Chapter 46: "Dagdag pa 'yon sa isipin ko!"

1.4K 64 30
                                    


JANE

Sinenyas ko kay Lexi kung nasa office pa si Regina.

"Oo. Si Miss Pauleen umalis na kasama si Asher. May meeting yata na pupuntahan. Pasok ka na. Uuwi na rin kami."

Kumatok ako nang tatlong beses bago tuluyang buksan ang pinto. Nakatutok siya sa laptop niya.

"Tapos na ang rehearsal ni Gigi? Did you receive the food? Kumain ka ba?"

"Hindi ako kumain. Busog pa ako. Hindi pa ba kita ihahatid? Dito ka pa mag-oovertime?"

"May ipapanood ako sa'yo." Parang walang narinig! Iniharap niya sa akin ang laptop. Kuha ito kahapon doon sa hallway kung saan sila naghahalikan.

"Para saan 'to? Para ipamukha talaga sa akin na naghalikan kayo?"

"No! No, Hon!" Maagap siyang lumapit sa akin. "Please watch the clip. I had the cctv checked. Jane, I didn't kiss her back. I stayed shut. Please, Jane. Pakinggan mo naman ang explanation ko."

"Wala namang magbabago kahit mapanood ko pa 'to. Pwede mo naman siyang pigilan, itulak, sampalin. Pero anong ginawa mo? Pinatagal mo pa! nakakainis! 'Yon ang nakakainis!"

Hinawakan niya ang mga kamay ko. "Jane, I just want her to realize that I don't love her."

"Sa kiss? Doon lang ba malalaman na hindi mo na siya mahal? Ewan ko sa inyo, Regina. Ewan ko sa paraan mo. Anglabo."

Ewan ko din bakit ko siya sinusumbatan. Bueset na rin ako sarili ko. Matinding kalituhan na 'tong nararamdaman ko. Hoooh! Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin.

"Ano pa bang paliwanag ang pwede kong gawin? It's a big misunderstanding, Jane. I really don't love her na. I don't like the kiss. Sorry. I know it's the dumbest thing I did."

"Huwag na lang natin 'tong pag-usapan. Hindi naman mababago ang mga nangyari. Hindi naman tayo totoong magkasintahan pero hindi ko alam bakit nasasaktan ako. Ampucha. Bakit ko ba 'to inaamin sa'yo. Hooh!"

"Sobra na ba kitang nasasaktan?"

"Oo. Na hindi ko dapat nararamdaman. Hayaan mo na. Lilipas din naman ang lahat ng 'to. Late na. Ihahatid na kita."

"Ikaw ang ihahatid ko. Kakausapin ko ang lola. Hindi ko na 'to kaya. Ayoko na lumalayo ka sa akin."

Ano? Anong ibig niyang sabihin? Niligpit niya ang mga gamit niya.

"Tawagan mo si Marco. Ask him kung nasaan si Cindy. I need to do something with this. Palalampasin ko ngayon si Blaire but if she'll do it again, Idedemanda ko na siya."

"Nakikinig ka ba sa akin? Sabi ko hayaan na lang."

"No! This is how I deal with things, Jane."

---

Diyos ko namang pagsubok 'to! Nagpabili si Lola ng gin, juice at lemon soda kay Ding. Hayun nga si lola sa kusina nagluluto ng pulutan. Naman!

Heto namang si Regina namili pa ng kornik at prutas. Iniaayos niya sa may mesita sa sala.

"Regina, ano ba naman 'to? Bakit ka mag-iinom dito? Gin pa! Diyos ko naman! Uminom ka na kagabi. Iinom ka na naman. Ano bang trip mo sa buhay? Okay na nga 'yon kiss. Hayaan mo na 'yon."

"Look. This is just between me and lola. And it's about you."

"Sa akin? Ano ba kasi 'yon."

"Well, sinumbong ako ni Ate Pauleen sa lola and she said dito na lang ako mag-inom kaysa magpunta sa mga bar. So here I am."

Heartless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon