A/N:
Ibalita nyo naman po sa ibang friends ninyo ang kwentong ito.. Thanks po!
_______________________________
Chapter 24 Meet My Guardians
RIA'S POV:
Naandito ako ngayon sa dorm at wala akong pasok. Inaantay ko ang pagdating ni Mr. R kasi nagtext sya sa akin na pupunta daw sya dito sa dorm kasi ibibigay nya ang weekly allowance ko. Syempre ang allowance ay galing kay Mr. C pero dahil pilit nagpapa-anonymous si Mr. C, si Mr. R ang nagbibigay sa akin.
"Hello Ria!" ang bati sa akin ni Mr. R nang maabutan nya akong nasa labas ng pinto ng dorm ko.
"Pasok po tayo.." At niyaya kong pumasok sa loob si Mr. R. Pumasok naman sya at umupo sa set na pahiram sa akin ni Tope.
"Kumusta ang school, Ria?" Tanong sa akin ng matangkad, singkit, medyo maputi, at matangos ang ilong na si Mr. R. May itsura si Mr. R at puno ng autoridad ang tindig at paraan ng pangungusap. Siguro kung titingnan mo sya ay kaidad na sya nina Sir Justine at Tito Benett na Dad ni Zyrah.
"Ok naman po grades ko. Pero aaminin ko po sa inyo, medyo malungkot ako sa school." Paliwanag ko sa kanya.
"Bakit Ria? May problema ba?"
"Kasi po wala po ako masyadong kasama. Tanging si Tope na lang po ang nakakasama ko. Si Zyrah po kasi, diba nga po, sikat na sya at laging nasa out of town?" Malungkot na sabi ko at napatungo pa sa kalungkutang nadarama ko.
"Ito bang si Tope ay nobyo mo na?" Tanong sa akin ni Mr. R habang iniinom ang juice na inabot ko sa kanya.
"Naku, hindi po! Nanliligaw lang po sya sa akin. Pero para po nsa akin, isa syang maaasahan at mapagkakatiwalaang kaibigan at taga-pagtanggol." Honest na sagot ko. Wala naman akong dapat itago pa kay Mr. R kasi para na rin syang Kuya sa akin.
"Mas makakabuti rin siguro na wag ka munang magkakasintahan. Para makapaglaan ka ng tamang oras sa iyong pag-aaral." Payo sa akin niya na tinaguan ko naman. "Eh may mga umaaway pa ba sayo sa school? Gusto mong sabihin natin kay Mr. C? Kaibigan syang matalik nina Justine at tiyak na mapaparusahan ang mga nang bubully sayo?" dagdag pa nya.
"Naku wag na po. Hindi na po kailangan. Although medyo minsan eh nahihirapan na rin po ako sa pakitungo sa akin ng mga ibang schoolmates ko, pero kaya ko pa naman po." Nahihiyang paliwanag ko. Kahit galit ako sa mga nang bubully sa akin, ayaw ko namang gumanti sa kanila.
Pinat ni Mr. R ang ulo ko. "Napakabuti mong bata, Ria. Kaya hindi talaga nagkamali si C sa pagpili sayo. Basta pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Syanga pala, may pinabibigay syang sulat sayo." Iniabot sa akin ni Mr. R ang sulat at tuwang-tuwa ako. First time akong sinulatan ni Mr. C.
"Naku salamat po. Paki sabi po maraming salamat po talaga!" Tuwang-tuwang sabi ko habang yakap ko sa may dibdib ko ang sulat na bigay sa akin ng guardian ko.
"Oh paano, di na ako magtatagal. Ito na ang 5,000 na allowance mo ngayong linggo. Binigyan ka ng extra ni C para daw sa projects mo at premyo nya sayo kasi 3rd honor ka last school year." Ginulo ni Mr. R ang buhok ko at tumayo na.
Inihatid ko na si Mr. R sa labas ng building ng dorm. "Thank you po! Ganoon din po kay Mr. C." Kumaway na si Mr. R at sumakay na sa ferrari nya. Ang yaman talaga nila!
Dinukot ko yung liham ni Mr. C sa bulsa ko at umakyat na papuntang dorm ko. Humiga ako sa kama ko at excited na binuksan ang sulat ng guardian ko.
Dear Ria,
Sana ay pagbutihin mo ang iyong pag-aaral. Umiwas ka sa mga bagay na magiging dahilan para hindi ka makapagtapos agad. Galingan mo at sana grumaduate kang valedictorian ha? Kapag may problema ka, itext o tawagan mo lang si Mr. R, at tiyak na makakarating sa akin yun, para matulungan kita.
Lagi kang magdadasal!
Mr. C
Nagtatatalon ako sa kama. Sobrang saya ko kasi sinulatan ako ng guardian ko. Kumuha ako ng papel at gagawa ako ng sulat para sa guardian ko. Ipadadala ko na lang kay Mr. R kapag nagkita ulit kami sa isang linggo.
Dear Mr. C,
Opo ipinapangako ko pong mag-aaral akong mabuti at iiwasang masangkot sa kahit anong gulo. Maraming salamat po sa lahat ng tulong. Ayos lang po ba kung Uncle ang itawag ko sa inyo?
Mag-iingat po kayong palagi. Dalangin ko po ang inyong kaligtasan.
Nagmamahal,
Ria
At hinalikan ko pa ang sulat pagkatapos kong itiklop. Itinago ko na sa aparador na pinahiram ni Tope. At sigurado ako na matutuwa si Mr. C kapag natanggap ang sulat ko.
"Mr. C, kung sino ka man, maraming salamat sa iyo." Pagkausap ko sa hangin.
Humiga na ako sa kama at pinatay na ang lampshade na pinahiram din sa akin ni Tope ng magring ang fone ko.
Ring.. Ring..
Tope Calling..
"Tope? Bakit?"
<"Sinisigurado ko lang kung ayos ka lang. Nasaan ka?"> Puno ng pag-aalala nyang sabi sa akin.
"Sa bahay. Alam mo ba, Tope sinulatan ako ni Mr. C... Ayiiii!!!!!" Kinikilig pang tili ko sa telepono.
<"Ahh Ria.. nabibingi ako. Anu ka ba naman?">
"Sorry! Di ko sadya. Natutuwa lang kasi ako."
<"Ah ganoon ba?.................Sige tulog ka na, tulog na rin ako."> Bakit kaya ganoon ang boses ni Tope, parang nalungkot?
"Ayos ka lang ba?"
<"Oo. Sige na, bye na.">
"Teka, Tope... nag.. nagseselos ka ba?"
dug..
dug..
Bakit ba naitanong ko pa yun?
<"Sorry. Alam kong wala akong karapatan, pero hindi ko maiwasan. Sorry!">
"Ayos lang. Wag kang magselos, guardian ko lang naman yun eh."
Sumaya bigla ang boses ni Tope. <"Ganoon ba? Oh sige, tulog ka na. Goodnight Dear!">
"Dear ka dyan? Hahaha! Sige good night na din po!"
<"Hahaha! Dream of me.. mwuah!">
"Hello? Hello? Aisshhh!!!" Lokong yun binabaan ako ng fone. Dream of me daw??
dug..
dug..
Humiga na ulit ako sa kama para mtulog. "Hay naku! Ano na ba itong nararamdaman ko kay Tope?"
___________________________________
a/N:
Please VOTE & COMMENT naman po.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomansaIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...