A/N:
Please vote & leave a comment.
________________________________________
FAST FORWARD:
Makalipas ang ilan pang buwan ay naging busy na si Ria sa school. Hindi na niya gustong magbigay pa ng sakit ng ulo sa Uncle C niya kaya mas pinagbuti niya ang pag-aaral.
Nagising si Ria sa isang katok sa room niya. Ganun na lang ang gulat niya nang buksan niya ay may malaking kahon siyang nakuha.
To:
Ms. Ria dela Cuesta
Rm. 201, St. Andrew Dormitory, Sto. Nino,
Binan, Laguna, Philippines
Happy 18th birhday!
From: Uncle C
Iyon ang nakalagay sa tarheta ng regalo na inabot sa kanya ng delivery boy. "Salamat Kuya." At isinara na ni Ria ang pinto matapos niyang makuha ang package. Binuksan niya ang kahon at ganoon na lang ang gulat niya ng makita niyang gown ang laman noon. OMG! Kung hindi pa siya binigyan ng regalo ni Uncle C niya ay hindi niya maaalala na birthday niya ngayon. Debut niya nga pala!
Ipinatong niya sa dibdib niya ang gown at umikot ikot siya sa salamin. "Ang ganda!" Sabi ni Ria sa sarili.
Ring..
Ring..
Mr. R Calling...
"Hello?"
<"Ria, natanggap mo daw ba yung package ni C?">
"Opo! Paki sabi po maraming maraming maraming salamat po talaga!" Masayang sabi ni Ria kay Mr. R.
<"Oo naman. Kami ang pumili niyan.">
"Thank you po sa inyong dalawa!"
<"Oh sige, babye na at may gagawin pa ako. Enjoy your day and happy birthday!"> Paalam ni Mr. R sa kanya.
"Bye po!"
Ipapatong pa lang ni Ria ang fone niya sa table ng may magtext. Binuksan agad iyon ng dalaga.
2 messages received.
**
From: Justine
**
Ria, happy birthday! I wish you all the best. Magready ka mamayang 6:00pm at may susundo sa'yo. Wear something formal. Kung may gown ka, suotin mo.
**
Hala! What a coincidence? Mag-gown daw sya tapos may gown siyang nareceive? Saka may susundo sa kanya? Uuwi ba si Justine for her birthday? Sa isipin pa lang yun eh naeexcite na siya agad!
Nagreply siya sa message ni Justine.
**
To: Justine
**
Thank you sa pagbati! Sige wala naman akong lakad eh. Antayin ko na lang ang sundo maya.
**
Message Sent..
Binuksan niya yoong isa pang message.
**
From: Uncle C
**
I hope you liked the gift that I sent you. Happy birthday our Lady..
**
Napangiti siya sa isipin na lady na nga siya ngayon at last! Sinagot niya ang message ni Uncle C niya.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...