A/N:
Sorry sa sobrang late na update..
________________________________________
AFTER TWO MONTHS:
Nasa club na naman ako. Kasama mga kaibigan kong mga taga-Cavite. Nagiinuman kami.
"Cheers!" sabay-sabay na kampay namin.
Kanina pa kami dito at nakaka-5 buckets of red horse beer na kami. Kwentuhan, yabangan, mga gawain namin pagmagkakasama.
Tumayo kami at sumayaw sa gitna. Ang gulo talaga namin kapag magkakasama kami eh.
"Pare, may mga chicks na palapit..." bulong ng isa sa mga kaibigan ko, si Reggie.
Oo nga! 6 na chicks ang palapit sa amin. At nagulat ako ng gumiling sa harap ko ang isang girl na kasama nila.
Teka... Parang kilala ko ito ah? Sino nga ba ito?
"Hi Justine!" sabi nya sa may punong tenga ko. Ahh! Nagtayuan lahat ng mga balahibo ko.
"Hello!" sagot ko habang iniisip kung sino na nga ba ito?
"Wala ata kayong kasamang girls?" bulong nya sa akin. Nilick pa tenga ko! This girl! Grabe! Nakakakilabot.
"Wala naman kaming maisasama..." bulong ko din sa kanya habang nasayaw kami.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...