A/N:
Thank you sa mga readers pero pavote naman po at pa-comment..
_____________________________________
Uwian na ng mga studyante. Wala na rin naman akong gagawin kaya uuwi na rin ako. Pagdating ko sa may parkingan ng car ko ay naandoon si Tessa nakasandal sa car ko.
"Sir, pwedeng pasabay?" Sabi ni Tessa sa akin na parang batang nakikiusap.
At dahil wala namang masama sa makisabay ay pinasakay ko na sya sa car ko. "Hop in" sabi ko sa kanya.
Palabas na kami ng school grounds ng mapansin ko ang car sa unahan ko na bumukas ang pinto sa may passenger seat at nakita kong pumasok si Ria dun. 'Sino yun? Hindi naman sasakyan nina Zyrah yun ah?' Si Zyrah ang halos pamangkin kong close friend ni Ria dito sa school.
"Nagmamadali ka ba Tessa? Sundan natin yung silver na honda sa unahan natin sakay ata nyan ang mga pamangkin ko" sabi ko kay Tessa.
"Sige. Pamangkin? Sino sina Zyrah?" tanong nya sa akin.
"Oo yung anak nina Nicole" sagot kong hindi lumilingon sa kanya kasi baka mawala sa paningin ko ang sasakyan sa unahan.
Sinundan namin yung sasakyan at huminto sa may Shakey's. Bumaba si Ria at yung Andrew.
"Justine, wala naman pala yung mga pamangkin mo. Tara na" ang yaya sa akin ni Tessa.
Ang gusto ko naman talagang sundan ay si Ria. Hindi kaya boyfriend nya ang binatilyong yun?
(Si Ria oh ---->>>>>)
"Oo nga noh? Pero tutal naandito na tayo so kumain na rin tayo. Treat ko" sabi ko at bumaba na ako para pagbuksan sya ng pinto.
Pumasok kami sa loob at nakita kong kinukuha na ng order taker ang order ng dalawa. Umupo kami ni Tessa sa medyo malayo ng konti sa mesa nila. Yoong sapat lang para matanaw ko sila.
"Hey, sino bang tinitingnan mo?" tanong sa akin ni Tessa.
"Magnobyo ba ang dalawang iyan?" tanong ko kay Tessa na hindi iniisip ang sinasabi ko.
"Sina Ria pa rin ba ang tinitingnan mo?" tanong ni Tessa na tinatanaw kung ano ang tinitingnan ko.
"Ah.. eh.. oo" sagot ko. Wala na akong magagawa hindi ko na pwedeng ideny pa.
"Bakit parang masyado kang interesado sa batang iyan?" tanong sa akin ni Tessa.
"Hindi ko nga din alam eh" ako.
"Hindi kaya gusto mo sya?" nakakunot ang noong tanong ni Tessa.
"Ano ba naman iyang pinag-iisip mo? Bilang may-ari ng school, interesado lang ako sa safety ng mga estudyante natin" mahabang paliwanag ko.
"Kahit wala na sa school compound?" makulit na tanong ni Tessa. Oo nga naman. Ano bang pinoproblema ko eh wala na naman sila sa school?
"Oo. Malay mo, mas may mangyari sa kanilang di maganda sa labas ng school" paliwanag ko. Sana naman makumbinsi si Tessa.
"Ah ok." sagot na lang nya.
Nagkwento na si Tessa tungkol sa family nya. Ang dami nyang kinukwento pero sadyang wala akong maintindihan kasi wala sa kanya ang attention ko. Ang attention ko ay nasa kabilang mesa. Nakina Ria ang attention ko.
Kitang-kita ko ang pagtatawanan nila at pagbibiruan. Ewan ko ba pero parang naiinis ako na napapatawa ng lalaking yun si Ria.
Binawi ko na ang pagsubaybay ko sa kanila kasi baka mahalata na ako masyado ni Tessa. Pilit kong iniintindi ang kinukwento ni Tessa sa akin. Nang hindi ko maiwasang napasulyap na naman ako sa gawi nila Ria.
Tumayo si Ria at mukhang papunta sa restroom.
"Tessa, restroom lang ako" paalam ko kay Tessa at tumango naman sya.
"Hey! Sino yoong kasama mo?" Nagulat si Ria ng paglabas nya sa female's cr eh yun agad ang banat ko.
"Sir? Anong ginagawa mo dito?" gulat na gulat na tanong nya.
"Sagutin mo yung tanong ko" utos ko sa kanya.
Napatungo naman sya at sinabing, "manliligaw ko po.."
"Manliligaw? Ang bata mo pa? Ihahatid ko na si Mam Tessa mo at babalikan kita. Tapos ikaw naman ang ihahatid ko. Wag ka ng sasama sa lalaking iyan ha?" bilin ko sa kanya.
"Ah eh.. sige po.." pumayag na lang sya kahit naguguluhan.
Pagbalik ko sa mesa namin eh niyaya ko na si Tessang umuwi. Ayaw pa nya sana kasi kabibigay pa lang ng pagkain namin. Pumayag lang sya ng sinabi kong tumawag si Dad at pinauuwi na ako kasi may problema sa ibang business. Pinabalot ko na lang ang inorder namin at pinauwi ko sa kanya.
Halos lumipad naman ang sasakyan ko para makabalik agad sa Shakey's Restaurant na yun.
"Sir Justine? Good evening po!" nagulat na bati sa akin ni Andrew at napatayo pa.
"Good evening. Isasama ko na si Ria, pinapasundo sya nina Zyrah" ang pagdadahilan ko kay Andrew.
"Ganoon po ba? Ako na po maghahatid sa kanya kina Zyrah" sagot ni Andrew.
"Hindi. Ako na kasi doon din naman punta ko. Umuwi ka na bata at gabi na. Baka hinahanap ka na ng parents mo" pangaral ko pa sa kanya.
"Ah sige po" sagot ni Andrew. "Bye Ria. Bukas na lang.." paalam nya kay Ria. Anong bukas na lang sinasabi nito?
"Sige Andrew, alis na kami. Mag-ingat ka ha.." paalam ni Ria. Tumayo si Andrew at hahalik pa sana sa pisngi ni Ria pero hinatak ko na si Ria paalis doon.
Tahimik naman si Ria sa byahe. "Ok ka lang?" tanong ko sa kanya.
"Opo" sagot nya naman.
Pagdating namin sa kanila ay pumasok na sya sa gate nila pagkatapos magpasalamat sa paghahatid ko. Ang kaso, lumabas din ulit sya palabas sa boarding house nila. Anong nangyari?
"Sir Justine, pwede po bang ihatid nyo muna ako kina Zyrah?" pakiusap nya sa akin na sa tingin ko ay paiyak na.
"Bakit anong nangyari?" tanong ko at noon ko lang napansin na may dalawang maleta sa labas ng boarding house nya.
"Pinalayas na po ako ng kasera namin kasi 3 months na akong hindi napapadalhan ng parents ko ng pambayad mula sa probinsya... huhuhu.." Hala umiyak na. Hinug ko naman sya para tumahan na. Binitbit ko ang dalawang maleta nya pasakay sa kotse ko.
"Sa bahay ka na lang muna. Katulong lang naman kasama ko dun" suggestion ko.
"Talaga po?Huhuhu... Sige po Sir Justine. Huhuhu...Bukas po maghahanap ako ng part time job para makalipat din ako agad huhuhu..." umiiyak pa ding sabi nya.
"Tumahan ka na. Pumapanget ka eh" sabi ko sa kanya at pinunasan ko mga luha nya sa mata.
"Salamat po" at napangiti na sya kahit umiiyak..
Kawawang bata! Pero tama nga ba ang desisyon ko na sa bahay muna sya patulugin? Ewan ko ba! Meroon kasi akong pakiramdam na kailangan ko syang proteksyunan palagi!
_________________________________
A/N:
Vote and comment.
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomantizmIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...