A/N:
PaCOMMENT naman sa iba oh? Thanks!
__________________________________
Manonood ng basketball game ni Tope si Ria. Hindi nya matanggihan si Tope kasi syempre naging mabuti naman itong kaibigan nya. Papasok na sana sya ng covered court ng may magtakip ng bibig nya at hinila sya palabas ng court. Napalag si Ria pero tingin nya ay mga lalaki ang may bitbit sa kanya dahil sa lakas ng mga bisig nito.
Ipinasok si Ria sa bodega ng gym, binuksan ang ilaw at isinara ang pinto. Kahit natatakot ay hindi sya nagpahalata dito sa dalawang malalaking lalaki na bumitbit sa kanya dun.
"Sino kayo?" Sigaw ni Ria. "Pakawalan nyo ko!!!" Nakatali kasi ang magkabilang kamay nya habang nakayapos sya patalikod sa isang haligi ng gym.
"Wag ka ngang maingay! Dito ka muna habang hindi pa tapos ang game.." Nakangising sabi sa kanya ng isang pangit at maitim na estudyante. Na sa uniform na suot nito ay taga Architecture Department.
"Ano bang kasalanan ko sa inyo?" Naiiyak ng tanong ni Ria.
"Ikaw wala! Pero si Tope malaki! Sya ang nagdadala ng team nila at kalaban nila ang team namin ngayon." Si Kidnapper 1 ang may sabi.
"At bilang gf nya, tiyak na masisira ang konsentrasyon nya kapag hindi ka nya nakita." Sinabunutan pa sya ni Kidnapper 2 na kaparehas din ng uniform ni 1.
"Mga walang hiy@ kayo! Hindi nya ako gf!!! Napakababaw nyo! Mandaraya kayo! Para lang hindi kayo matalo sa elimination eh idinamay nyo pa ako!" Sigaw ni Ria na natulo na ang mga luha.
PAKKK!!!
Sinampal ni Kidnapper 1 si Ria. Sinamaan naman ito ng tingin ni Ria. "Napakaingay mo! Dito ka na muna!!" Sinigawan pa sya ni Kidnapper 1 at lumabas na sila sa bodega. Pilit na kinakalas ni Ria ang tali nya pero hindi nya matanggal.
Tope Calling...
Nakita nya sa cp nyang nakalapag sa sahig mga 2 feet ang layo mula sa pwesto nya. Malamang nahulog iyon sa pagpupumiglas nya kanina.
Tope Calling...
"Hala! Tumatawag na naman sya! Dyosko, tulungan mo po ako.." Umiiyak na sabi ni Ria na wala namang kausap.
"TULONG!!! TULUNGAN NYO KO!!!" Sigaw ni Ria. Hindi sya makahinga kasi Claustrophobic sya. Takot sya sa madidilim at masisikip na lugar. Pinatay kasi ng dalawang kumag ang ilaw bago sya pinagsarhan ng pinto.
SA LOOB NG COURT:
4th Quarter:
Fourth quarter na ay hindi masyadong maka-concentrate si Tope. Isang oras na kasi ang nakakaraan ng itext sya ni Ria na papunta na ito ng gym. Isang oras na, patapos na ang game, pero wala pa sya.
Nagpa timeout ang coach nila. 67-75 in favor of B.S. Architecture. "Ano ba Tope? Ilang pasa na sayo ang hindi mo nakuha? Ilang tira mo na ang sablay!!" Sigaw ng coach nila sa kanya. Si Tope naman ay napatungo habang kinagagalitan ng coach nila.
"Bro, ayusin mo.." Team mate 1.
"Magconcentrate ka.." Team mate 2.
"Kailangan nating manalo.. Presence of mind." Team mate 3.
"Pasensya na kayo. Sige ayusin ko na." Paghingi nya ng paumanhin.
Pagpasok nila ng court ay nagconcentrate na si Tope at nanalo sila sa score na 80-75. Tuwang-tuwa ang team mates nya at binuhat sya ng mga ito.
Isa-isa ng nag-alisan ang mga tao nang mapansin ni Tope si Ylaine. Si Ylaine na isa sa mga kaibigan ni Ria. "Nakita mo ba si Ria?" Tanong nya agad nung nilapitan nya si Ylaine.
"Kanina pa pumunta dito ah? Di pa ba lumapit sayo bago mag-game?" Nagtatakang tanong ni Ylaine sa kanya. Umiling naman sya at laglag ang balikat na tumalikod na papuntang locker room nila para maligo rin.
"Tope, muntik na tayo doon ah? May problema ka ba?" Team mate 4 na tinapik pa sya sa balikat.
"Wala naman eh. Wag nyo akong intindihin.." Naligo na sya ng tulala na ang isip ay 'saan kaya nagpunta si Ria at hindi nanuod?'
Nagbibihis sila ng makarinig sila ng sigaw ......
"MAY ESTUDYANTE!!!!"
Naglabasan silasa locker room kahit hindi pa mga bihis at nagtakbuhan sa pinanggalingan ng boses. Hindi pa nga naiisuot ni Tope ang tshirt nya ay nakitakbo din sya. Hinanap nila kung saan galing ang boses.
"TULONNNGGG!!!" Nagtakbuhan sila sa bodega sa likod ng gym ng mapagtanto nila na sa likod ng locker room galing ang boses.
"Fck!!!" Dali-daling kinuha ni Tope sa bisig ng janitor si Ria. Wala ng malay ang dalaga! Itinakbo nila ito sa kabilang building, sa clinic.
AMERICA:
Ilang buwan na si Justine dito sa America. At dahil nga sya na lang ang maaasahan ng kanyang magulang, kaya sya ang nag-aalaga sa kanyang Ina. Sobrang busy nya kaya wala na syang oras para sa sarili man lamang nya. Kasi sila ng Dad nya ang halinhinang nag-papatakbo din ng kompanya nila dito sa America.
Naandito sya ngayon sa kwarto ng Ina habang tulog na ito at binabantayan nya. Dinukot nya ang pitaka nya at tinitigan ang litratong naandoon. "Miss na kita!" Pagkausap nya sa litrato ng walang iba kundi si............. Ria! Kuhha nila iyon ni Ria nung recognition last school year, nung 3rd year si Ria.
Sinadya nyang hindi magparamdam kahit paano kay Ria dahil kapag narinig nya man lamang ang boses nito ay baka mapa-uwi sya ng Pinas! Gustong-gusto nya na ring makita at mayakap ang dalagita sa paningin nyang si Ria.
"Mas mabuti na rin ito para makapag-aral ka ng ayos at makatapos.." Patuloy na pagkausap nya sa litrato sa wallet nya na minsa'y muntik ng makita ng kanyang Ama. Mabuti na lamang at naisara nya agad ang kanyang pitaka. Nahihiya kasi syang pagtawanan ng mga ito. Biruin mo nga naman, nagmamahal sya ng doble ng edad nya at hindi pa ganap na dalaga?
"Sana ligtas ka... Sana maantay mo ko.." Patuloy nya at hindi nya napansing natulo na pala ang mga luha nya.
________________________________
A/N:
Yoong 19 readers ko dyan, VOTE AND COMMENT naman po. Wag ng madamot, Please???
Thanks!
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...