A/N:
Thank you everyone!
______________________________________
CHAPTER 42 GRADUATION NIGHT
5:00 P.M
Kailangan maaga ang mga gagraduate kesa sa mga guest nila. Iyon ang instructions ng teachers nila sa B.S. Physical Therapy. Naandito na si Ria. Si Ylaine ang sumundo sa kanya kasi siya ang tanging available. Si Tope ay on the way na daw. Si Mr. R ay sinusundo ang parents niya sa probinsya. Then after that ay susunduin pa ni Mr. R si Uncle C niya. Excited na si Ria, hindi dahil sa magspe-speech niya bilang siya ang may pinakamataas na average na makakakuha ng honor, kundi dahil dadating si Uncle C niya. Makikilala niya na ang mahiwagang pilantropo after 7 years. Third year highschool siya ng nagsimula niya itong tumulong sa pag-aaral niya through scholarship program.
Kasalukuyang nasa backstage siya kasi kasama siya sa program dahil siya ang mag-lelead ng prayer. Habang mine-memorize niya ang prayer na ginawa niya ay panay ang tingin niya sa cp niya. Tinitingnan niya kung may tawag o message na dadating from her loveones. Ganun na lang lalo ang kaba niya na wala man lamang paramdam sa mga taong inaantay niya.
6:00 P.M.
Pagtingin ni Ria sa pintuan ng PICC ay nakita niya ang kanyang mga magulang. Agad niya namang nilapitan sila at binigyan ng upuan na alloted sa kanila.
"Congrats, Anak! We're very happy at ga-graduate ka na." Bati ng kanyang Inang maluha-luha habang tulak-tulak nito ang wheelchair ng kanyang Ama..
"Salamat po, Ma." Sabay yakap nya sa kanyang Ina. "Salamat din po, Pa." Dagdag niya at niyakap ni Ria ang kanyang Ama.
"Congratulations Ria, Anak!" Naiiyak ding sabi ng Ama niya.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...