A/N:
I Love You, Justine Choi! Is about to end. I would like to thank all of you who have supported me all the way. Read my other stories:
1. One Hello! - Nicole, Benett, Justine and Leah story
2. Innocent Love <3 - Zyrah, Kurt, Zeon and Ylaine story
3. My Dead Heart (I.L. <3 Part 2) - Zoe/Zyrah, Zeon, Sapphire, & Lance story
4. Falling for Miss Perfect - Lizzie & Whimper story
Maganda din po iyon. Please read, VOTE and COMMENT po diyan.
Non-followers mag-follow na kayo. Honeymoon update eh private po. For followers only! Thanks!
_________________________________
Chapter 59 THE WEDDING
(A/N: Play youtube video ---- >>)
Napakaganda ni Ria sa suot nitong gown na off-shoulders. Ang haba pa ng belo na mala-Bella Swan ng twilight. Kasalukuyang nagmamarcha si Ria papuntang altar. Akay siya ng kanyang Ina at Ama. Nakakalakad na ang Papa ni Ria. Pinagtyagaan itong itreat ni Ria.
Si Ria ay teary-eyed na naglalakad papuntang altar. Hindi niya akalain na after how many years of roller coaster love ay sila rin pala ang magkakatuluyan. Lahat ng pag-titiis ay nagawa niyang makayanan, makasama lang ang groom na kanyang pinili
Nauna ang Maid of Honor na si Zyrah at kasunod ang Bridesmaid na si Ylaine. Kasunod nila ang iba pang mga abay.
Nag-aantay naman sa Altar si Tope na gwapong-gwapo sa suot nitong itim na tuxedo. Napakagwapo ng binata! Abot tenga ang kanyang ngiti. Namamawis ang kamay. Kinakabahan na baka maudlot pa ang kasal.
Palapit ng palapit si Ria. At nang sa wakas ay nasa altar na ang dalaga! Inabot ni Mr. Dela Cuesta ang kamay ng anak kay Tope.
"Please take good care of my daughter." Bilin ng Ama ni Ria.
Inabot naman ni Tope ang kamay ni Ria. "Don't worry, Tito. I will protect her." Niyakap ng dalaga si Tope at last nasa finish line na siya! Niyakap din siya ng binata. Alam ni Tope na maligayang-maligaya si Ria.
"Thank you, Tope. Maraming salamat!" Pagkasabi noon ni Ria ay hinawakan siya sa isang kamay ni Tope at hinalikan ito.
"Anything for you, My Princess!" Ngumiti si Tope ng ubod ng tamis. Napakagandang ngiti. Inakay na si Ria. 4 na hakbang na lang ay Altar na.
1
2
3
4
"Please take care of our Princess." Sabi ni Tope.
"Of course, I will." At kinuha na ni Justine ang kamay ni Ria mula sa bestman na si Tope. Nagpahid naman ng luha si Ria. Ito na, wala ng atrasan pa.
"Shall we?" Tanong ni Justine na ikinawit ang kamay ni Ria sa braso niya. Tango ang tanging naging sagot ni Ria. Hindi siya makapagsalita. Pakiramdam niya ay parang waterfalls na bubuhos ang luha niya kapag binuka niya ang kanyang bibig.
**
"Salamat sa pag-aantay mo sa akin, Just!" Nakangiting sabi ni Ria habang nagsasayaw sila ng sweet. Nasa reception na sila ng kasal. Sila ang nagsimula ng dancing sa dance floor.
"I never laid an eye to any girl until I met you. Pagkatapos ng Tita Nicole mo, hindi ko akalaing makikilala kita." Sabi ni Justine at hinalikan siya sa labi. A very long and passionate kiss. Nagpalakpakan ang mga tao sa sweetness ng dalawa.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
Lãng mạnIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...