Chapter 57

2K 51 12
                                    

A/N:

Paramdam naman po ang 60 readers natin. Vote & comment naman po kayo diyan. Plug ko lang po itong bago kong story: FALLING FOR MISS PERFECT. Check it out. Thanks!

____________________________

"Ang dami mong taga bantay ah?" Nakangiting sabi ni Ria kay Tope. Kasalukuyang nagpapahinga sila at katatapos lang nilang mag-training ng standing. Isusunod nila ang walking sa pool. Para hindi masyadong mahirap kay Tope ang lumakad.

Naka trunks si Tope. Napaka-yummy sa suot nitong trunks pero may hapit na white sando naman sa ibabaw na bakat ang maganda nitong abs. Si Ria naman ay simpleng shorts na black at fitted na t-shirt na white ang suot. Bakat din ang magandang hubog ng katawan ng dalaga.

"Sino? Si Xylene at Kwini?" Alam ng binata na iyong dalawa ang sinasabi nito. Kasi halos palitan silang inaabutan ni Ria dito sa bahay niya sa loob ng halos isang buwan na training nila.

"Oo. Matiyaga sa akin ang mga iyon." Sagot ng binata habang bini-b.p. siya ni Ria. Tinitingnan kung tumaas ang presyon niya sa pagtayo kanina.

"120/70." Sabi ni Ria na reading ng sphygmomanometer. Normal naman ang blood pressure ni Tope. Tinanggal na ni Ria ang aparato. "Iba na talaga si Superman. Ang daming chicks na nabibighani." Biro pa niya.

"Sa'yo lang naman walang dating ang charms ko." Mapait na ngiti ni Tope sa kanya.

"Alam mo Tope, aaminin ko hindi ka mahirap mahalin. Pero..." Bitin na sabi ni Ria. Nagiisip siya kung anong tamang salita para idescribe ang nararamdaman.

"Pero ano?" Kunot ang noong tanong ni Tope.

"Si Justine talaga ang mahal ko. Sorry ha. Siguro hindi talaga tayo para sa isa't-isa." Mapait na pagamin ni Ria. Feeling ni Tope ay sinaksak siya sa puso.

"Pero alam mo ba, kung mabubuhay ako muli, gugustuhin kong magkita tayong muli. Malay mo, by that time, tayong dalawa naman ang magkatuluyan." Dagdag ni Ria habang nakatitig sa mata ni Tope. Pinakikita niya na sincere siya sa sinabi dito.

"Sana nga lang ay tayong dalawa naman ang magkatuluyan." Nagniningning ang mga mata na sabi ni Tope.

"Pasensya ka na, Tope. Una ko kasing nakilala si Justine. Malaki pati ang utang na loob ko sa kanya." Sincere na sabi ni Ria na pinisil ang isang kamay ni Tope.

Ipinatong naman ni Tope ang kabila pang kamay sa nakahawak sa kanyang dalaga. Para itong naka-hamburger sa gitna. "Hindi ibinabayad ang pagmamahal sa utang na loob, Ria. Dahil kung ibabayad natin iyon, dapat ay matagal na kitang siningil." Sabi ng binata ng walang kakurap-kurap.

Binawi naman ng marahan ni Ria ang kamay na nakaipit. "Alam ko naman iyon. Aaminin ko ito at gusto kong makinig kang mabuti. Mahal kita, Tope. Pero..... Mas mahal ko lang talaga si Justine. Hindi dahil sa utang na loob. Mahal na mahal ko siya. Gusto ko lang linawin sa iyo na kung siguro, wala ang isang Justine Choi, baka isang Christopher Zacarias ang minahal ko. Kaya sana, huwag mo naman akong pahirapan." Ang honest na sabi ni Ria.

Ngumiti ng pilit si Tope. Ayaw niyang ganito si Ria. "Ano yan, ang drama natin. Natutuwa ako at least naandyan ka bilang kaibigan." Sabi ni Tope na ginulo pa ang bangs ni Ria.

"Tope naman eh!" Palatak ng dalaga. "Tara na nga sa pool at maglakad ka na. Baka magka-iyakan pa tayo eh..." Dagdag ng dalaga at inalalayan si Topeng tumayo.

"Oh dahan-dahan." Command ni Ria habang nakalubog sila sa 3 feet ng pool. Kapit niya ang mga kamay ni Tope. Inaalalayan niya itong humakbang paunahan habang siya ay paatras.

"Mas madali pala kapag may tulong ng buoyancy." Komento ni Tope na inihahakbang ang paa ng dahan-dahan.

"AYYY!!" Tili ni Ria. Muntik na kasi masubsob si Tope kung hindi niya ito niyakap.

Dug...

Dug...

Ilang inches lang ang layo ng mga mukha nila. Nagkatitigan sila. Napatingin si Tope sa mga labi ni Ria na naka-awang ng bahagya.

Napapikit sila pareho. Dahan-dahang lumapit ang mukha ni Tope. Habang ang kamay ay nasa bewang ng dalaga. Siya naman ay yakap nito dahil inaalalayan din sa may bewang.

Ilang hibla na lang ang layo.

Kapwa tumatahip ang mga dibdib nila.

Ilang hibla na lang ng buhok ay magdidikit na ang labi nila. Biglang nagsalita ang natauhang si Ria ng maisip niyang nagtataksil na siya sa mabait na si Justine.

"Tope, i love you......

...as a friend.

Please don't do this."

Nashock si Tope at napadistansya ang mukha kay Ria. Dahan-dahan namang nagmulat ang dalaga.

Mas nashock ang dalaga sa binitawan ni Topeng salita. "I love you so much, Ria. I love you that I don't wanna burden you. I will respect your love for Justine." Seryosong sabi ni Tope.

"Thank you! Maglakad na tayo" pag-iiba ni Ria ng topic. "Kailangang makalakad ka na. 15 days to go ay kasal ko na. Best man ka ha?" Nakangiting sabi ni Ria.

Boommmm!

Parang bombang sumabog kay Tope!

"Sige. Siguro nga hindi tayo bagay." Nakangiti ng puno ng kalungkutan na sabi ni Tope.

Hinawakan ni Ria ang magkabilang pisngi ng binata. "Naandito naman ako palagi para sa'yo. Hindi natin kailangang magkarelasyon para lang mapadama ang pagmamahal ko sa'yo." At kiniss ni Ria ng patingkayad ang noo ni Tope.

Namula pero nakabawi din agad si Tope. "Sino ba sa dalawa ang tingin mo mamahalin ako tulad ng pagmamahal ko sa'yo? Si Xlyn o si Kwini?" Tanong ng binata at ipinagpatuloy na ang paglakad.

"Hindi ko alam sa'yo. Pero parang si Xlyn eh may something pa din kay Albert eh." Comment ni Ria. Ilang beses na rin niyang naabutan na nagpapang-abot ang dalawa dito sa bahay ni Tope.

"Oo nga. Pansin ko nga." Sagot ni Tope patuloy ang pagsunod sa umaakay na si Ria.

"Superman, ako lang si Louise Lane huh? Pero gusto kong makahanap ka ng Supergirl mo. Huwag kang magmadali." Payo niya kay Tope.

"I wish you all the happiness. What makes Louise Lane happy, makes me happy." sagot ni Tope. Pinisil pa ang ilong ni Ria.

___________________________

A/N:

PaVOTE & COMMENT pleaseeeee???

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon