Chapter 50

2.5K 49 0
                                    

A/N:

Gumawa ako ng follow-up chapter kasi walang kakwenta-kwenta iyong last chapter ko.. huhuhu! Writer's block.. iyan ang problem ko... huhuhu! Anyways, meroon akong pacontest. Igawa ninyo ako ng CHAPTER ng I Love You, Justine Choi! Kung sino ang manalo, gagamitin ko ang name ninyo sa next story na gagawin ko. Please? Lahat ng interested eh paki send lang po sa e-mail add ko: chinchay2003@yahoo.com. Syempre naman po ang mapipili ko po ay i-a-acknowledge ko naman po na siya ang nagsulat. Thank you!

________________________________________

Chapter 50 Engagement Party

Ang daming taong imbitado dito sa engagement party nina Ria at Justine. Naandito lahat ng pamilya, kaibigan, kamag-anak, at mga business associates ni Justine. Dito sa isang pavilion hall na inarkila ni Justine dinaos ang party. Ayaw kasi pumayag ni Ria na sa hotel ganapin. Ayon sa dalaga eh hindi naman daw kailangang magpakagastos pa. Sa hirap daw ng buhay ay kailangang maging matipid. Isang bagay na hinahangaan ni Justine sa gf niya. Walang kaarte-arte sa katawan si Ria. Hindi ito maluho.

"I'm so glad at nakarating kayo ni Pa-pa, Ma-ma." Sabi ni Justine kay Donya Arah Cindie Choi. Ang akala niya ay hindi na niya mapapapayag na umattend ang kanyang Ina. Sa kanyang Ama ay walang problema, pero ang kanyang Ma-ma ay halatang hindi pa rin gusto si Ria para sa anak.

"Let's start with this charade!" Sabi ni Donya Arah. 50 anyos na ang ginang pero dahil alaga ang katawan nito, ay parang nakakatandang kapatid lang siya ni Justine.

Hindi naman pinansin ang patutasada ng Ina ni Justine. Bagkus ay buong galang pa din siyang bumati. "Marami po talagang salamat sa pagdalo Tita, at Tito." At nagbow pa ang dalaga.

Ngumiti naman ang Ama ni Justine na si Don Arseno Choi! "Iha, Papa na lamang ang itawag mo sa akin. Tutal ay sa katapusan naman ng taon ay magiging anak ka na rin namin." Magiliw na sabi ni Don Arsenio.

"Ah.. Si-sige po." Nauutal pang sabi ng dalaga. "Dito po kayo, Tita, Papa." Akay ni Ria sa Donya papunta sa lugar na para sa mga magulang nila.

"Hindi ako baldado." Sabi ng Ginang at inalis pa ang pag-alalay ni Ria sa siko niya.

"Sorry po." Nakatungong paghingi ng paumanhin ni Ria. Umirap lang ang Ina ni Justine at nauna ng humakbang papunta sa mesang sinasabi ni Ria. 

"Pasensiya na kayo sa Mama niyo. Menopause na kasi siya." Pakwelang bulong ng nahuhuling si Don Arsenio. Napangiti naman ang magkasintahan at sumunod na lamang sa Don na papunta na rin sa mesang sinasabi ni Ria.

"Ria, huwag mong intindihin si Mama. Kapag nakilala ka niya ng lubos, mag-iiba din ang pananaw niya sa'yo." Sabi ni Justine at nakaakbay na sinundan na nila ang dalawa.

"Huwag kang mag-alala mahal, gagawin ko ang lahat para makuha ang tiwala niya." Nakangiting sagot ni Ria sa kasintahan. Kahit ang totoo ay namumroblema siya kung paano siya matatanggap ng isang Donya Arah Cindie Choi.

Nang makalapit na sila sa pwesto ng mga magulang ay malugod namang binati ng magkasintahan ang magulang naman ni Ria. Pinasundo muli sila ni Justine mula sa probinsiya. "Napagod po ba kayo sa byahe?" Ang bati ni Justine sabay halik pa sa noo ng Ina ni Ria.

"Hindi naman, Justine." Nakangiting sabi ni Erika dela Cuesta, Ina ni Ria. 45 years old na ang butihing ginang, kaparehas ng idad ng asawa nitong si George dela Cuesta.

"Pa, ayos ka lang ba? Napagod ka ba?" Ang tanong ni Ria sa kanyang Ama na ngayon ay medyo gumaganda na ang kondisyon. Cane na lamang ang gamit nito para makalakad. Hindi na nag-we-wheelchair si George.

"Ria, huwag mo kaming problemahin ng inyong Ina. Ang mahalaga para sa amin ay makadalo." Ang sabi ng butihing Ama ni Ria na dati ring mayaman kung hindi lamang ito nagkasakit.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon