Chapter 35

2.6K 53 10
                                    

A/N: 

VOTE & COMMENT please!

_________________________________________

Nasa harap sila ng bahay at nakaupo sa hood ng kotse ni Justine si Tessa. Samantalang nakasandal sa tabi niya si Justine. 

"Paano na iyan, Justine?" Tanong ni Tessa na nakatingin kay Justine. Samantalang si Justine ay nakatungo lang at nilalaro ng paa ang maliliit na bato. Ang mga kamay ng binata ay nasa bulsa. Halatang may matinding problemang iniisip ang binata.

"Hey!" Siniko ni Tessa si Justine dahil hindi ito kumikibo.

"I don't know." Simpleng sagot ng binata na hindi pa rin nagbabago ng posisyon.

"I'm sorry for putting you in this mess." Nahihiyang sabi ni Tessa. Pero nakatitig pa rin siya sa nasa tabi niyang si Justine habang ang mga kamay ay nakakapit sa hood sa magkabilang gilid nya.

Hindi pa rin makakibo si Justine. Hindi nasagot pero this time, sinisipa na niya ang mga maliliit na bato habang nakapamulsa pa rin.

"Nakokonsensiya ako, Justine." At bumaba sa pagkakaupo si Tessa at tumayo sa harapan ni Justine. Hinaplos niya ang pisngi ng binata. "Nakakakonsensiya naman eh... Heisstt.." Napailing-iling pa si Tessa habang sinasabi iyon. Di talaga niya kaya ang pananahimik ni Justine.

Kinapitan naman ni Justine ang kamay ni Tessa na nahaplos sa pisngi niya. Dahan-dahan niya iyong binaba habang nakatitig na ngayon sa mga mata ni Tessa. "I think I should go." At tumalikod na si Justine at pumasok na sa driver seat ng sasakyan.

Umalis na sa harap ng kotse si Tessa at lumakad papuntang gilid sa may gutter. "Justine, galit ka ba?" Pahabol pa niyang tanong bago paandarin ng nakapasok ng binata sa kotse.

Iling lang ang sagot ni Justine pero bakas ang kalungkutan sa mga mata. Kumaway kay Tessa at pinaandar na ang kotse. Naiwan namang mas malungkot si Tessa. Napaupo na lang siya sa gutter at napa-sigh. "I'm sorry, Justine." Pagkausap niya sa hangin.

Nagdrive na si Justine na gulong-gulo. Hindi niya malaman ang magiging reaksyon niya.

FLASHBACK**

Dumating siya sa bahay nina Tessa dahil sa pamimilit na rin ng guro sa kanya. Gabi na ngayon pero kaninang umaga pa lang ay kinukulit na siya ng dalaga na pumunta sa kanila. Dahil na rin sa narindi na siya sa 40+ na messages nito kaya napagpasyahan niyang pagbigyan na nga ang si Tessa.

Napayakap naman agad sa kanya si Tessa pagkababa niya ng kanyang kotse. "Ah.. akala ko hindi ka na dadating."

Pilit na ngiti ang isinukli ni Justine. Kailangan niyang maging mabait kay Tessa dahil ito ang naisip niyang solusyon sa problema niya. Anong problema niya? Ang tingin kasi ng dakilang Bachelor eh mas napapalalim na ang pagtingin niya kay Ria. Nakakatawa pero mukhang umiibig na siya ng seryoso sa dalagita. Kailangan niyang paglabanan ito. Dahil madami pang pangarap si Ria sa buhay na tingin niya ay masisira niya pagka ipinursige niya ang pagmamahal na nararamdaman niya.

Pumasok na sila sa bahay nina Tessa. "Dad, Ma, andito na po si Justine." Sabi ni Tessa sa mga magulang na kasalukuyang nanonood ng news.

Tumayo naman ang Ina ng dalaga. "Pasok ka, Justine." Bati nito at dumiretso na sa kusina.

"Iho.." Bati naman ng Ama ni Tessa. Nakipagkamay naman bilang pagbati si Justine. "Tara na sa hapag at nakahanda na ang mesa." Yaya ng Ama ng guro.

Umabrisete naman si Tessa sa siko niya at iginiya na siya papuntang dining room nila. Sumunod na lang si Justine sa paghakbang ng dalaga kahit na pakiramdam niya ay naiilang siya.

Umupo sila ni Tessa na magkatabi sa harap ng Nanay ng dalaga. Nasa kabisera ng mesa ang Padre de Familia.

"Kain ka ng madami, Justine." Sabi ng nakangiting Ina ni Tessa. Sinuklian naman niya ito ng ngiti pero isang ngiting bahaw. Ngiting hindi nakarating sa mga mata. Ngiting pilit kumbaga.

"Salamat po." Sa wakas ay may lumabas ding boses sa bibig niya. 

Inasikaso naman siyang mabuti ni Tessa. Inabot sa kanya isa-isa ang mga pagkain na niluto ng Ina. "Kain ka ha?" Bulong ni Tessa sa kanya.

Pakiramdam ni Justine ay nakatitig ang mga mata ng dalawang magulang sa kanya. Para tuloy nakakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na tensyon. Kumain lang silang apat ng tahimik. Walang nagsalita hanggang sa matapos sila. Si Justine ay konti lang nakain. Pakiramdam kasi niya ay wala siyang gana.

"Kumusta?" Tanong ng Ina ni Tessa nang nakaupo na sila sa sala. Magkatabi silang dalawa ni Tessa at magkatabi naman sa tapat nila umupo ang magasawa.

"Mabuti naman po. Kayo po?"

"Mabuti naman. Bakit ngayon ka lang napadalaw?" Tanong ng Ama ni Tessa.

"May inaasikaso po kasi ako ng kulang-kulang isang taon sa Amerika." Magalang na sagot ng binata. Medyo hindi siya komportable kasi ang kamay niya hawak ni Tessa. Magkaholding hands sila at nakapatong sa hita ng dalaga.

"Ganoon naman pala Dad eh." Sabi ng Ina sa kanyang kabiyak.

"Marahil ay nagtataka ka kung bakit ka namin pinaparito?" Pagsisimula ng Ama na nakapagdala ng kakaibang kaba kay Justine.

"Bakit nga po ba?" Magalang na tanong niya.

"Gusto kasi naming malaman kung kelan ang plano mong kasalan ninyo?" Sagot ng Ama.

"Dad..." Awat ni Tessa sa Ama habang pulang-pula.

BOOM!

Natulala si Justine.

Anong isasagot niya?

Kasal???

"Justine, tinatanong ka ni Dad." Pagsiko sa kanya ni Tessa.

OMG!!!

"Ano, Justine?" Nagaantay sa sagot niya ang Ina ng dalaga. Marahil syempre pati na rin ang Ama nito.

"Po? Eh... kasi... kasi po hindi pa po namin napag-uusapan iyan." Napakunot naman ang noo ng mga magulang ni Tessa. Halatang hindi naligayahan sa sagot niya. Anong magagawa niya? Hindi pa talaga siya handang mag-asawa kahit pa 33 na siya!

"Dad, Ma, wag nyo naman kaming ipressure.." Nahihirapang sagot ni Tessa. Nahihiya rin kasi siya sa binata.

"Siguraduhin mo lang na may maganda kang plano para sa anak namin." Sabi ng Mama ng guro.

"Justine, sa lalong madaling panahon, iayos na ninyo buhay nyo." Bilin ng Ama ni Tessa. Hindi na sumagot si Justine. Feeling niya pinepressure talaga siya ng pamilya ni Tessa.

"Ah sige po, may lalakarin pa po kasi ako." Pag-iwas niya sa topic.

"Saan naman?" Nagulat na tanong ni Tessa.

"Papunta pa lang kasi ako dito kanina eh tinawagan ako ni Mama at may pinapupuntahan sa akin. Sumaglit lang ako." Paliwanag niya kay Tessa. "Alis na po ako. Babalik na lang po ako sa ibang araw." Baling niya sa dalawang matanda.

"Oh siya, ihatid mo na siya, Tessa. Sana naman pagbalik mo, Justine eh pamamanhikan na iyan." Bilin pa ng Ama. 

"Alis na po ako." At nagmamadaling lumabas na si Justine. Feeling niya nasosuffocate siya sa paligid. Hindi na siya nagreact sa sinabi ng mga magulang ni Tessa.

At nang makalabas na sila ng front door...

"Saan ka punta? Sama ako?" Sabi ni Tessa.

THAT'S IT! Gusto na niyang masakal sa pamilyang ito! Grabe lang talaga sila manakal.

END OF FLASHBACK**

Hindi malaman ni Justine kung saan siya tutungo. Feeling niya ay inubos ng pamilyang iyon ang oxygen supply niya! Hindi siya makahinga sa kanila.

At sa huli nakapagdesisyon siya..

"Isang tao lang ang malalapitan ko...." At iniliko na niya ang kotse papunta sa isang lugar. Isang taong alam niyang mahihingahan niya ng problema niya.

_______________________________________

A/N:

Abangan kung sino iyon? VOTE & COMMENT please po... Thanks!

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon