Chapter 66 Ending

1.9K 30 15
                                    

A/N:

Thank you everyone! Salamat po sa lahat ng nagbasa. Basahin po ninyo ang FALLING FOR MISS PERFECT story po iyan ng mga anak ni Ria. Nasa external link din po siya. Doon natin anatayin ang kasalan ng dalawa.http://www.wattpad.com/story/7982157-falling-for-miss-perfect.

Maraming maraming thank you!!

____________________________________

"Ria, natutuwa akong may kasama na kayo ni Menchie." Sabi ni Justine habang yakap siya.

"Just, masaya ka ba sa lugar mo ngayon?" Tanong ni Ria habang nakayakap din ng ubod ng higpit kay Justine.

"Oo masaya ako. Masaya ako dahil ipinagpatuloy ninyo ni Menchie ang buhay na wala ako." Sabi ni Justine at hinalikan pa siya sa noo.

"Pero namimiss kasi kita." Sagot ni Ria sabay tungo.

"Ria, mag-asawa ka na muli. Panahon na para maging masaya ka. At ang gusto ko ay si Tope. Kung hindi si Tope, huwag na lang." Nakangiting sabi ni Justine at hinawakan ang magkabila niyang pisngi paharap sa kanya.

"Talagang si Tope ang gusto mo para sa akin ha?"

"Oo. Siya lang ang magmamahal sa inyo ng totoo ni Menchie. Believe me!"

"Pwede ka ng hindi mag-worry sa amin ni Menchie. Antayin mo na lang ang muli nating pag-kikita. I Love You, Justine Choi!" Ang sabi ni Ria.

Hinalikan siya ni Justine sa labi at niyakap ng ubod ng higpit. "Matatahimik na ako ngayon. I Love You, Ria dela Cuesta Choi-Zacarias!" Nakangiting sabi ni Justine. Nagyakap sila ng ubod ng higpit. Ipinaramdam ang pangungulila sa bawat isa.

"MAMA!!" Yugyog ni Menchie ang nagpagising sa kanya. Nananaginip pala siya. Matagal na panahon din niyang ninais na makita sa panaginip si Justine. Mabuti na lamang at kahit nagpapaalam na ito ay nakasama pa rin niya sa panaginip.

Ngumiti si Ria sa anak. "Good morning, Baby! Bakit po?"

Tumabi sa kanya ang anak. "Mama, punta na tayo sa kainan ni Daddy Tope." yaya ni Menchie. Nag-leave kasi muna si Tope. Hindi daw muna ito sasakay ng barko. Nagtayo ang kanyang nobyo ng isang restaurant na pinangalanang "JUSTINE MINUTE" (just a minute). Isa siyang Filipino Restaurant na puro pagkaing pinoy ang sineserve. At ang sabi ni Tope, kapag daw naging successful ang business ay hindi na ito sasakay muli sa barko.

Nakuha na kasi ni Tope ang blessings ng family ni Ria at in-laws nito na magsama sila. Hindi naman sila pinilit ng kanilang mga pamilya na magpakasal muna. Naunawaan nila ang point ni Ria na may phobia siya sa mga kasal. Siyempre nga naman na after ng nangyari dito na namatayan ng asawa after ikasal ay natakot na ito sa salitang kasal.

Ang bahay ni Justine at Ria ay dinadalaw na lamang ng mag-ina kapag weekend. Umuuwi na ang mag-ina sa bahay niya, Pinaextend na lamang niya iyon para magmukhang bahay na pang pamilya. Tutal ang mga magulang niya naman ay may sariling bahay abroad.

Hiniling ni Ria sa in-laws niya na ilipat na ang bahay nila ni Justine sa pangalan na lamang ni Menchie. Ang nag-iisa nilang anak ni Justine. Suggestion din kasi iyon ni Tope. Ayaw ni Tope na may masabi sa kanyang di maganda ang pamilya ng namatay na asawa ni Ria. Ang pamamahala sa school ay inaasikaso na ng lawyer ng family Choi.

Hiniling din ni Ria na ilipat ang pangalan ng pag-aari ng school sa pangalan ni Menchie. Pero sa bagay na iyan, kahit anong pilit ni Ria at Tope ay hindi pumayag sina Donya Arah. Kilala naman daw nila si Ria na hindi mukhang pera. Kaya marapat lang daw na kay Ria pa rin iyon at sa magiging bago niyang pamilya. Pumayag din sa huli si Ria sa kondisyon nga lang ni Tope na sabihin kina Donya Arah na tanging si Ria at mga magiging anak nito ang taga-pagmana ng school. Hindi kasama si Tope sa magiging may-ari.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon