A/N:
Kindly vote and leave a comment. Madami namang readers diba? Sana may mag-vote po. Thanks!
_______________________________
AFTER 3 WEEKS:
Natanggap na si Ria sa Perpetual Help Hospital. Isa na siya sa napiling mga volunteers (A/N: sa amin po kasing mga PT dito sa Pinas, hindi ka magiging Staff hanggat walang nagreresign, kaya hindi ako nag-fu-fulltime Physical Therapist eh.. Hehe.. Ū) ng nasabing hospital. Katatapos lang ng isa niyang pasyente ng tawagin siya ng isa sa mga Interns.
"Ma'am Ria, tawag po kayo ni Ma'am Linda." Si Ms. Linda ay ang kanilang C.S. (Clinical Supervisor), 35 years old na ito.
"Salamat ha." Nakangiting sabi niya sa PT Intern nila ( a/n: iyon po iyong mga estudyanteng graduating. 5th year college na nagpapractice na. )
"Yes po?" Tanong ni Ria sa mabait nilang CS na si Ma'am Linda.
"Ms. Ria, may pasyente sa OPD na gustong magpa-homecare. At dahil allowance lang naman kayong mga volunteers, I suggest na ikaw na mag-handle ng case." Nakangiting bungad ng mabait nilang bisor.
"Thank you po, Maam!" Magalang na sabi niya. Kinuha ang mga gamit niya at lumabas na.
"Ria..." Nakita niyang nakaupo si Tita Leah Zacarias niya sa loob ng OPD Section.
Bumeso si Ria at umupo muna sandali sa tabi ni Leah. "Tita, anong ginagawa mo dito? Kumusta na po si Tope?" Magalang na tanong niya.
"Iyon nga ang sadya ko. Nabalitaan ko kasi kay Kwini na dito ka daw nagtatrabaho, sabi daw ni Ylaine ng makita niya ito sa mall." Panimula ng Ginang.
"Bakit mo po ako hinahanap?" Tanong ni Ria.
Pinisil ni Leah ang kamay niya. "Ria, pwede bang ikaw ang mag-therapy kay Tope para makalakad siya?" Tanong pa ni Leah sa kanya.
"Po? Ako po?" Kinakabahan ng konti na tanong niya.
"Oo. Please, Iha? Kahit magkano sabihin mo lang. Kasi kailangan daw iyon ni Tope. Pero kasi iyong nag-thetherapy sa kanya eh ayaw niyang sundin. Ayaw niyang tumayo man lang kapag pinapatayo siya." Pakiusap ni Tita Leah niya.
Nag-isip si Ria kung tatanggapin niya. Kailangan niya munang magpaalam kay Justine bago niya tanggapin ang hinihiling ni Leah. Ayaw niyang ito ang pagmulan ng gulo sa relasyon nila.
"Tawagan na lang po kita bukas. Medyo busy din po ako kasi sa preparasyon ng kasal ko po." May halong pagsisinungaling na sagot niya. Kung gugustuhin niya naman ay pwede naman talaga niyang isingit ang pag-gamot kay Tope. Kaya lang, kailangan niya munang sabihin ito kay Justine.
Lumungkot naman ang mga mata ni Leah. "Sige. Antayin ko ang tawag mo ha? Sana maisingit mo. Tutal ay datin naman kayong close na close." Malungkot na ngiti ang iniwan ni Leah sa kanya bago ito umalis
Sa loob-loob ni Ria ay nananalangin siya na sana pumayag si Justine. Ngayon siya kailangan ni Tope. Tutal noon ay ito ang palaging tumutulong sa kanya.
**
"Justine, ah.. ano.. kasi... may sasabihin ako sa iyong important." Sabi ni Ria. Naandito sila ngayong gabi sa bahay ni Justine sa Laguna. Pagkatapos ng work kanina ni Justine ay sinundo siya ng kasintahan sa hospital. Nakayakap mula sa likod niya si Justine. Nakapatong ang ulo sa balikat niya habang nakaupo sila dito sa garden set ng binata.
"Ano iyon, mahal ko?" Tanong ni Justine.
"Kasi ano... nagpunta si Tita Leah sa hospital kanina. At gusto ni Tita Leah ay i-treat ko daw si Tope. Ayaw niya kasing sumunod sa nga-pi-PT sa kanya ngayon eh. Pwede ba?" Alanganing tanong ni Ria habang bahagyang nakalingon sa kasintahang nasa balikat niya ang gwapong mukha.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...