A/N:
Be a fan, vote and leave a message.
__________________________________________
PHILIPPINES:
Yes! I'm home! After 15 years of being in Singapore, at last I'm back. Umalis ako papuntang Singapore kasi masyado akong nasaktan sa pagkabigo sa pagmamahal ko kay Nicole. Si Nicole na nakilala ko with just One Hello! (first story ni Ms. Author) sa isang bakasyon ko 16 years ago sa Puerto Galera. Ngayon kararating ko lang ng airport.
Naging maganda naman ang pagiging magkaibigan namin nina Nicole at asawa nyang si Benett. It's just masakit pa din. Pagkatapos ng sobra-sobra kong pagkabigo sa kanya ay hindi pa rin ako nagkakarelasyon ng matino. Natry ko na iba't-ibang nationality, iba't-ibang idad, iba't-ibang uri ng babae at iba't-ibang relihiyon, pero there is something missing. May kulang talaga! Hindi naman sa kinokompara ko sila kay Nicole, pero sana naman kahit malapit sa ugali nya.
Ngayon sina Nicole ang susundo sa akin dito sa airport. Ang sabi nya kasama nya daw si Benett. Okay lang naman sa akin kasi nakapagmove-on nako. Kahit nasa Singapore kami ng family ko eh nakakabalita pa rin ako dito. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabili nina Mom ang St. John School. Ang eskwelahang pinagtapusan nina Benett, Nicole, Marlon at Paul.
Si Benett ang naging asawa nga ng pinakamamahal kong babae dati na si Nicole. Si Marlon ay bestfriend ni Nicole. At si Paul ay naging ex-boyfriend ni Nicole. Pero sa kasalukuyan eh boyfriend sya ng pinsan kong si Selle. Ang gulo noh? Basta para paikliin, sila ang maituuring kong mga kaibigan ko dito sa Pinas. Plus si Reggie pa pala ang tropa ko sa dati naming bahay sa Cavite.
Ngayon ay bibili ako ng bahay sa Laguna kasi para malapit sa school na imamanage ko. Management ang natapos ko. Kahit andami kong natry na course dati, sa Management ako nakapagtyaga.
At ako ang magmamanage ng St. John School na noong namatay ang pinaka may-ari na naging katrabaho ni Papa dati sa makati nung mgabinata pa sila ay binili ng magulang ko. Binili ng parents ko kasi nag-migrate na sa America ang family ng dating owner ng school.
Palabas na ako ng airport at lingon ako ng lingon. Hinahanap ko si Nicole at si Benett. Pero hindi ko sila makita. Hay! Pagod na talaga ako!
Pero nagulat ako ng may makita akong plakard na dala ng isang magandang highschool student ata ito sa tingin ko na nakasulat ang pangalan ko JUSTINE CHOI. So ito siguro ang sundo ko. Ngiting-ngiti akong lumapit sa dalagitang babae. Natulala ako ng kaharap ko na sya kasi para syang imahe ni Nicole na batang version. Kamukhang-kamukha ni Nicole!
"Justine Choi po?" tanong ng dalagita sa akin.
"Oo. Who are you beautiful lady?" tanong ko sa kanya na nakita kong napangiti sya.
"Hi Tito Justine! I am Zyrah del Fierro and this is my friend Zeon Lee" magalang na bati ng Zyrah daw. Del Fierro? Aww! Kaya pala parang batang Nicole malamang anak ito ni Benett. Nakipagkamay naman ako sa kanila at kinuha na ng driver na kasama nila ang mga bagahe ko.
Sumakay na kami sa sasakyan na dala nila. Katabi ko sa gitna ng CRV na ito si Zyrah at nasa tabi naman ng driver yoong Zeon daw. I wonder kung magboyfriend ang mga ito kasi parang ang sama ng timpla nung binatilyong lalaki na kasama ng batang Nicole.
"Tito, sabi po ni Dad doon daw po muna kayo sa bahay namin tumuloy habang naghahanap daw po kayo ng mabibiling bahay sa Laguna." nakangiting sabi nya sa akin. Nakakatuwang tingnan ang batang ito.. Parang batang version talaga ng ina nya. Paulit-ulit ba? Ganun talaga eh.. nakakamangha!
Pero ang hindi maganda ay ang tinging masama sa akin ng binatilyong lalaki. Ano kayang problema nito sa akin eh natutuwa lang naman ako sa batang babae dahil hawig ng babaeng dati kong minahal ng husto? Pero ang magkagusto dito sa batang ito? Oh my God! Anu naman labas ko noon Pedophiliac?
"Ilang taon ka na iha?" nakangiting tanong ko sa kanya.
"Ah 15 po Tito Justine. Parehas po kami ni Zeon" sagot nya naman sa akin.
"Ah.. Talagang ambilis ng panahon noh? 15 years old kana samantalang huling naandito ako sa Pinas eh kinasal pa lang ang Mom mo at Dad mo" matapat na sabi ko sa kanya.
"Matagal na po pala kyong kaibigan nila?" manghang tanong sa akin ni Zyrah.
"Oo iha" sagot ko.
"Kaklase mo po sila?"
"Hindi. Dati akong masugid na manliligaw ng Mama mo, pero ang Daddy mo ang talagang nakapagpatibok ng puso nya' nangingiti ko pang sagot. Naaalala ko kasi dati yoong mga pagbabasagan namin ng mukha ni Benett para sa babeng mahal naming dalawa.
"Talaga po? Buti naman po at ayos lang kayo?" tanong nya ulit sa akin.
"Oo naman. Nagkaroon na ako ng hindi mabilang na gf dahil hindi ako makatagpo ng babaeng malapit man lang sa ugali ng Mommy mo" sagot ko.
"Naku! Mahal mo pa po ba si Mommy?" nakakunot ang noong tanong nya.
"Syempre bilang kaibigan na lang. Wag kang mag-alala kasi hindi ko sya aagawin sa Daddy mo.. hahaha!" sagot ko habang pinapat ko ulo nya.
"Pasensya na po" nahihiyang sagot nya.
"Ayos lang yun. Saka isa pa, ayaw ko na sa Mommy mo kasi hindi na sya fresh may dalawa na syang anak! Hahaaha!" malutong na tawa kasabay ng sagot ko.
"Susumbong ko po kayo.. Hahaha!" sagot nyang natatawa at nakita kong tumawa na rin yoong Zeon sa unahan. Siguro naman hindi na sya magseselos sa akin ngayon.
"Kaya ikaw Zeon, tigilan mo na masama mong tingin sa akin hindi ko aagawin syo itong gf mo, halos magulang nyo na din ako" sabi kong nakatingin na nakangiti sa rearview mirror ng sasakyan kasi kita ko mukha ni Zeon dito.
"Tss.." sagot nung Zeon. Anong problema ng batang ito. Gwapo nga pero ang lakas ng karakter ha. Kakaiba ugali!
"Pasensya na po kayo kay Zeon ganyan po talaga yan suplado. Saka magbestfriend po kami hindi magboyfriend" sagot ni Zyrah.
"Ayos lang!" nakangiting wika ko at nakita kong ngumiti na rin yung Zeon sa unahan..
Ah... Pinas na talaga ako. Ang dami na palang pinagbago dito?
_______________________________________
A/N:
Vote and Comment.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
Storie d'amoreIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...