A/N:
Magyaya pa po tayo ng magbabasa nito para maengganyo naman akong magupdate dito. VOTE & COMMENT please po?
Thank you!
^_^
__________________________________
CHAPTER 16 MEET CHRISTOPHER/TOPE
RIA'S POV:
Isang buwan na kaming hindi nagpapansinan ni Sir Justine. Pero patuloy lang ako ng pag-asikaso sa kanya. Sana naman may makuha na syang kasambahay para makaalis na ako dito. Madami ng nangliligaw sa akin at ineentertain ko naman para makalimutan ko na rin itong pag-ibig na nararamdaman ko kay Sir.
Katulad ngayon, hinatid ako ng isa sa mga school mate kong si Christopher. Si Christopher ay 4th year na sa school namin. Solong anak at galing sa isang may kayang pamilya. May itsura din si Tope sa height niyang 6 feet, pero hindi siya ganun ka outstanding academically. Pero pagdating naman sa sports, basketball varsitarian sya.
Hindi ko sya mapapasok sa loob kasi as we all know, hindi ko naman sarili ang bahay at nakikitira lang ako. Kaya naandito lang kami sa harap ng bahay sa tapat ng gate.
"Ria, sana pabayaan mong tulungan kitang makakuha ng kahit dorm man lang na malapit sa school para makaalis ka na dito." Naawa na kasi si Tope sa akin kasi nabanggit ko nga sa kanya na nakikitira lang ako at bilang kapalit ay tumutulong ako kay Sir Justine sa mga gawaing bahay.
"Hindi naman ako basta-bastang aalis kasi nakakahiya naman kay Sir Justine. Kasi noong nangangailangan ko ng masisilungan eh hindi sya nagdalawang isip na tulungan ako." Totoo naman kasi kahit paano malaki utang na loob ko kay Sir. Kaya bilang ganti, habang wala pa syang nakukuhang kasambahay ay hindi muna ako aalis.
"Sige kung iyan ang gusto mo. Pero tandaan mo lang kapag kailangan mo ng kaibigan na masasandalan, wag kang magdalawang isip na tawagan ako." Ramdam kong sincere sya sa sinabi nya sa akin. Na sa totoo lang, eh maaring 4th year highschool na sya, pero mas bata sya sa akin sa idad nyang 16. Nadelay nga kasi ako diba dahil sa mga family reasons ko. Kaya imbes na 1st year college na ako eh 3rd year highschool pa lang ako.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...