A/N:
Thank you kay @simplyanj sa comment nya last chappie. Thank you at sana yayain pa natin ang friends natin na basahin ito.
______________________________________
Habang nasa byahe ay nahihikbi pa din si Ria at kinukwento nya yung tungkol sa family nya. Mga farmer ang parents nya. Nahinto lang sila sa masaganang ani ng mastroke ang Papa nya last month. Kaya ngayon, hirap ang parents nya na nag-aaral pa sya sa mamahaling school. Ang payo ko naman sa kanya, for formality sake, mag-apply sya ng scholarship at ako na ang bahalang mag-approve.
Sa pakikinig ko sa kwento ni Ria ay mahahalata mong mabait syang bata at mapagmahal sa pamilya. 3 pala silang magkakapatid. Yoong una eh nabuntis ng lalaki at iniwan. Ngayon daw ay nagpatuloy itong mag-aral at nursing ang kinuhang course. 3rd year college na daw ito. Yun daw ang kailangang unang makatapos kasi para may mag-aalaga sa tatay nila. Sunod doon ay sya na. Ang bunso nila ay batang lalaki na nasa grade 4 pa lang.
Doon ko lang naisip na maswerte talaga ako at may kaya ang pamilya ko. Pero mas naiinggit ako sa family nina Ria kasi close family ties sila.
Pagdating namin sa bahay ay nagtaka akong walang nakabukas ng ilaw. Bumusina ako ng bumusina pero walang magbukas ng gate. Nasaan si Yaya?
Nakiusap ako kay Ria na ipagbukas ako ng garahe at sumunod naman sya. Pagbaba ko ng kotse ay ang tahimik. 'Nasaan si Yaya?' Yaan na naman ang naisip ko. Gabi na ah? Wala naman syang sinabi na aalis sya.
Dinayal ko ang number ni Yaya habang binubuksan ni Ria ang front door gamit ang susing binigay ko.
1
2
3
4
15
15x na akong nagtry na tawagan sya pero cannot be reached sya! Saan kaya nagpunta yun at mukhang walang signal?
Pagbukas ni Ria ng ilaw ay natulala sya at napahinto sa may bukana ng pinto. Lumapit agad ako sa kanya at halos matumba ako sa pagkagulat sa nakita ko. "Nasaan ang gamit ko??" Simot na simot ang gamit ko. Ang natira ay ang built-in na mga kabinets dito. Pumunta agad ako sa room ko at ako mismo ang nag-enter ng passcode. Saka lang ako nakahinga ng maluwag! Buti na lang at may passcode ang pinto ng kwarto ko!
Sumunod naman sa akin si Ria. "Sir, mukhang nanakawan po ata kayo. Tanging itong kwarto mo lang po ang may gamit". Pagkasabi nya nun ay naglibot na ako sa paligid at tama si Ria! Wala nga ang gamit ko.
Tinawagan ko agad ang pulis at nireport ko ang nangyari. Nagpadeliver na lang kami ng pagkain.
"Naku Sir! Kina Zyrah na lang po ako. Ayaw ko pong maging pabigat sa inyo. May malaki pa po kayong problemang dapat harapin." Magalang na sabi sa akin ng magandang si Ria.
"No! Dito ka lang. Mas kailangan kita dito ngayon. Simula bukas tutulungan mo akong mamili ng mga gamit dito at kung pwede ikaw muna ang pansamantalang mag-asikaso ng bahay." Ang pakiusap ko sa kanya.
"Ah parang kasambahay po?" sagot sa akin ng magandang dalagitang ito.
"Oo Ria. Parang ganoon na nga. Ako ang bahalang magsweldo sayo. Dito ka muna hanggat di ako nakakakuha ng yaya. Ayos lang ba?" tanong kong nakasalampak sa sahig. Hindi pa nga ako nakakaisang taon dito eh wala na agad ang mga bagong gamit ko.
"Ah sige po" pagpayag nya.
"Sige matulog ka na dun sa room ko pagkalinis mo ng katawan. Sa guest room eh may cr dun. Doon ka na lang maglinis ng katawan." bilin ko sa kanya at tumayo na ako.
"Sa KWARTO NYO PO???" gulat na gulat na tanong nya.
"Pansamantala lang. Wala ka naman mahihigaan. Ikaw sa kama at ako na lang sa couch" bilin ko pa. Akmang tatalikod na sana ako ngmahawakan nya siko ko.
"Sir, saan ka pupunta?" tanong nya sa akin.
"Makikipagkita lang ako sa mga kaibigan ko. Hayyy! Ang bahay ko!!! Nakalbo!" ang paghihinagpis ko.
Tumango naman sya at umalis na ako ng bahay. Kailangan kong mag-unwind. Akalain mong ambait ko na ngang amo, nagawa pa sa akin yun ni yaya? At kailangan kong lumabas kasi feeling ko, sa totoo lang, baka hindi ako makapagpigil pag naandoon lang si Ria. Kailangan pag-umuwi ako ay tulog na sya. Baka kung ano pang masabi ko sa harap nya.
Ano na kayang mangyayari sa akin nito ngayong may babae ng pirmihang titira at uuwi dito? 'Hay naku Justine! Bata pa sya no!' pagsaway ko sa sarili ko.
"Bata pa si Ria, pero nakakabighani talaga!" sabi ko sa sarili ko habang parang baliw na nagmamaneho magisa.
_______________________________________________
A/N:
Sorry lame update. May sakit kasi si Author. Bawi ako sa mga susunod!
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...
