A/N:
Please vote and leave a comment. Thank you!
__________________________________________
Matyagang sinamahan ni Tope si Ria sa paghahanap ng malilipatan. Ang problema ay medyo may kamahalan ang mga napagtanungan nila. Kaya ng halos hapon na at medyo pagod na si Tope ay nagoffer na sya.
"Ria, pautangin na muna kita para makapahinga ka na? Diba may work ka pa ngayong gabi?" Ang alok sa kanya ni Tope na puno ng concern sa kanya.
"Sige na nga. Huhulugan ko na lang sayo ha?" Pumayag na sya kasi nahihiya na rin sya sa sobrang abala nya dito. At ang isa pa, may work pa sya as waitress ngayong gabi.
"Sige. Kahit kelan mo gustong bayaran." At bumaba na sila sa isang apartment na tamang-tama lamang para kay Ria. Dalawang kwarto pa nga iyong apartment.
"Napakaliit naman nito para sa presyong 3,500 a month? Tapos may 2 mos. advance and deposit pa? Mabayaran ko kaya iyon sayo?" Nahihiyang tanong nya kay Tope.
Binuksan naman ni Tope ang pitaka nya at iniabot ang pera kay Ria. "Sige na, bayaran mo na at ng maibaba ko na ang ibang gamit mo."
Nagbayad na nga si Ria sa may-ari. Tapos ibinaba na ni Tope ang 3 maleta nya. "Paano ba ito? Wala man lang akong gamit?" Tanong nya kay Tope. Puro damit lang kasi ang laman ng bag nya.
"Wag kang mag-alala, isulat mo sa isang papel lahat ng kailangan mong gamit at pahihiram ko sayo. Ibalik mo na lang kapag may pambili ka na." Nakangiting sabi ni Tope.
Naisip ni Ria, swerte sya sa mga taong tulad ni Justine at Tope na handang tumulong ng walang kapalit. Hindi na nya napigilan ang mapayakap kay Tope dahil sa kasiyahan nya sa lahat ng ginawa nito para sa kanya. "Thank you!!" masayang sabi pa nya.
"Anything for you..."
dug.. dug..
Anything for you...
Anything for you..
Napakasimple ng sinabi ni Tope pero di nyaa maiwasang maapektuhan sa sinabi nito. Baliw na ata ang puso nya at hindi magkamayaw sa pagkabog sa sinabi nya sa kanya.
dug..
dug..
Mas lalo pang kumabog ng simpleng punasan ni Tope ang pawis sa kanyang noo. "Ayos ka lang?" Tanong nito sa kanya. Paano ba naman parang nanigas na sya?
"Ah.. eh.. oo... teka isusulat ko na yung mga hihiramin ko..." Tumalikod na sya agad kasi baka mamaya eh mapansin pa nito na hindi sya mapalagay sa simpleng baggay na sinasabi nito at ginagawa..
'Gusto ko na din ba si Tope?' Tanong nya sa kanyang sarili habang naglilista.
"Ito na ba lahat?" tanong nito sa kanya pagkatapos nyang iabot ang listahan nya.
"Ah... oo iyan na lahat.." Hindi pa rin komportableng sagot nya.
"Dadalhin ko na lang bukas. Paano, uwi na ako at kanina pa text ng text mga kaibigan ko?" Paalam nito at kiniss sya sa pisngi.
DUG...
DUG...
Sobrang lakas na talaga ng pagkabog.
"Ok, bye!" yun na lang ang naisagot nya at pumasok na sya ng makaalis na ang magara nitong sasakyan.
Inilatag nya ang kumot nya at nahiga sa sahig. Masakit na kasi likod nya sa buong maghapon nilang paghahanap ng matitirhan.
'Malungkot pala talagang mag-isa. Kumusta na kaya si Justine?' Ang muni-muni nya at di na nya namalayan na nakatulog na sya.
RESTO:
Sinalubong sya ng kasamahan nyang si Jen sa restaurant na pinagtatrabahuhan nya. "Hi Ria! Kumusta?"
"Eto gipit na gipit kasi lumipat na ako ng bahay." Paliwanag nya kay Jen habang nagbibihis ng uniform nila sa work.
"Gusto mo sumama ka sa akin mamayang pagka-out natin dito.." bulong ni Jen sa kanya.
Napakunot ang noo nya. "Saan naman?"
"Diba gusto mong magkapera? Basta sumama ka.."
"Baka ipapasok mo akong prostitute, hindi pwede ha.. Bata pa ako.."
"Hahaha! Anu ka ba? Hindi ganoong work.. Basta mamayang gabi na lang."
"Basta hindi pagpoprosti eh payag ako."
"Sige. Tara na labas na tayo at baka mapagalitan tayo ni Sir." at lumabas na sila ng banyo.
_____________________________________
A/N:
Please vote and comment. Saan nga kaya sya dadalhin ni Jen?
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...