A/N:
For fans lang yung chapter before this..
_____________________________________________
Pumasok na ako sa school. Grabe talaga yoong Eden na yun ah? 2x ng nakakatulog sa bahay ko. This is not good.
30 mins. before bell eh pumasok si Tessa dito sa office ko. Lumapit ako sa kanya at nag-kiss sa chicks.
"Kumusta?" tanong ko habang nakaupo kami sa mahabang sofa dito sa office ko.
Humilig sya sa balikat ko. "Ayos naman Justine. Ikaw? Sino yoong sinasabi nina Dell na kasama mo sa bar kagabi?" tanong nya sa akin. Si Dell ay isang dalagang teacher din dito sa school ko at may crush din sa akin.
"Mga kaibigan ko from Cavite" sagot ko.
"May chicks ka daw kasama noong lumabas ka ng bar eh" sabi nya.
Patay sa akin itong Dell na yun eh! Ang daldal!
"Nakilala ko lang dun yun" sinungaling kong sagot sa kanya. "Alam na ba dito sa school yoong tungkol sa atin?" dagdag ko pa.
"Alin itong fake relationship natin? Nakakahalata sila. Kaya lang ang akala nila totoo." sagot nya.
Umupo na sya ng diretso at humarap sa akin samantalang ako ay nakasandal lang sa sofa ang isang kamay ay nakapatong sa side ng sofa, at ang isa kong kamay ay nakapatong sa sandalan ng parteng inuupuan nya, at naka-crossed legs pa.
"Wag kang mahiyang magsabi sa akin ng totoo Justine. Alam ko namang fake lang ang relasyon natin" sabi nya sa aking may halong pait ang ngiti.
"I'm so sorry Tessa! Don't worry, I'll try my best to like you. Don't expect to much, but I'll try.." seryosong sabi ko.
"That's good! At least you will try" sagot nya.
"Alam mo Tessa, I do believe na capable pa naman akong magmahal kasi hindi naman ako ganito dati" ako.
"Talaga? Kung ganoon eh bakit ka nagkaganyan?" interesadong tanong nya.
"Nasaktan kasi ako dati. Mas pinili nung babaeng sobrang minahal ko yoong nakaribal ko sa kanya" paliwanag ko.
"Talaga? Napakaistupido naman ng babaeng mas pipiliin pa ang iba kesa sayo. Perfect catch ka na nga eh" sabi nya sabay sandal ulit sa sofa.
"Wag mong sabihin iyan kasi hindi mo sya kilala. At saka nagkataon lang talagang nasilo ng karibal ko ang puso nya" paliwanag ko. Totoo naman ang sabi ko. Wala ng bitterness sa puso ko, mas madali na akong makaunawa ngayon.
"Kahit na. Kung ako siguro ang pinili mo eh hindi ka mahihirapan ng ganoon. Para sa akin walang ibang lalaking makakatalo sayo" sya.
"Nakakataba naman ng puso ang sinabi mo, Eden. Salamat ha! Pero tingin mo kahit isang Bennett del Fierro pa hindi ka magdadalawang isip sa akin?" ako.
Nagulat naman ang reaction nya. "Si Benett del Fierro? Yoong asawa ni Mam Nicole? Crush ko yun nung elementary ako. Nakikita ko yun dito sa school na ito." nanglalaki ang matang sabi nya.
"Yep. That's him! See kahit ikaw eh nagkagusto rin pala kay Pareng Benett. Pero ngayon ok na ok na kami. Magkakaclose na kaming magkaibigan" nakangiting sabi ko.
"Sinabi ko lang naman na naging crush ko sya. Crush lang, pero ikaw... forever love kita" natuwa naman ako sa sinabi nya. Nahaplos ko na lang ang buhok ni Teacher Tessa.
Ring..
Ring..
Tumayo na kami at inalalayan ko sya kasi bell na. That means flag ceremony na at kailangan kaming lahat sa basketball court.
Lumabas na kaming dalawa sa opis ko. Sabay kaming naglalakad papuntang basketball court ng masalubong namin ang dalagitang nagpapaaliwalas palagi ng umaga ko.
"Good morning po Sir and Maam!" nakangiting bati sa amin ni Ria. Ewan ko ba, sa tuwing makikita ko ang ngiti ni Ria eh gumaganda ang araw ko.
dug..dug..dug..dug..
This is so gay! Bakit ba ako kinakabahan pagnakikita ko ang dalagitang ito? Baliw na ata ako.
"Good Morning!" sagot namin ni Tessa.
"Sir, thank you nga pala noong isang araw" nakangiting sabi nya sa akin.
"Thank you saan, Justine?" napalingon sa akin si Tessa.
"Sa payo ko about sa school project nya" sagot ko kay Tessa pero ang tingin ko hindi ko na naalis kay Ria.
"Ah opo doon nga po" nakisakay na sagot nya. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin kay Ria na about sa pagtingin sa akin ni Ria ang pinagusapan namin at mapapahiya si Ria. At isa pa, alam ko namang gusto ako ni Tessa, so baka hindi nya maunawaan.
"Ah oo.. Magaling talagang magpayo itong si Sir Justine nyo" sabi nya kay Ria at iniangkla pa ang dalawang kamay sa braso ko.
Napatingin si Ria sa kamay ni Tessa na naka-abrisyete sa akin. Ewan ko pero parang bigla akong nairita sa ginawa n Tessa. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ni Tessa.
"Good morning Ria! Ako na magdadala ng bag mo. Good morning po Sir and Maam!" magalang na bati sa amin ng isang binatilyong singkit na ang pagkakatanda ko eh estudyante namin sa 4th year. Higher year kay Ria dahil nga late na syang nakapasok sa school dahil sa family problem noon.
Tumalikod na ang dalawang estudyante at sumunod na ako. Iniwan ko na si Tessa. Nagtataka siguro sya sa inasal nya. Pero parang pakiramdam ko ay nasira ang araw ko ng makita ko ang pagbuhat ng binatilyong yoon ng bag ni Ria. Ang weird naman ng nararamdaman ko.
HIndi ko din maintindihan ang sarili ko. Pero kapag naandyan si Ria, gusto ko hindi nya ako makikitang may kasamang ibang babae. Gusto ko kagagalang-galang at malinis ang dating ko sa kanya. Hindi ko talaga maintindihan. Hindi naman ako image concious pero kapag kaharap ko si Ria, ingat na ingat ako sa imahe ko sa harap nya.
Bakit nga ba ako nagkakaganito?
Hindi kaya nagkakaroon ako ng pagtingin sa batang yoon?
Imposible naman! Ang dami namang ibang babaeng nagkakandarapa dyan sa harap ko at halos lumuhod na mabigyan ko lang ng attention. Pero sino kaya ang binatilyong yoon? Nanglliligaw kaya sya kay Ria? Sa isiping yoon ay parang sumasama ang pakiramdam ko.
Bakit ba ako nagkakaganito?
______________________________________
A/N:
May sexy episode po before this so mag-follow po kayo para mabasa nyo yun.
THanks!

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...