Chapter 43

2.7K 62 2
                                    




A/N:




Sorry for the very late update. Kasi po nawalan po kami ng broadband so kinailangan ko pa pong mag-computer shop para lang makapag-update :( Kaya naman po para masulit ko ang effort kong pagpapaload, 15 likes or 10 comments = UPDATE. Mukhang matatagalan pa po kasi magawa broadband namin. So para sa inyo.... Nagload ako.


Thanks to @CristinaMarquezLeyne, @ukissmeful,@GianAyleGabales,@aleya05


______________________________________






Chapter 43






RIA'S POV:







Napakaswerte ko sa boyfriend ko. Nagpagraduation party pa siya for me after nung graduation ko. Nagrent siya ng isang private resort para sa family & friends ko. Inimbita niya ang college classmates ko na walang celebration sa kanila at pati ang mga higschool classmates ko. Parang reunion na sana. Sayang nga lamang at wala sina Zeon at Zyrah na ngayon ay nasa abroad at busy sa kanya-kanya nilang mga careers.







"Ria, congrats!" Bati sa akin ng kaisa-isa kong close friend na naandito na galing din sa ibang bansa na si Ylaine.








"Salamat at nakapunta ka, Friend!" Pasasalamat ko sa kanya.







"So kumusta ka na? Mukhang kayo na ni Sir Justine ah?" tanong sa akin ni Ylaine. Naandito kami sa may ihawan at pinanonood ang boy ng resort na nag-iihaw ng ilang kilong liempo na binili pa rin ni Justine. Lahat ng handa at pagkain ay si Justine ang gumastos.









Nagpalinga-linga muna ako bago ako sumagot. Nakita ko si Justine sa di kalayuan na kausap si Tito Jeff at Tito Benett. "Oo, kanina lang." Nahihiyang sagot ko.









"Natutuwa ako para sa inyo. Alam ko namang high- school pa lang ay nagpapacute ka na kay Sir." Medyo may kalakasang sabi niya sa akin.












Tinakpan ko naman ang bibig nitong bruha kong kaibigan. "Ssshhh... May makarinig sa'yo!" Sabay sulyap ko kay Kuyang nagiihaw. Mabuti na lamang at mukhang hindi niya narinig dahil sa ingay sa paligid.










"sjfjfutfjdnsjeidm" si Ylaine.












"Ano??"











Tinanggal naman ni Ylaine ang kamay kong nakatakip sa bibig niya. "Ang baho naman ng kamay mo!" Pangbubuska niya sa akin.










Naisip ko tuloy, 'honestly, kaibigan ko ba talaga ang bruhildang ito?' Napangiti na lamang ako sa naisip ko, sabay sabing, "wag ka naman maingay at baka may makarinig sa'yo." Saway ko sa kanya na seryoso ang mukha.









"Kunyari ka pa. Ha! Ha! Ha!" tawa ng tawa siya kasi kinurot ko siya ng maliliit sa tagiliran. Sarap kasing kurutin sa sobrang kadaldalan. "Pero para mawala ang pagkapahiya mo,ttingin ko naman mutual ang feelings ninyo dati pa ni Sir." Dagdag pa nitong si Ylaine-nita.










"Oo naman, minahal ko na si Ria unang beses kopa lang siyang nakita."








.




.





OMG!





.




.







Napangiti na lamang si Ylaine habang ako ay unti-unting humarap kay Justine! Lumapit siya sa akin at inakbayan ako. "Mabuti na nga lang at hindi nasayang ang paghihintay ko dito sa kaibigan mo." Nakangiting sabi ni Justine kay Ylaine. Lalong gumagwapo tuloy siya sa paningin ko kahit medyo umedad na siya ng konti.








"Talaga namang pag-aaral lang ang pinagkaabalahan ko dati, Just." Sabi ko at inihilig pa ng bahagya ang ulo ko sa balikat niya. Kami na PDA!









"Ang hindi ko lang po maintindihan ay kung ano ang nagustuhan ninyo dito sa.... Arayy!" Reklamo ni Ylaine kasi kinurot ko siya ng malakas.









"Ahahhaa! Ria, kawawa naman ang kaibigan mo. Bugbog na siya ng kurot sa'yo." Sabi ni Just na nakapikon sa akin ng konti. Pakiramdam ko kasi nagkakampihan silang dalawa ni Ylaine. Sumeryoso naman ang mukha ni Just ng mapuna na seryoso pa rin ang nakasimangot kong mukha. "Unang kita ko pa lang kay Ria, alam kong siya na!" Sabi niya sabay halik sa buhok ko.










Dug..



.




.


Dug..




.




.





.

Dug..








"Kinikilig si Ria! Ahahaha!" At humalakhak na ang bruha kong kaibigan na naging dahilan para lalo akong mamula sa pagkapahiya sa harap nila.











"Inggit ka lang kasi wala kang boyfriend!" Ganting pang-aasar ko. Biglang naging seryoso ang mukha ni Ylaine. Ewan ko ba, simula ng piliin noon ni Zeon si Zyrah over her to be his gf, basta relationship niya ang topic ay nagiiba talaga ang timpla niya. Gwapo naman talaga ang Ex-bf/ bestfriend ni Zyrah na si Zeon. Pero mas naattract ako noon sa namatay nitong Kuya na siKurt. Sayang nga lang at pumanaw ng napaka-aga. Hanggang sa nagkahiwalay na nga sina Zyrah at Zeon pero hindi pa rin nakakahanap ng bago si Ylaine. Tingin ko nga magkakabalikan na muli ang dalawang iyon kasi magkakatrabaho sila sa isang series balita ko.









"Ria, nalungkot tuloy ang kaibigan mo." Pagaalala ni Justine kay Ylaine. Napaka- sweet din talaga nitong bf ko eh.










"Ewan ko ba, Sir. Tuwing iyan ang topic eh nalulungkot ako. Ilang taon na ang nakakaraan pero hindi pa rin ako nagkaka-bf after that heartbreak with Zeon. Pero masaya naman na ako para sa kanila ni Zyrah." Malungkot na sabi ni Ylaine sa bf ko.










"Cheer-up, Ylaine! Baka hindi mo pa lang natatagpuan ang para sa'yo. Tingnan mo kami ni Ria, ilang taon din ang pinag-intay ko dito sa kaibigan mo. Nagbilang ako ng flings pero sa kanya pa rin bumabalik lagi ang mga paa ko. Kahit nga nasa malayo ako ay hindi ko siya nalimutan at sinuportahan sa lahat ng pangangailangan niya." Nakangiting sabi ni Justine habang nakatitig sa akin.









Nagbawi naman agad ako ng tingin kasi feeling ko, hihimatayin na ako sa kilig! "Oo nga, Friend. Matatagpuan mo din ang para sa'yo." Sabi ko kay Ylaine at hinawakan ko pa ang isang kamay niya. "Salamat talaga sa 7 taong pag-suporta mo sa akin, Just!" baling ko naman kay Justine. Naalala ko ang pagtatago niya sa katauhan ni Mr. C para lang makatapos ako.









Hinawakan naman ni Justine ang magkabila kong pisngi at iniharap sa kanya. Dahilan para mabitawan ko si Ylaine. " You're more than welcome!" Sabi ni Justine at hinalikan ako sa pisngi.




.






.


Dug..






.




.



Dug..






.




.




Ayan na naman! Dumagundong na naman tuloy si Puso ko. "Just, wag mo namang inggitin si Ylaine." Saway ko sa kanya. Ngumiti lang si Ylaine sa sinabi ko.









Binitawan naman ako agad ni Just at iankbayan na lamang muli. "Ay sorry, Ylaine!" Paghingi niya ng paumanhin kay Friend.










"Ayos lang yun, Ria. Ano ka ba?" Nakangiti pa rin si Ylaine.







"Mabuti na lang talaga at hindi nasilo ng Topeng iyon ang puso nitong Ria ko." Nakangiting sabi ni Just.








.






.




BOOM!


.






.




AWKWARD MOMENT...




.



.

Natulala ako at nagkatinginan na lamang kami ni Ylaine. "Nasaan na nga pala si Tope?" Tanong ni YLaine. Alam kasi ni Ylaine kung gaano kami ka sobrang close noong highschool ako. We were more than friends, less than lovers. Bigla ko tuloy naisip, bakit nga ba umalis ang isang iyon kanina ng hindi man lamang naantay na magpaalam ng personal? Kahit ako eh medyo nadisappoint. "Umalis na. Dumaan lang naman daw siya?" Naisip kong isagot kasi iyon din naman ang sabi ni Tope sa text message kanina.









"Ang buong akala ko ay maagaw ka na niya kay Sir, Ria." Ang sabi ni Ylaine. Napansin ko naman ang isang malungkot na ngiti ni Justine.









SILENCE.









Wala na tuloy kaming mapagusapan. Si Ylaine kasi, kung anu-ano ang lumalabas sa bibig. " Excuse me. Puntahan ko lang sina Mama." Hindi ko na inantay na magreact pa sila at umalis na ako. Tinungo ko ang direction nina Mama na kausap ni Julia. Habang papalapit ako ay bigla kong naiisip lumiko papuntang restroom.











Lumiko ako sa restroom at dinayal ko ang number ni Tope.





.





.




Ring..










.





.





Ring..







.




.


Calling Tope..





.




Malungkot na ipinasok ko na pabalik sa aking bulsa ang cp ko. Nakailang tawag na ako ay hindi niya sinasagot. 'Busy siguro si Tope.' Malungkot na nasabi ko na lang sa isip ko.






Bakit nga ba pinag-aaksayahan ko pa ng oras na problemahin si Tope gayong kasama ko na naman ang taong pinakamamahal ko? "Kaibigan ko kasi si Tope kaya importante siya sa akin. Kaibigan ko siya kaya ko siya namimiss. Ilang taon din kasi kaming magkasama. Palagi siyang naandyan para damayan ako sa lahat ng problema. Sayang nga lang at wala ka dito Tope para mapag-sharean ko ng kaligayahan ko ngayon." Ang mukhang ewan na pagkausap ko sa sarili ko.



_______________________________________



A/N:



Please vote & comment. Sira pa rin broadband namin. Kaya 10 comments or 15 likes = update. Okay? Thanks!

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon