A/N:
Last 10 chappies na po tayo.
__________________________________
"Wag ka nang malungkot." Sabi ni Tope habang tinatapik-tapik ang balikat niya.
"Kahit anong gawin ko, di ko maiwasang hindi malungkot. Kasi naman eh.." Sagot ni Ria kay Tope.
"Huwag ka nang malungkot, andito pa naman ako. Tara na.." At inalalayan na ni Tope si Ria para makatayo na at paalis na sila ng airport.
FLASHBACK:
Nasa boarding house si Ria at kasalukuyang naglalaro sila ng sungka ni Tope.
"Madaya ka naman eh.." Sabi ni Ria kay Tope.
"Kapag magaling, madaya na agad?" Sagot naman ni Tope. 3rd time na kasi niyang natalo si Ria sa sungka.
"HAAHAHA!" At sabay na nagtawanan ang dalawa sa terrace ng kwarto ni Ria. Mabuti na lang at hindi mahigpit ang kasera dito sa boarding house ni Ria at libreng makapasok ang mga kaibigan ng mga estudyante dito. Curfew lang ang strictly emposed sa dorm nila.
Ring..
Ring..
Justine Calling..
"Ria, tumatawag si Sir Justine!" Kahit na parang nakakadama ng konting kirot si Tope ay tinawag pa din niya si Ria.
Halos takbuhin naman ni Ria ang terrace para lang masagot ang tawag. Pumasok kasi siya sa loob ng kwarto nya para itago ang sungkaan.
"Hello?" Sagot ni Ria sa tawag.
<"Ah...ah... Ria, aalis na ako. Sana pagbalik ko, magkita ulit tayo."> Sagot ni Justine sa kabilang linya.
"Si..si..sige..." Sagot ng nauutal na si Ria.
<"Ingtan mo sarili mo ha."> Bilin ni Justine.
"Ikaw din, ingat ka dun ha?" sagot naman ni Ria.
<"Ria, pwdeng favor?">
"Ah ano iyon?"
<"Pwede ka bang makita for the last time? Magkita naman tayo sa airport.">
"Sige ba. Akala ko hindi mo sasabihin iyan eh. Sige punta kami doon." Sagot ni Ria.
<"Bilisan mo at 30 minutes before boarding time ako.">
"POO??? Sige bihis na ako."
<"Teka sino iyong..."> Hindi na natanong tuloy ni Justine kung sino iyong tinutukoy ni Ria sa salitang kami. Ibinaba na agad ni Ria ang fone.
"Bakit daw?" Sabi ni Tope at sinundan si Ria na nagmamadaling pumasok sa kwarto niya.
"Tope, pwede mo ba akong samahan?" Tanong ni Ria habang papasok siya ng loob ng bahay at kasunod niya si Tope kasi hinila niya ito.
"Saan naman?"
"Talikod ka muna." At nagbihis na si Ria sa loob ng kwarto samantalang si Tope ay nakatalikod lang sa kanya. "Samahan mo ako sa airport, aalis na si Justine. Harap ka na." Bihis na si Ria at hindi na inantay na makasagot pa si Tope.
Hinila na ni Ria pababa ng dormitory si Tope. Bilang isang napakabait na manliligaw, kahit masakit din sa kanya na ang mahal niya ay tutulungan pa niyang makasama ang pinakapangarap nitong lalaki, eh wala syang magawa kundi suportahan ito.
Nagmaneho na si Tope papuntang airport. Kahit na feeling niya ay di sila aabot ay pinagbigyan niya si Ria. Biruin mo nga naman, Laguna to Paranaque dapat within 30 mins? Ano lilipad?
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...
