Chapter 28

3.2K 76 14
                                    

A/N:

Para ito kay jnickz, benjie01, bandojo, and most of all, kay ukissmeful. Sila lang ang walang sawang nagcocomment. At dahil sa kanila kaya pinagpatuloy ko ang kwentong ito. Thank you!

_____________________________________

Suspended ng 1 week si Tope dahil nangyaring gulo. Muntik na din syang matanggal sa varsitarian ng basketball. Yoong mga kumidnap naman kay Ria ay nakickout na sa school nila. Ayaw kasi ng taga pamahala ni Sir Justine nila na gayahin ng iba ang kasamaang ginawa ng mga mayabang na yoon.

Ang pangyayaring iyon ay hindi nakaligtas sa kaalaman ni Mr. C. Dahil katulad ng dati, lingguhan ay nagkukwento si Ria ng mga nangyayari sa buhay nya sa pamamagitan ng sulat na pinaaabot nya kay Mr. R. Nagulat naman si Ria na hindi sya napagalitan man lang ni Mr. C. Bagkus ay sinulatan sya nito, na ipinadala kay Mr. R, na ayos lang daw sa kanya ang lahat. At ito pa ang nagrekomenda sa kaibigang si Justine na dapat patalsikin sa St. John ang mga sumalbahe kay Ria.

INDUCTION NG OFFICERS:

Si Ria na ang pumalit kay Zyrah bilang president ng Student Body Organization nila dahil busy na ang kaibigan nya sa pag-aartista at pagmomodelo. Kaya sya na ang inappoint ng mga professor nila para mamahala. Excited si Ria dahil ayon sa sulat ng guardian nya ay dadating daw sa event si Mr. C. Maaga syang nagising kaninang umaga at naghanda na para sa event na ito.

Si Tope ang sumundo kay Ria. Kanina pa naandito sa function hall sina Ria at kabadong-kabado ang dalagita. Kinakabahan sya dahil sa wakas ay makikita nya na rin sa personal si Mr. C. Suot nya ang magandang damit na bigay nito sa kanya. Isang napakagandang off-shoulders na cocktail dress ang pinadala ni Uncle C nya kay Mr. R.

"Hey, pwede bang umupo ka muna?" Ani Tope na kinuha nya para maging escort ngayong gabi. Kahit may exam si Tope kinabukasan ay nakuha pa rin nitong umattend sa Induction Ball ng dalaga.

Namamawis ang mga kamay at paroot-parito si Ria. "Kinakabahan ako, Tope. Sa wakas ay makikilala ko na rin sya sa personal."

Nahihilo na si Tope sa kanina pa pababalik-balik na si Ria. "Calm down! Baka hindi ka makapagsalita ng ayos kapag ganyang kinakabahan ka ng sobra!"

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon