa kanya kaya hindi ko na ipinilit na sa quarters magpahinga.
Galit-galitan lang yata siya sa ex niya e. Kung makipag-eye contact pa kanina kulang na lang idampi na ang labi. Sus!
Paano kung 'yong pagpapanggap namin ay paraan niya para pagselosin si Blaire? Paano kung gusto niya nga naman talagang maghiganti pero mas matimbang 'yong nararamdaman niya? Baka mahal pa niya? Kitang-kita naman sa tinginan nila kanina.
Pucha. Bakit ako nasasaktan. Nagpapawis pa 'tong mga mata ko. Parang tanga lang, Jane. Hindi ko dapat 'to pino-problema kasi trabaho lang naman 'to.
Bumukas ang pinto. Ipinikit ko nang mariin ang mga mata ko.
Dinama niya ang noo at leeg ko.
"Wala ka namang lagnat. What am I going to do with you?"
Humiga siya sa tabi ko.
Paano na lang kung okay na sila ni Blaire? Dapat sabihan niya ako nang advance para mai-ready ko na rin ang sarili ko at makapag-apply na sa iba. Ewan para akong nag-pupuhunan ng feelings na hindi ko alam. Tangina naman!
Ayoko namang pumupunta-punta si Blaire dito tapos makikita pa ako. Baka bigla akong sabunutan. Bueset talaga ang mga mata ko walang pakisama. Napapasinghot na ako.
"Jane, umiiyak ka ba? God! Anong nangyari? Ano bang masakit sa'yo?"
"Wala. Sinisipon lang."
Pinilit niya akong humarap sa kanya. No choice na ako kundi magmulat.
"Gusto mo bang umuwi muna sa inyo?"
Agad akong tumango. Kung papipiliin naman ako ay mas gusto ko sa bahay muna.
"Galit ka sa akin? Did I do something wrong, Jane?"
Umiling ako. "Ako 'yong may problema, Ma'am. Wala kang kasalanan."
"I guess meron. Ma'am. You always do that. Maybe you disgust calling my name. I really did something wrong to you."
"Hindi. Wala po. Ako lang talaga ang problema."
Si Ma'am naman. Hindi nakakatulong ang paghawak niya sa mukha ko. "Sabi ni Asher baka daw moodswing lang 'yan. I don't know how to deal with it, Jane. But do you have any cravings? Like you want to go to your fave resto? Or anything? How about Jollyfoods? I heard, may bargain selling ng mga Funmeal toys now."
Bargain? 'Yong tig-100 lang pwede na tatlong piraso ng toys?
---
'Yong pinakamalapit na branch, mayroon pang walkie-talkie! Special edition daw nila ito. Limited lang 'to nationwide.
"You want that?"
Tumango ako. "Bibilhin ko na. kahit walang Funmeal."
"I'll buy it for you. Libre ko 'to. Hanap ka na lang ng seat natin, Hon."
Sa pinakadulo ang pinili kong mauupuan. Ayoko muna ng mga biglang magpi-picture. Tapos maya-maya naka-post na kami. Isinuot ko ang hood ng jacket ko.
"Para kang egg diyan. Why? Nilalamig ka ba?"
Umiling ako. "Baka may mag-picture. Angpangit ko ngayon."
Nilapag niya ang tray. "Ten minutes pa daw. But, here's your Funmeal toy. Dalawa ang binili ko. Tig-isa tayo."
Kinalikot ko na ang isang walkie-talkie. 'Yong ganito ko kasi hindi na gumagana kaya gusto ko natuwa ako dito. May dagdag palang fm radio. Cute naman.