Chapter 40 Meet Julia

2.6K 57 13
                                        

A/N:

Walang nag-cocomment dito. Siguro hindi type ng mga readers ko ang story :(. Di bale, tatapusin ko na ito. Tutal wala namang nakakaappreciate.

Pero salamat sa tanging nag-care magcomment @RiiciMaeGalang. Thank You!

_______________________________________

2 DAYS BEFORE GRADUATION:

JUSTINE**

Nasa St. John School si Justine. Sinundo niya si Julia sa hotel na tinutuluyan ng dalaga dito sa Pilipinas. Hindi niya naman kasi gustong dalhin sa sarili niyang bahay si Julia. Kasi wala naman talaga siyang planong seyosohin si Julia.

Kasalukuyang naglalakad sila sa school ni Julia at nasa likod niya ito. Ang daming bumabati sa kanya ng makita siya ng mga tao dito sa school niya. Nagulat siya ng pagbukas niya ng pinto ay may torotot na tumunog. At ang kanyang mga teachers, janitors, staff, lahat ng empleyado ay naka-party hat at nagsabog ng confetti. Mayroon pang nakakabit na banner na nagwewelcome sa kanyang pagbabalik.

"WELCOME BACK, SIR JUSTINE!!" Sigaw ng kanyang mga staff na nakapag-pangiti sa kanya. Tuluyan na siyang pumasok sa loob at nakipagkamay isa-isa. Habang nagpapasalamat siya sa mga employees niya ay naupo muna si Julia sa isang tabi.

Naupo siya sa gitna ng malaking lamesa niya na ngayon ay puro pagkain at inumin ang laman. "Sinong nakaisip nito?" Nakangiting wika niya.

"Ako..." Nagulat siya ng makita mula sa likod ng mga tauhan niya ay lumabas at lumakad palapit sa kanya si Tessa. "I miss you, Justine!" Masayang bati pa nito ng makalapit na ng tuluyan sa kanya. She hugged him tight. Pero si Justine ay no reaction! Hindi siya yumakap pabalik.

Ang mga empleyado niya ay kay lalapad ng ngiti sa nakita nilang eksena. Pero siya, sa pakiramdam niya, ay nasira na ang araw niya. "Hey!" Sabi niya kay Tessa at dahan-dahan itong hinawakan sa magkabilang balikat at inihiwalay sa katawan niya. Napatingin tuloy ang iba sa kanila, habang ang iba ay busy na sa handang naka-prepare. Mababasa niya sa mga mukha nila ang 'Sila pa ba look'. 

"I'm sorry namiss kita." Napatungo ng konti si Tessa. Pakiramdam niya ay napahiya siya pero nakuha rin ng huli na makabawi at tumingin muli sa mga mata niya. "Napakatagal mong nawala? Bakit hindi ka nagpaalam? Bakit ka umalis? Hinahanap ka pa naman ng parents ko. Tuloy na ba this time ang..."

Hindi natapos ni Tessa ang litanya ng mga tanong ng dalaga ng talikuran niya ito at layuan. Lumapit siya kay Julia na noon ay parang out-of-place ang pakiramdam. "TEKA LANG, EVERYBODY, I WANT YOU TO MEET MY..AH.. GIRLFRIEND, JULIA!" Ang malakas na announce niya sa lahat na nakakuha ng attention ng lahat. Ngumiti ang lahat at nakipagkamay isa-isa kay Julia, na noon ay medyo naguguluhan kung bakit pinakilala siya ni Just bilang gf. Pero nakabawi din agad ang dalaga at ngumiti na ng pagkaganda-ganda.

"Ma'am Tessa, halika dito gf daw po ni Sir.." Ang pag-tawag sabay kaway ni Mr. Registrar sa kanya.

Hindi makabawi sa pagkabigla si Tessa. Literal na napa-jawdrop siya sa kabiglaan sa narinig. Kaya ang ginawa ni Justine ay nilapitan niya ito habang hila-hila sa Julia na noon ay nakasunod sa likod niya. "Ano nga bang sinasabi mo kanina?" Mapang-uyam na sabi niya kay Tessa. Ang itsura na teacher ay parang maiiyak na maiihi. She really looks pathetic!

"Hi, I'm Julia.." Pag-ooffer ni Julia ng kamay kay Tessa. Doon na parang natauhan si Tessa. Ngumiti ito ng pilit at inabot ang kamay kay Julia.

"Hello, Tessa nga pala." Pagka-shakehands nila ay niyaya na niya si Julia na kumuha sila ng pagkain.

Patalikod na sila ng hatakin ni Tessa ang siko niya. "Justine....."

Nakakunot ang noong tiningnan naman ni Justine ang pagkakahawak ng kamay ni Tessa sa siko niya. "Yes??" ang sabi niya at inaantay ang sasabihin nito.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon