A/ N:
Ang konti ng readers ko dito... Huhu! Anyway, VOTE & COMMENT po tayo. 15 VOTES or 15 COMMENTS = UPDATE.
Read my new story na nasa external link. --->>>
http://www.wattpad.com/story/7982157-falling-for-miss-perfect
_____________________________________
Ring...
Ring...
Kwini Calling...
"Hello?" Sagot ni Tope na excited. Excited kasi siya na may makausap naman na ibang tao na hindi taga-barko.
<"Tope, kumusta ka na?"> Malambing na tanong ni Kwini sa kabilang linya.
"Ayos naman. Ikaw? Kumusta ka diyan?"
<"Ayos lang naman din. Kagabi galing kami ni Xlyn sa bar at medyo may muntik ng bumastos sa akin. Mabuti na lang at may tumulong sa akin.">
"Kasi naman dapat hindi na muna kayo nalabas na wala ako... Este, kami." Nagaalalang sagot ni Tope. Sincere ang pag-aalala ni Tope. Sa estado niya ngayon, importante sa kanya ang mga kaibigang sina Xylene (Xlyn) at Kwini. Silang dalawa lang kasi, bukod sa family niya, ang matiyagang kumukusta sa kanya.
<"Napaka-over protective mo naman... Opo, Kuya...hahaha!"> Natatawang sagot ni Kwini sa kabilang linya.
"Kwini, I'm serious. Importante kayong mga kaibigan ko sakin. Gusto ko parati kayong ligtas. So please, Kwini, para sa akin, huwag ka na munang pumunta sa mga lugar na hindi natin sure na ligtas?" Seryosong sabi ni Tope.
Natigil si Kwini sa pagtawa. Kinilig siya sa concern ni Tope sa kanya. Kung nakikita lang sana ng binata kung gaano siya kapula ngayon! Hindi kaya nagkakagusto na sa kanya si Tope? <"You like me don't you?"> Natakpan ni Kwini ang bibig pagkasabi niya noon. Bakit ba naisatinig niya iyong nasa isip niya lang kanina?
Sandaling natigilan si Tope. Hindi rin kasi siya sigurado kung ano ang nararamdaman niya kay Kwini. Mabait, malambing, at maganda rin naman si Kwini. May attraction din naman siya sa dalaga na nadevelop sa paglipas ng mga araw. Pero hindi pa rin ganoon kalaki tulad ng pagmamahal niya kay Ria. 'Mahal pa nga rin ba niya si Ria hanggang ngayon?' Naisip niya.
<"Hoy Tope! Galit ka ba? Nagbibiro lang ako."> Bawi ni Kwini. Hindi niya gustong magalit sa kanya ang binata. Not now, not ever!
"Actually, may point ka... Parang gusto na nga kita." Mahinang sabi ni Tope pero dinig na dinig ni Kwini.
Dug...
Dug...
<"HA??"> Gulat na gulat na sabi ni Kwini. Diyata't sa wakas ay makakamit din niya ang pagmamahal ni Tope na noon pa niya nais?
"But I still stand by what I said before. Remember? Kung gusto mo akong....."
<"... Maging kaibigan, huwag kang magkakagusto sa akin...."> Dugsong ni Kwini.
"Ha! Ha! Ha!" Natawa si Tope. Pero at the back of his mind, nalulungkot siya. Hindi nga ba niya gustong magkagusto sa kanya si Kwini? Dahil as of now, importante sa kanya ang attention na binibigay ng dalaga.
<"Don't worry. I'll keep that in my mind!"> Sagot ni Kwini na pilit pinasasaya ang boses.
"Oh paano, Kwini? Mahaba na ito. Bukas ako naman ang tatawag sayo." Paalam ni Tope.
Medyo nalungkot si Kwini. Bitin pa siya! Gusto pa niyang marinig ang boses ng binata. Boses na parang musika sa kanyang tenga. <"All right! Bye for now. Ingat ka diyan."> Paalam ni Kwini.
"Huwag kang mag-alala, pag-uwi ko may pasalubong ka." Biro ni Tope sa kanya.
<"Makabalik ka lang ng ligtas, ayos na ako.">
Aaminin ni Tope, kinilig siya sa sinabi ni Kwini. "Kwini, you're really something! Bye! Ingat!" Paalam niya.
<"I miss you!"> Tapos binaba na ni Kwini ang tawag.
"Ibang klase talaga si Kwini. Hindi man lang ako pinasagot na miss ko na rin siya." Iiling-iling na sabi ni Tope habang nakatingin sa fone na kapit niya.
**
Hindi nakapasok ngayon sa work si Ria. Masama ang pakiramdam niya. Napagod ata siya ng sobra kagabi. Ala-una na kasi ng madaling-araw nag-alisan ang mga bisita ni Arah. Kaya haloa alas-dos na siya nakatapos maglinis ng mga kalat nila. Pag-pasok nga niya sa kwarto ay may 9 missed calls na si Justine. Pero sobrang pagod niya na hindi na niya nakuha pang mag-return call.
Tok..
Tok..
"Pasok." Malamlam ang boses na sabi niya.
Sumilip naman si Arah sa kwarto niya. "Ria, hindi ka ba papasok? 7:30am na nakahiga ka pa diyan!" Mataray na singhal ni Donya Arah sa kanya.
"Masama po kasi pakiramdam ko." Mahinang sagot ni Ria. Nanalangin siya na sana tigilan muna siya ni Arah. Masama pa naman pakiramdam niya ngayon.
"Kung hindi ka papasok, maglaba ka diyan! Labhan mo iyong mga kumot ko sa kwarto!" Sigaw sa kanya ni Arah na hindi pinansin ang idinaing niya.
"Maya pong konti. Masama pa po pakiramdam ko." Mahina at magalang pa ring sagot niya.
"Ngayon na!" Sigaw nito at ibinagsak ang pinto pasara.
Walang nagawa si Ria kundi ang bumangon at sundin si Arah. Nilabhan niya ang mga kobre kama kahit medyo giniginaw na siya. Pagkatapos noon ay nagluto na siya ng lunch. Wala siyang gana kaya si Arah na lang pinakain niya. Ang gusto niya lang ay magpahinga.
Ring...
Ring...
Calling Ylaine..
"Hello Ylaine?" Nasa Pinas kasi noong isang buwan pa si Ylaine. May inaasikaso dito tungkol sa trabaho.
<"Grabe! Buti naman at naalala mo pa ako! May ikukwento ako sa'yo!"> Masigla at tuloy-tuloy na sabi ni Ylaine.
"Ylaine, busy ka ba?" Seryosong sabi niya.
Nagseryoso naman si Ylaine. Iba kasi dating ng boses ni Ria. <"May sakit ka ba, Ria? Hindi ako busy. Nasaan ka ba? Puntahan kita gusto mo?" Nagaalalang sabi nito.
"Yes, Please." At ibinigay niya ang address ng bahay nina Justine sa Alabang.
(Later..)
"Hoy Ria! Tumayo ka diyan! Ibili mo nga ako ng fresh milk sa convenience store." Utos ni Arah sa nakatalukbong na si Ria.
Pinilit ni Riang bumangon. Pinapanuod pa siya ng nakapamewang na si Arah sa pagsusuklay. Inabot ang pera at sinundan siya hanggang sa may gate. Ang kaso ng binubuksan na niya ang gate..
"RIA!!" Sigaw ni Arah. Iniunan sa hita niya ang ulo ni Ria. "Ria.. Ria.. Iha.. Gising.." Niyuyugyog niya ang hinimatay na si Ria.
"Oh my..." Saktong may dumating.
"Dalhin natin siya sa hospital.." Hindi mapakaling sabi ni Arah habang alalay ang ulo ni Ria.
"Ylaine po." Pakilala ni Ylaine at magkatulong nilang inalalayan si Ria papasok sa kotse ni Ylaine.
"Sasama ako." Natatarantang sabi ni Donya Arah Cindie at inilock niya muna ang bahay at sumama na sa hospital.
______________________________
A/N:
VOTE & COMMENT. THanks!

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomansIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...