Chapter 64

2.5K 54 14
                                    

A/N:

Please read FALLING FOR MISS PERFECT nasa external link. Salamat kina @inceszperable, @aleya05, @ukissmeful, at @JingRagos. Thank you din sa lahat ng nagvote!

_______________________________________

Chapter 64 HOLDING ON

AFTER LESS THAN 2 YEARS:

"Maraming salamat sa pagkuha mo muli sa akin, Ria!" Kausap ni Ria ngayon si Tessa. Ipinatawag niya ito para muling kuhanin sa pagtuturo sa St. John College. 

Hindi sana mahuhuli ang Ama ni Tessa. Walang witness at hindi naman nasabi ni Justine bago ito pumanaw na iyon ang sumaksak sa kanya. Tanging si Tessa ang naging daan para mahuli ang sariling Ama. Hindi kaya ng kunsensya ng guro na hindi mapag-bayaran ng Tatay niya ang ginawa nitong krimen. Kaya ngayon ay nasa bilibid na ito.

"Mas malaki ang pasasalamat ko sa iyo. Maraming salamat sa pagbibigay mo ng hustisya sa pagkawala ni Justine." Sincere na sabi ni Ria. 

"Ginawa ko lang ang dapat." Nakangiting sabi ni Tessa.

"Ma, usap ng usap eh. Punta na tayo SM." Biglang lapit at hatak ng damit niya na sabi ni Menchie. Ang tanging ala-ala na iniwan sa kanya ng nasirang asawa. 

"Wait, Baby. May kausap pa si Mommy. Manuod ka muna doon sa iPad ko ng cartoons." Nakangiting sabi ni Ria sa anak.

Naging masalimuot ang pagtanggap ni Ria sa pagkamatay ng kabiyak. Muntik na ngang makunan siya dahil sa kawalan noon ng tulog at pahinga. Stress at loneliness ang muntik ng makabawi sa buhay ng ipinagbubuntis niya noon. Mabuti na lamang at naandiyan ang mga pamilya nila ni Justine. Sila ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob para makapag-isip ng tama.

"Anak mo?" Nakangiting tanong ni Tessa ng umupo na muli sa couch ng opisina niya si Menchie.

"Oo, namin ni Justine. Siya na lang ang meroon ako." Sagot ni Ria habang nakatanaw sa anak na busy sa panonood ng sponge bob.

"Sorry, Ria." Nagulat si Ria sa biglang paghingi ng tawad ni Tessa.

"Sorry saan?" Tanong niya.

"Dahil sa Ama ko, ulila na ngayon ang anak mo." Nahihiyang sagot ni Ms. Tessa.

"Ano ka ba? Ikaw ba pumatay sa kanya? Hindi di ba? So wala kang dapat ihingi ng tawad." Nakangiting baling ni Ria kay Tessa.

"Salamat kung ganoon. Pero patawad na rin, in behalf of my Father." Sincere na sabi ni Tessa.

"Wala iyon. Nagdudusa na naman ngayon ang Tatay mo, di ba? So wala ka naman kinalalaman doon, kaya huwag na nating pag-usapan."

"Ganoon ba? Oh paano, alis na ako. Bukas papasok na ako. Salamat ulit." Paalam ni Tessa.

"Salamat din muli. Ingat ka." Paalam din ni Ria.

"Babye Baby girl." Nakangiting nilapitan ni Tessa si Menchie na kamukhang-kamukha ni Justine. Parang babaeng version lang ni Just.

"Menchie po ako." Pagtatama ng bata.

"Ahaha! Sige Menchie." Natatawang paalam ni Tessa. Napaka-bibo kasi ng batang Choi.

"Mama, let's go na." Nakapout na lumapit ito sa lamesa ng Ina dito sa school.

Tumayo naman si Ria at kinuha ang susi ng kotse ni Justine dati. Siya na kasi ang gumagamit noon ngayon. "Let's go, Menchie!" Nilahad ang palad para kapitan ng anak.

Bumitin naman si Menchie sa kamay ni Ria. "Yehey! Mall! Mall! Mall!" Tuwang-tuwang sabi nito na tumatalon-talon pa.

Naiiling na lang at natatawang inakay na ito ni Ria palabas ng opisina.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon