Chapter 62

2.2K 41 5
                                    




A/N:




Please vote and leave a message. Read FALLING FOR MISS PERFECT. Nasa external link po iyon.



Salamat sa lahat ng nagbabasa nito.





_________________________________________





AFTER ONE MONTH:





"Mabuti naman at naisipan pa ninyo akong dalawin?" Nagtatampong sabi ni Donya Arah Cindie Choi, ina ni Justine. ngayon lang sila dumalaw ng Alabang dahil sa mansion ni Justine sa Laguna sila nakatita.





Inakbayan naman ni Justine ang Ina. "Huwag ka ng magtampo, Mama." Lambing sa nanay niya. Huling kita kasi sa kanila ni Donya Arah ay noon pang ikasal silang dalawa.






"Hay naku! Teka Ria, bakit parang namumutla ka?" Tanong ni Arah sa manugang na si Ria. "Justine, inaalagaan mo ba itong manugang ko? Baka kinikunsume mo siya ha?" Baling ni Arah kay Ria tapos kay Justine muli.







Hinawakan ni Ria ang kamay ni Arah. Inakay na maupo sa sala set. "Mama, may sasabihin kami sa iyo.." Panimula ni Ria.







"Oh dumalaw pala ang mga anak natin." Tuwang-tuwang bati ni Don Arsenio Choi, ama ni Just. Nagmano naman ang mag-asawa sa kanilang Papa na kalalabas lang ng study room.







"Papa, may sasabihin kaming importante ni Ria." Sabi ni Justine ng lahat sila ay nakaupo na sa set.






"Ano iyon?" Tanong ni Arsenio.






"Ano nga ba iyon?" Segundang tanong ni Arah.







Nagsikuhan naman ang mag-asawa. Nagtuturuan kung sino ang magbubukas ng balita. At sa huli, si Ria na lang ang nagvolunteer na magsabi.






"Kasi po I'm one month pregnant." Nakangiting sambit ni Ria.






"Magkaka-apo na kayo, Mama at Papa!" Masayang sambit ni Justine habang hawak ang impis pang puson ng asawa.






"Talaga??" Halos sabay na sambit ng hindi makapaniwalang magulang nila.





Tumango lang ang nakangiting mag-asawa. Natutuwang niyakap ni Arah ang katabing si Ria. Si Justine naman ay nilapitan ng Ama at kinamayan. Tuwang-tuwa ang mag-asawa. Matagal na ring panahon na walang bata sa pamilya.






"Hoy Iho! Alagaan mo itong si Ria namin ha?" Bilin ni Donya Arah. Mahal na mahal na nito ang manugang na si Ria. Lahat ng nangyari sa nakaraan ay ibinaon na nila sa limot.






"Syempre naman, Mama. Dalawa na ang katumbas ni Ria kaya mahal na mahal ko lalo ito." At hinalikan ni Justine ang katabing asawa. Namula naman si Ria dahil nahihiya siyang hinahalikan siya ni Justine sa harap ng 2 matatanda.






"Arah, ipagluto mo ng masarap ang manugang natin." Utos ni Arsenio sa asawa, na ang tinutukoy ay si Ria.







"Ano bang gusto mong kainin, Iha?" Nakangiting tanong ni Arah.






"Seafood carbonara ang palaging gustong kainin niya, Mama." Si Justine ang sumagot. Nahihiya kasi si Ria sa mga magulang ni Justine.






"Sige.. Sige.. Ipagluluto kita." Hindi magkaintindihang sabi ni Arah. Excited na talaga siya sa isiping magkaka-apo na siya.






"Sige po." Nakangiting sabi ni Ria.






"Tingnan mo si Mama, hindi magkaintindihan ng malamang magiging Lola na siya" natatawang puna ni Justine.






"Oo. Excited na ang Mama ninyo." Comment ni Arsenio.






"Kita mo na, Dear? Excited rin ang mga magulang ko." sabi ni Justine. Nakayap siya sa bewang ng katabing asawa. Parehas silang nakaupo sa set. Habang si Justine ay ipinatong pa sa balikat ni Ria ang baba niya.





"Oo nga. Parang feeling ni Mama siya ang buntis." Natatawang sabi ni Ria.







"Ha! Ha! Ha!" Nagkatawanan silang tatlo na nasa salas.







**






AFTER 6 MONTHS:





Malaki na ang tiyan ni Ria. Pinatigil na muna siya ni Justine sa pagtatrabaho dahil medyo risky ang pagbubuntis niya.




"Dear, papasok na ako sa work ha? Uuwi ako mamayang lunch sabay tayo kakain." Bilin ni Justine habang kinakabit niya ang necktie ng asawa.




"Ok po. Ingat sa pagpasok ha?" Bilin naman ni Ria habang inaabot ang bag ni Justine.






Kinuha naman ni Just sa asawa ang bag. "Ok po. Basta itext mo ako o tawagan kapag may problema." Bilin ni Justine sa magandang misis. Kahit buntis na si Ria ay lalo itong gumaganda. Pakiramdam nila ay babae ang nasa sinapupunan nito.






"Opo. Sige na at baka malate ka."







"Bye po. I love you!"





"I love you!" Pagkasabi noon ni Ria ay hinalikan siya ng sandali ni Justine sa labi. Ipinagbukas naman ng gate ni Ria ang asawa at lumabas na ang kotse nito.







SA SCHOOL:






Kababa lang ni Justine ng kotse. Nagmamadali siya kasi medyo late na siya. Kinukuha na niya ang bag ng may kumalabit sa kanyang likod.





"Hoy!" Sabi sa kanya ng Mama na may edad na.






"Sino po kayo?" Tanong ni Justine na nakakunot ang noo. Hindi niya matandaan kung saan niya nakita ang Mamang ito, pero parang nakita na niya ito.






Inakbyan siya paharap ng Mama. Dinikitan at may ibinulong. "Ito ang magpapakilala sa'yo. Ang bilis mo makalimot eh."





"UGHHH!!" Daing ni Justine. Sinaksak siya ng Mama!






"Ngayon kilala mo na ako? Para iyan sa pangloloko mo kay Tessa. Pinaluha mo ang anak ko at tinanggal sa trabaho!" Pagkasabi noon ay parang wala lang na isinukbit ang patalim sa likod at lumabas na ng gate.





Hinawakan ni Justine ang sikmurang may tama. Nakita niya ang halos gumigripong dugo sa kanyang tiyan. Pilit niyang tinatakpan ng kamay pero hindi sapat. Nasirit pa rin ang dugo!





"Uh... Uh.." Pagubo ni Justine ay lumabas na rin ang dugo sa bibig niya. Napaupo na siya sa gilid ng pinto ng kotse niya.






"Tulong!" Medyo mahinang sambit niya. Wala na siyang lakas sumigaw. Ang mga guro at estudyante pa naman ay nasa court dahil may flag ceremony. Ang guard naman ay nasa may gate na medyo malayo sa parkingan niya ng kotse.






Unti-unti ng dumidilim ang paningin niya.






Parang hindi na niya naririnig ang tunog sa paligid.





'Paano na ang mag-ina ko?' Nasa isip ni Justine na pilit tumatayo para kunin ang cp niya sa loob ng kotse. Ang kaso hindi niya talaga kaya.





May nakamotor ang biglang bumaba sa tabi niya. Medyo malabo na paningin niya. Sa aninag niya ay parang si Tessa.





"Justine?" Tinakbo siya ni Tessa dahil nakikitang masaganang dugo na ang lumalabas sa kanya.






"Ba-bakit mo na-nagawa ito, Te-Tessa?" Hirap na hirap na tanong ni Justine. Ang huli nilang pagkikita ay ng paalisin niya si Tessa sa trabaho dahil ginugulo nito ang buhay niya.







"Oh my! Maniwala ka Justine, wala akong alam dito. Hindi ko alam na gagawin ito ni Papa. Sabi ko na nga ba may pinaplano si Papa. Mahal kita at hindi ko makakayanang saktan ka." Itinatayo siya ng natatarantang si Tessa.





"Tu-tulungan mo a-ako, Te-Tessa..." Hirap na hirap na sabi niya.





"Oo. Tutulungan kita. Patawad sa ginawa ni Papa. Kaya mo bang humakbang papasok ng kotse?" Nag-aalalang sabi ni Tessa. Tanging iling lang ang sagot ni Justine.





"Iuupo muna kita ulit. Hihingi lang ako ng tulong. Antayin mo ako, Justine! Hihingi ako ng tulong... Hu! Hu! Hu!" Umiiyak at nagmamadaling sabi ni Tessa. Iniwan sandali si Justine hanggang sa napahiga na lang siya at nawalan na ng malay.







**




Kanina pa handa ang hapag kainan. Maagang nagluto si Ria. Kahit nasusuka siya sa amoy ng bawang at sibuyas na ginigisa ay tiniis niya makapag-luto lang ng kalderetang baka ni Justine. Mahal na mahal niya ang asawa dahil alam niyang mahal siya nito. Para siyang baby kung ituring ni Justine. Kahit pagod ito mula sa trabaho, ito ang naghuhugas ng pinggan at naglalaba ng damit nila.





At kapag restday nito, siya ang naglilinis ng buong bahay nila. Napaka-ideal husband talaga ni Justine. School-bahay-school lang ito. Kapag gusto nitong mamasyal ay hindi pwedeng hindi siya kasama. Lahat ng oras nito ay devoted sa kanya. Kaya naman napapamahal pa siya lalo dito.





"Ang tagal niya naman, gutom na tayo, Baby." Sabi ni Ria sa baby sa kanyang tiyan. Para kay Ria sa lahat ng kabutihan ni Justine, itong anak nila ang pinakamagandang regalo niya sa asawa.






"Excited na ako sa paglabas mo, Baby!" Nakangiting pagkausap niya sa hinihimas niyang tiyan. Nagulat si Ria ng bigla itong sumipa. Naisip ni Ria na tulad nila ni Justine ay excited na rin itong mabuo ang kanilang pamilya.







_____________________________





A/N:




VOTE & COMMENT please?

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon