Chapter 63

2.2K 46 16
                                    




A/N:



Thank you kina @cjunelyn19, @jnickz, @ukissmeful, @jecdungan, at @aleya05 sa walang sawang support! Maraming-maraming salamat po.





______________________________________





Chapter 63 THE TRUTH





Pigil ang luha ni Ria kasi ayaw niyang makadagdag sa stress ng parents ni Justine. Naandito sila ngayon sa hospital kasi tinawagan siya ni Ms. Tessa na naaksidente daw ang kanyang asawa. Maraming nawala ditong dugo at tinamaan ang internal organs kaya inopera si Justine. Sinalinan ng dugo at kinonfine dito sa ICU.







"Iha, ilabas mo ang luha mo. Baka makasama sa iyo." Nag-aalalang sabi ni Donya Arah sa kanya. Hinihimas pa nito ang likod niya. Hindi niya rin alam pero kahit hindi niya pigilin, hindi siya mapaiyak.





"Bakit si Justine pa, Mama?" Tanong niya habang nakatitig lang sa katabing asawa na ang daming nakakabit na tubo sa katawan. Naandito kasi sila sa ICU.






"Iha, iiyak mo. Huwag mong pigilin. Gagaan ang pakiramdam mo." Patuloy na paghimas ni Arah sa kanya. Pero kahit gusto niya mang gawin, hindi niya din mapilit na ilabas ang luha niya. Kahit na ang pakiramdam niya ay mamatay na siya sa nakikitang kalagayan ng asawa.





Pero kahit anong sabihin ni Arah, parang hindi naa-absorb ng utak ni Ria. "Justine, isama mo na ako kung aalis ka. Huwag mo akong iiwan." Sabi ni Ria sa comatose na asawa. Pinisil niya ang malamig nitong kamay na animo'y bangkay.






"Papa, ihatid mo muna si Ria sa bahay nila. Tawagan mo si Ylaine at pasamahan mo. Mukhang kailangan niyang magpahinga." Sabi ni Donya Arah sa kanyang asawa na nakatayo sa likod nila ni Ria. Nalulungkot at hindi rin makapaniwala sa nangyari sa anak nila.






Nang marinig naman iyon ni Ria ay lumingon ito kay Arah. Matalas ang mata na tumitig na lubhang ikinagulat ni Arah at Arsenio. Parang wala ito sa sarili. "Huwag ninyo akong ilalayo sa asawa ko kung ayaw ninyo ng gulo!" Pagalit na sabi nito.






Nagkatinginan ang mga magulang ni Justine. Napailing na lamang si Arsenio. "Kawawa naman ang manugang natin. Mukhang hindi niya matanggap na ganito ang lagay ni Justine." Bulong nito sa asawa habang si Ria ay nakatunghay muli kay Just at kapit ang isang kamay.





"Ayaw niya kasing magpahinga. Baka makasama sa bata. Baka bumigay din ang katinuan niya." Nag-aalalang bulong ng Ina ni Just sa asawa.





"Justine, isama mo ako ha?" Parang batang bulong nito kay Just na parang magbabakasyon lang si Justine.





"Ria, labanan mo ito. Kailangan mong labanan ito para sa magiging baby ninyo." Hinaplos pa ni Arah ang buhok ni Ria. Nag-aalala na nga sila sa lagay ng anak, hindi rin nila maiwasang hindi mag-alala sa kabiyak nito.






Lumingon ulit si Ria kay Arah. This time ay malambot na ang tingin nito. "Baby? Oo nga pala ang baby namin. Mama, pwede po bang umidlip ako sandali? Baka kasi magkasakit si Baby sa loob ng tiyan ko?" Sabi nito kay Arah.






Lihim na naginhawaan si Arah na ito mismo ang nagvolunteer na magpahinga. Kahapon pa sila dito sa hospital at magdamag, maghapon na walang tulog si Ria. "Pwedeng-pwede. Saan mo gustong matulog?" Masuyong tanong ni Arah.






"Gusto mong ihatid kita sa bahay ninyo? Para makapagpahinga kayo ni Baby sa tiyan mo?" Follow-up ni Arsenio.





Umiling si Ria. "Hindi po. Doon na lang po ako sa couch matutulog. Gisingin na lang po ninyo ako kung pwede kapag aalis na kayo." Magalang na sabi ni Ria.





"Sige, Iha. Magpahinga ka na dun." At inalalayan ni Arah si Ria para makahiga sa mahabang upuan. Aantayin nila itong kusang magising para maka-pahinga ito ng mahaba. Bawal din kasi sa ICU ang masyadong madaming bantay. Sa kaso ni Justine ay hanggang dalawa lang ang allowed.






"Sana ay gumaling ka na, Anak. Napakabata pa ng asawa mo kung iiwan mo siya." Bulong ni Arsenio sa walang response na si Justine.







"Pati magiging anak ninyo, nakaka-awa. Kaya Justine bumalik ka na sa amin ha?" Hinihimas pa ni Donya Arah ang buhok ni Justine habang sinasabi iyon. Hindi na niya napigilang mapaluha. Naawa siya sa kanyang anak. Napakabata pa nito, bagong kasal, at ngayon pa lang magsisimula ng pamilya, tapos ay kukunin na agad ng nasa taas? Sa isiping iyon, sunod-sunod ang pagpatak ng luha ni Arah.







**


I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon