Chapter 48

2.5K 48 6
                                    







A/N:





Please VOTE & COMMENT! Maraming salamat po!





_______________________________________







Chapter 48 BALIK LAGUNA









"Just, bakit ang tahimik mo?" Hindi napigilang tanong ni Ria kay Justine. Paano ba naman eh halos 1 hour na silang nagbabyahe pauwi ng Laguna pero hindi man lang nagsasalita si Justine? Tahimik lang itong nakikinig sa mga kwento niya.











"Ha? Anu yun?" Napalingon sandali si Justine kay Ria at nagbalik na ng paningin sa pagtanaw sa labas.











Yumakap si Ria sa bewang ni Justine at iniharap ang ulo ni Justine sa kanya. "Bakit ba ang lalim ata ng iniisip mo?" Hindi mapigilang tanong ni Ria. Hindi kasi niya maintindihan kung ano bang nangyayari simula ng umalis sila ng coffee shop eh nag-iba ang mood ng binata.













Iling lang ang isinagot ni Justine at yumakap din ito sa kanyang balikat.









Hindi naman makatiis si Ria kaya kinulit niya muli ang binata. "Sige na? Nag-aalala ako sa'yo eh. May nagawa ba akong hindi maganda?" Diretchang tanong niya.











Lumunok muna si Justine. Tumingin sa kanyang mga mata at parang tinatantya kung sasabihin na ba niya kay Ria ang problema. "Alam mo, kanina ay hindi ako maintindihan kung ano ang dapat kong maramdaman." Panimulang sabi ng binata.













"Huh??" Hindi maarok ni Ria kung ano ang sinasabi ng binata.











"Hindi ko alam kung maaawa ba ako o magseselos kay Tope."













"Kay Tope??" Napabitaw sa yakap si Ria at tumuwid ng upo.









"Naaawa ako kasi halata ko sa mga mata niyang nasasaktan siyang makitang magkasama tayo. At nagseselos kasi tingin ko, mas bagay kayong dalawa. Magkaidad lang kayo halos samantalang tayo ay...." Hindi natapos ni Justine ang sasabihin kasi iniharang ni Ria ang hintuturo niya sa labi ni Justine.











"Itigil mo na. Hindi mo ba nakitang mukhang masaya na siya? May kasama na nga siyang babae diba? Ang tingin ko ay girlfriend niya." Malumanay na sagot ni Ria.









"Pasensiya ka na. Hindi ko kasi mapigilan eh." Nahihiyang napatungo pa si Justine. Nahihiya siya kay Ria kasi siya ang higit na matanda, dapat hindi na siya seloso.











Pinisil naman ni Ria ang magkabilang pisngi niya. "Wala ka bang tiwala sa sarili mo at tinataboy mo ako sa iba?" Ang tanong ni Ria.











"Aray." Daing ni Justine kaya binitiwan na siya ni Ria.











"Mahal na mahal kita. Sa lahat ng sakripisyo mo sa akin ay tanging ikaw lamang at wala ng iba."









"Mahal din naman kita kaya ako nagkakaganito." Sagot ni Justine at pinisil pa ang kamay ni Ria.









"Alam ko." Nakangiting sagot ng dalaga.













AFTER A WEEK:











Nakatanggap ng magkahiwalay invitation sina Justine at Ria dahil idadaos na ang despedida para kay Tope. Nagbuo ng isang party si Mrs. Zacarias dahil sa wakas ay makakasampa na ng barko ang kanyang binata.









At dahil naging mabuti namang kaibigan si Tope kay Ria kaya napapayag ng kanyang Ina na umattend si Ria. Ito kasi mismo ang nagabot ng invitation sa dorm ng dalaga. At syempre, hindi naman pwedeng si Ria lang ang pupunta. Kasama niya si Justine tutal ay may nareceive naman ang binata ng invitation from Tope.











Ang ganda ni Ria sa kanyang suot na light blue cocktail dress na may shawl pang kasama. Si Justine naman ay naka light blue na long sleeves at slacks na cream. Ang gwapo ng binata sa suot niya! Naka formal sila kasi ayon sa invitation ay formal ang motiff ng party.









Pagdating nila sa mansion ng mga Zacarias ay ang Ma-ma agad ng binata ang sumalubong kay Ria. Mabait ito kay Ria dahil alam naman nitong mahalaga si Ria para sa binata niya. At isa pa, nahuli ni Ria ang kiliti ni Mrs. Lea Zacarias. Kaya noon pa man ay close na sila ng Ina ni Tope.











Si Mrs. Lea Zacarias isang maganda at sophisticadang Ina ni Tope. Noong kabataan ng ginang ay naranasan din niyang maging bitch dahil lang sa lalaki. (A/N: Kontrabida po siya sa One Hello! Nasa external link po ang kwento nila.) Mabuti na lamang at ng makatapos na ng kolehiyo ay nakilala niya ang Ama nina Tope. Ang pag-ibig na inalay ng Ama nina Tope na si Mr. Bjorn Zacarias (A/N: Pronounced as Byorn) ang nagpabait sa kanilang Ina.











"Welcome Ria." Bati ng ginang at nagbeso-beso sila.











"Salamat po. Kumusta na po kayo?" Nakangiting tanong ng dalaga.











"Mabuti naman nitong mga nakaraang araw. Not until kaninang tanghali ng dumating na si Tope at may kasama pa!" Bakas sa mukha ng Ginang na hindi siya masaya talaga.









Napakunot ang noo ni Ria sa sinabi ng ginang. "Sino daw po ba iyong kasama niya?" Ang mahinang tanong ni Ria. Hininaan niya lang dahil baka biglang sumulpot si Justine at marinig siya. Nauna kasi siyang pumasok ng mansion nila dahil naghahanap pa ng paparkingan si Justine. Sobrang dami kasing tao kaya hirap sa parking.











Nagisip ng konti si Madam Lea. "Ah Kwini daw?" Sagot nito na maasim pa ang mukha.













"Ah si Kwini.." Tatango-tango pang sabi ng dalaga.











Hinila naman siya ni Madam Lea sa isang mesang walang laman at naupo sila. "Kilala mo?" Tanong ng Ginang sa kanya.











"Na-meet ko na po siya, once sa may Paranaque." Paliwanag ng nakangiting si Ria.











"Hay naku! Hindi ko siya gusto. Ang gusto ko ay ikaw para sa Anak ko, Ria. At alam na alam mo iyan." Nakakunot ang mukhang sabi ng matandang babae sa kanya.









"Pero mukha naman pong mabait si Kwini. At maganda naman po siya ah." Pagtatanggol ni Ria sa inaakala ng lahat na gf ni Tope. 2nd na babae pa lang kasi si Kwini na sa mga nakilala ng mga kamag-anak at business associates ng mga Zacarias. Kaya naniniwala silang especial ang babaeng iyon sa Kaibigan niya.











"Ikaw ang gusto ko. Period!" May diin pang sabi ng Ginang.









Nagulat naman si Madam Lea ng may umakbay bigla sa nakaupong si Ria. Ang itsura ng mukha nito ay tipong do-you-know-this-guy-look.











"Ah Tita Lea, si Justine po boyfriend ko. Just, si Tita Lea ang maganda, mabait, at mother ni Tope." Pagpapakilala ni Ria kay Madam Lea ng bf niya.













"Nice to meet you po." At nagbow pa si Justine sa harap ni Mrs. Lea.









Ngumiti lang ito ng tipid sa binata. "Ah excuse me tingnan ko lang ang ibang bisita." Paalam ng Ginang sa kanya. Hindi na siya nakasagot dahil tumalikod na agad ito.











"Wow! Mukhang nainis si Tita Lea mo ng makita ako." Bulong ni Justine kay Ria.











"Bakit naman maiinis? Paranoid ka." Sagot ni Ria kay Just. Ang totoo ay mukhang alam na niya ang dahilan ng biglng pag-alis ng Ina ni Tope. Selos ang tanging dahilan. Gustong-gusto kasi ni Madam Lea si Ria para sa anak nia.











"Oo na nga." Ginulo pa ng binata ng bahagya ang bangs niya.













"Halika, kain na tayo." Yaya ni Ria kaya inalalayan na siyang tumayo ni Justine.











Kumakain sila sa mesa nila ng lapitan sila nina Kwini at Tope.





**




Tulad ng naipangako ni Tope kay Kwini, isinama niya sa Laguna si Kwini. Tamang-tama dahil may okasyon kaya madaming pagkaing nakahanda sa kanilang mesa.









Kanina pa siya nageentertain ng mga bisita. Bisitang inimbita nila dahil despedida nga niya. Dahil sa makalawa ay sasampa na siya sa isang shipment vessel. At dahil wala namang ibang kilala si Kwini kaya lagi itong nasa tabi niya habang kausap niya ang iba't-ibang bisita. Napagkakamalan tuloy na girlfriend niya.











dug..









dug..









Kumabog bigla ang dibdib ni Tope. Nakita niya si Ria na kasama si Justine sa isang mesa. Naiinis siya sa sarili niya.Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mapigilan sa pag wawala ang dibdib niya kapag nakikita si Ria.




**






"Mabuti at nakarating kayo." Nakangiting bati ni Tope na kasama si Kwini.









"Syempre naman." Nakangiti ring sagot ni Justine.














"Enjoy the party ha? Libutin lang namin ang ibang bisita." Paalam ni Tope sa kanila at tumalikod na kasunod si Kwini.









Nang makalayo na ang dalawa ay hindi napigilan ni Justine ang magtanong. "Girlfriend niya ba yun?"







"Girlfriend niya ba yun?"













"Girlfriend niya ba yun?"








Parang echo na nagpeplay sa utak ni Ria. Bakit ganoon ang pakiramdam niya? Parang nasasaktan siya sa isiping may bago na si Topeng pagkakaabalahan? Sakim na ba talaga siya? Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ni Tope dahil mas mahal niya si Justine, pero ayaw naman niyang makitang masaya ito na kasama ang ibang babae?









"Ui." Tinapik pa siya ni Justine kasi nalunod na siya sa iniisip niya.













"Ha? Ano yun?" Tanong niyang pilit pinagtatakpan ang pagkalito para hindi na mag-abala ang lalaking mahal niya.











"Sabi ko, kung girlfriend niya ba yun?" Ulit ni Justine sa tanong niya kanina kay Ria. Halata niyang parang nawala ito sa sarili. Dahil ba sa presensiya ni Mrs. Lea o dahil sa magkasamang Tope at Kwini?











"Hindi ko alam eh. Excuse lang, Justine. Punta lang ako powder room." At tumalikod na siya ng ngumiti at tumango ang nag-de-desert ng si Just.











Pagkatapos niyang mag-wiw! at magretouch ay lumabas na ng restroom for girls si Ria. Pabalik na siya ng upuan nila ng kanyang nobyo, ng may marinig siyang naguusap sa likod ng isang punong napapalamutian ng mga ilaw dito sa garden.











Napahinto si Ria ng marinig ang pagbulyaw ng isang kilalang boses. "SINO SIYA??" Ang galit na boses ni Madam Lea ang nauliligan niya.









"She's just a friend. Don't panic, Ma-ma." Malumanay pero rinig na rinig niya ang salitang binitawan ni Tope. Narelieve naman siya sa narinig niyang sagot ni Tope.











"Kung balak mo siyang seryosohin, si Ria ang gusto ko." Sagot ni Tita Lea.











"Pero Ma-ma kasi may boyfriend na si Ria." Malungkot ang tonong sabi ni Tope sa Ma-ma niya.











"Ang bagal mo kasi eh!! Hay naku!" Pigil ang inis na medyo may kalakasang sabi ng Ina ni Tope.











"Mama, si Justine ang mahal ni Ria noon pa man. Masakit pero kailangan kong tanggapin iyon." Sagot ni Tope na garalgal na ang boses. Umiiyak nga ba ang binata?











Nakita ni Ria na naglakad palayo na going opposite direction si Madam Lea. Napasilip siya sa kabilang panig ng puno at nakita niyang lihim ng lumuluha si Tope!









Naguguluhan na talaga si Ria. Bakit ba ganito ang pakiramdam niya na parang may mga langgam na masakit na mangagat sa puso niya? Salawahan na ba ata talaga siya?! Humakbang siya palapit kay Tope at inoffer ang panyo niya. Tinanggap naman iyon ni Tope.













"Tama na yan." Pag-awat niya kay Tope. Napatingin naman sa kanya si Tope nagkatitigan sila.













'Ria..... ang sakit pa rin.." At tumulo na naman ang mga luha ni Tope. Naawa naman si Ria sa pinagdadaanan ng binata. Nilapitan niya ito at hinaplos sa likod. Kaso wrong move!









"Ria??" Ang salubong ang kilay na sabi ni Justine. Napabitiw naman si Tope sa pagkakayakap kay Ria.











"Justine, let me explain.." Sabi ni Ria at iniwan niya na muna si Tope. Nakita niya kasing palabas ng gate ang binata. Agad na tumakbo si Ria.













Napatingala na lamang sa kalangitan ang naiwang si Tope. "Iniwan na naman ako ni Ria masundan lang at icomfort si Justine. Ang sakit talaga!" Mukhang tang@ng pagkausap niya sa sarili niya. "Ria, sinaktan mo na naman ako.." At tumulo na ng tuluyan ang luha sa kanyang mga mata.







(A/N: Nasa external link ang One Hello! Paki click na lang po. Kontrabida diyan si Mrs. Lea Z.

Nasa side din ang pic ni Tope sa kwento------------>> Ayun sa multimedia box. Ang totoong Tope eh iyong kasama ko sa profle pic ko dito. Hehehe!)









_____________________________________





A/N:



Ang ILY, JC! ay late po kesa sa MDH. Kaya wag pong malito kung bakit ang patay na sa kabila ay buhay pa dito. Thank You! KINDLY VOTE AND COMMENT. PLEASE PO!

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon