Chapter 6

4.3K 59 7
                                    

A/N:

Please vote and leave a comment.

__________________________________________

Hinanap ko si Ria kung saan tumakbo at hindi nagkamali yoon napagtanungan ko. Naandito nga sya sa may garden, sa may dulo nga lang. Nilapitan ko sya na nakaface-palm at nakatungo.

"Ria, Iha, naiyak ka ba?" mahinahong tanong ko at tinapik ko pa sya ng bahagya sa kaliwa nyang balikat.

Hindi sumagot si Ria bagkus ay umiling lang.

"Ria, sumagot ka please?" sabi ko sa kanya na nakatayo na ako ngayon sa may harapan nya.

Unti-unting lumakas ang galaw ng balikat nya at lumalakas ang hikbi nya. Ahh! Nakakaawang bata!

Tumungo ako na magkapantay na ang mukha namin at hinaplos ko ang buhok nya sabay sabing, "I'm sorry, Ria." sabi ko sa kanya.

Nakatakip pa din ang magkabilang palad nya sa mukha nya at pinipilit sumagot sa gitna ng paghikbi. "Ah..ayos lang..lang po Sir. Wa..wala po kayong kasalanan" sagot niya.

Tumayo ako at hinila ko sya pasiksik sa may bewang ko. Yumakap naman sya sa may bewang ko. "Ria, tumahan ka na" sabi ko sa kanya hinahagpos ko pa ulo nya. Para kasing kinukurot ang puso ko sa isiping pinaiyak ko sya.

Inabot ko ang panyo ko at pinahid naman nya ang mga luha sa kanyang mga mata. Nakatungo pa rin sya at ang dalawang kamay ay nakahawak sa panyo ko. "Crush po kasi kita, Sir" bulong nya.

"Alam ko. Flattered ako pero bata ka pa Ria, may makikilala ka pang kaidad mo" pag-alo ko sa kanya.

"Pero ikaw po ang gusto ko" mahinang sagot nya.

"Makinig ka sa akin, Ria. Natutuwa akong malaman na humahanga ka sa akin pero hindi tamang magkagusto ka sa akin. Bata ka pa, matalino at maganda. Maraming guys na magkakagusto sayo" pagkumbinsi ko sa kanya.

"Ikaw lang po ang nagustuhan ko ng ganito" sagot nyang nakatungo pa din at pinapahid ang mga luha nya.

"Akala mo lang iyan kasi bata ka pa" sagot ko sa kanya. "Tahan ka na" masuyong sabi ko sa kanya.

"Sir, malapit na po birthday ko, at pag nagbirthday po ako eh 18 na po ako. Hindi na po ako alangan sa inyo" sabi nyang iniangat na ang kanyang mukha at tumitig sa akin.

Hindi ko malaman pero pakiramdam ko eh tumataba ang puso ko. "At pag 18 ka na, 34 na ko Ria. Halos doble ng idad mo" pagpapaunawa ko. Nasabi ko na bang nakakabighani mga mata ng dalagitang ito?

"Sir, idad lang po iyon. Wala po iyon sa idad Sir" patuloy na paliwanag nya.

"Mabuti pang maging kaibigan mo na lang ako at parang Kuya na rin" sabi kong nakangiti.

"Ayaw mo ba sa akin, Sir? Panget ba ako?" tanong nyang namamasa na naman ang mga mata. Iiyak na naman ata ito eh.

"Napakaganda mong bata, Ria. Pero tulad nga ng sabi ko bata ka pa" paliwanag ko.

"Sir, antayin mo po kasing magdalaga ako." pakiusap nya.

"Isa pa may gf na ako.." sabi ko.

"WHHATTT?" napalakas dahil sa gulat na tanong nya. 

"Oo, si Maam Tessa mo" sabi ko pa.

Tumulo na ang luha nya.

Ang puso ko parang dinudurog.

"Sir, pagdalagang-dalaga na ako ligawan mo po ako. Ayos lang sa akin na mag-gf ka sa ngayon" sabi nya. Bilib ako sa batang ito sa gutts nyang sabihin ang lahat ng ito.

Hindi ko naman sya kayang saktan kaya ang nasabi ko na lang, "mag-bf ka na rin muna ng kaidad mo. At pag nasa tamang idad ka na, at wala pa akong asawa, ikaw ang unang-una kong pagpoproposean" nakangiting sabi ko. 

I felt quite relieved ng bitiwan ko ang mga salitang yun.

"Talaga po SIr?" umaliwalas ang mukha nya.

Tama nga bang parang pinaaasa ko sya? Paano kung magbago ang takbo ng buhay ko at makapag-asawa na ako?

"Oo. Sa ngayon, magaral kang mabuti at ayaw kong magkaroon ng future wife na walang natapos" sabi kong nakangiti. Baliw na ata talaga ako at kung ano-ano ng pinagsasabi ko.

"Ok po. Prromise!" ngiting-ngiti ng sagot nya. Sa tuwa ay kumiss sa cheeks ko. Hala!

dug..dug

dug..dug

Ano yun? Bakit kumabog ang dibdib ko sa simpleng kiss sa pisngi ng isang dalagita?

"Sa ngayon ay magkaibigan muna tayo. At parang Kuya mo ako na naandito palagi para sayo" sabi ko sabay  yakap sa kanya.

Ahh! May pinangakuan na naman ako. Ano ba yan? Pero ng tumalikod na sya at pupunta na sa classroom nya ay hindi na nawala ang ngiti ko sa labi. Parang gumanda ang araw ko sa pag-uusap namin ni Ria ngayon ah..

She is really something! Parang nagbabalik ang kabataan ko pag-kausap ko sya.

Pero teka, kailangan ko ng bumalik sa office ko. May dalawa pa nga pala akong chicks doon na baka nagbabangayan na ngayon.

Lumingon pa si Ria ng medyo malayo na at kumaway sa akin. Nagflying kiss naman ako!

Homaygad! Nagflying kiss ako??? Baliw talaga ako!

______________________________________

A/N:

Vote and comment please no smileys.. Hindi mabasa ng ayos pag may smiley!

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon