A/N:
Sorry for the very late update. Medyo busy po sa hospital.
____________________________________
RIA'S POV:
FAST FORWARD:
4th year na kaming magkakaibigan. Nakakuha na ako ng isang magandang work sa isang fast food chain. Dahil na rin sa recommendation ni Sir Justine eh naging junior supervisor na ako. Hindi naman ganoon kalaki ang sweldo pero sapat na para sa pangangailangan ko at makapagpadala kahit paano sa magulang ko sa probinsya.
Sa school namin ay may isang Mr. C na anonymous na nagbigay sa akin ng scholarship. Napakaswerte ko ng sabihan ako ng office na ako daw ang napili nung Mr. C na maging scholar. Pero sino nga kaya si Mr. C? Hanggang ngayon kasi ay wala akong idea kung sino sya. Pinadadalhan nya din ako ng allowance buwan-buwan para daw sa pangbaon ko sa school at pangbayad ko sa mga projects ko. In short, may allowance ako para sa lahat ng extra gastos sa school maliban sa tuition.
Si Mr. R ang nagbibigay sa akin ng allowance ko. Personal nya itong iniaabot sa akin dito sa apartment ko. Isa daw syang kaibigan ni Mr. C na nagpapabigay sa akin nito. Hindi lang isang katiwala ni Mr. C ang papel ni Mr. R sa buhay ko, para din syang nakatatandang Kuya para sa akin na kapag may problema ako ay pwede akong magconfide sa kanya.
Si Sir Justine? Hindi ko alam! Matagal ko na syang hindi nakikita. Ang huling pag-uusap namin 5 months ago eh babalik daw muna sya sa America para alagaan ang mother nyang naoperahan dahil na balian sa may taas ng hita. At simula ng pumunta sya doon eh hindi na ako nakabalita ng kahit na ano mula sa kanya.
At dahil nga sa naging iskolar ako, madami sa campus ang naiinggit sa akin. Madami ang nang bubully sa akin. Nakakalungkot dahil kami na lang ni Ylaine ang madalas magkasama. Sa aming tatlo pa namang magkakaibigan ay kami ni Zyrah ang talagang sanggang dikit. Kasi si Ylaine eh minsan hindi namin masakyan ang ugali.
Pero wala akong choice kasi si Zyrah eh busy sa showbiz. Kaya kapag walang topak si Ylaine eh kami na lang ang magkasama. Mabuti na rin at naandito si Tope. Silang dalawa ang nakakabuddy-buddy ko dito sa school. At madalas si Tope ang nagtatanggol sa akin sa mga bully. Ang problema nga lang college na si Tope. 1st year college na sya dito sa school namin at ang inaaral nya ay B.S. Marine. Kaya ngayon sa dalawang department na ang haters ko. Sa highschool dahil naiinggit sila dahil ang galing daw sa pangkaraniwang angkang tulad ko ay nakakuha pa ng scholarship dito, at sa college building dahil naiinggit sila sa closeness namin ni Tope. Mr. Crush kasi sya ng College Department. Hay buhay ko!...walang peace of mind!
4TH YEAR HIGHSCOOL:
SCHOOL:
Lunch break namin at halos buong campus ay lunch break. Medyo una lang kami ng 10 mins. sa college department. Mag-isa ako ngayong papunta ng canteen kasi si Ylaine eh may mga new found friends na palagi nyang kasabay maglunch sa labas ng campus. Pero miinsan kami pa rin talaga ang magkasama.
"Ano bang meroon sa Ria na iyan at parang napakaswerte?" girl 1.
"Oo nga. Napakasimple naman at mahirap pa!" girl 2.
Naririnig ko ang pagbubulong-bulungan ng nasa likod ko nung papunta na ako sa canteen. Sino kaya itong mga inggiteraang ito na nasa likod ko? Hayn naku!!
"Biruin mo, ang top 1 & 2 nila eh yoong dalawang artista na bihirang pumasok pero pag may exam eh laging halos perfect, at pag may quiz bee eh palaging nananalo?" girl 1.
Okay! Si Zyrah at Zeon ang sinasabi ng mga ito eh! So what, kaibigan ko naman sila, walang problema kahit mauungusan nila ako noh??
"Samantalang sya, araw-araw pumapasok eh 3rd lang! Hahahah!" girl 2.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomansaIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...