A/N:
Kindly VOTE AND LEAVE A COMMENT NAMAN PO OH...
______________________________________
Days have passed at nakalipat na ako dito sa bagong condo ko. Umalis na ako kina Nicole kasi nakakahiya na rin. Ilang buwan na ako doong nakikitira. Si Tessa naman ay naging napakabuting faked girlfriend para sa akin. Maasikaso naman sya at hindi sya nagger. Hindi sya nakikialam sa mga affairs ko.
Katulad ngayong umaga, nagising na naman akong may ibang babaeng katabi ko dito sa aking kama. Sino nga ba ito? Ah.. Nakilala ko nga pala ito kagabi! Naki share sa aking table tapos nakipaginuman sa akin. At noong malasing na eh nagpakita na ng motibo at sumama na dito sa bahay ko.
Pero wag kayong mag-alala sa akin, kahit pabling ako, marunong naman akong gumamit ng proteksyon. Ayoko rin namang makakuha ng sakit at makabuntis ng babaeng hindi ko naman ganoon kamahal.
Bumangon na ako sa kama ko at naligo. Kailangan kong pumasok ngayon. Pagkatapos kong maligo ay wala na sa kama ko yung babae. Naamoy kong parang may nagluluto ng bacon sa bahay ko. Siguro naghahanda sya ng agahan.
Pagkabihis ko ay lumabas na ako at pumunta sa dining area. Nakita ko yoong babae na nakatalikod at nagtitimpla ng kape. Suot nya yung isa sa mga tshirt ko. At dahil malaki katawan ko, at petite lang itong babae eh parang nakaduster sya.
Bakas naman ang ganda ng hubog ng katawan nya sa damit ko. Pero medyo inatake ako ng inis. Ayaw na ayaw ko kasing ginagamit ang mga gamit ko ng iba at worst of all, kanino sya nagpaalam na gagamitin nya ito? Anu na nga bang pangalan ng babaeng ito?
Hindi naman sa pagiging suplado pero ayaw kong ginagamit ng iba ang gamit ko. Paano na lang kung may body odor ito kapag pinapawisan?
"Hi! Andyan ka pala?" bati nya sa akin na hindi ko alam eh humarap na pala sa gawi ko.
"Hindi ka pa ba uuwi?" pasopladong balik tanong ko.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomantizmIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...