A/N:
VOTE & COMMENT PLEASE? Thanks!
______________________________________
Malungkot si Ria habang nasa canteen at nag-iisa. It's been a week ng huling magparamdam sa kanya si Justine. Nagulat na lang siya ng si Tito Benett niya (Dad ng kaibigan niyang si Zyrah) ang namamahala ng school katulong ang isang pinsan ni Justine. One week...at sa loob ng one week na iyon eh sobrang lungkot ng nararamdaman niya. Wala siyang ganang kumain, mag-aral, at makipag-usap kahit kanino. Wala pa naman ang mga kaibigan/kaklase niyang sina Zyrah (dahil busy sa showbiz) at Ylaine (dahil busy naman sa volleyball team). Mag-isa tuloy siyang naglulunch ngayon.
Ria, cover me from Tessa. Miz u!
Ria, cover me from Tessa. Miz u!
Ria, cover me from Tessa. Miz u!
Paulit-ulit niyang binabasa ang huling message na iyan sa kanya. Kahit anong text o tawag naman niya ay hindi na niya macontact si Just. Marahil ay nasa abroad namaman nga talaga ito.
"Hey!" Nagulat siya ng may tumapik sa balikat niya.
"Musta?" Tanging nasabi niya. Bihira na rin niyang makasama si Tope dahil busy ito sa pagiging varsitarian tulad ni Ylaine. Yun nga lang at sa basketball team naman ito abala. Malaapit na kasi ang interschool meet. Kaya almost 1 week na rin itong abala.
Naupo si Tope sa tapat ng upuan niya at inilapag ang tray ng pagkain. "Ok naman. Ikaw? Bakit mukhang hindi ka ok?" Tanong sa kanya ni Tope.
Napatingin naman siya sa mga mata ni Tope. "Wala..may namimiss lang ako.." Malungkot na sagot niya.
"Sino? Hulaan ko, si Sir Justine ba?" Hala! Ganoon na ba talaga siya katransparent para mahulaan ni Tope ang bagay na iyon?
Tumango lang si Ria at parang slow motion na nagsubo ng pagkain sa kanyang bibig. Nahalata naman ni Tope ang kalungkutan niya kaya nakakunot ang noong napatigil ito sa pagsubo. "I'm sure may important reason kaya umalis si Sir Justine." Ang malumanay na comment ni Tope sa kanya.
Napabuntong hininga na lamang si Ria sa sinabi ni Tope. Alam naman kasi niya na busy iyong taong yun, ang hindi nya lang matanggap ay ang hindi nito pagpapaalam man lang sa kanya. Kahit text man lang ay hindi ito nagpaalam.
"Ria, life must go on.. Gusto mo bang mag-alala si Uncle C mo sa iyo?" Tanong ni Tope sa kanya. At dahil sa sinabi ni Tope ay bigla siyang nakaramdam ng pagkapahiya.
Nahihiya siya sa kanyang sarili kasi bakit nga ba nagpapaapekto siya ng ganito? Paano kung masira pag-aaral niya? Tiyak na madidisappoint si Uncle C niya sa kanya. And speaking of Uncle C, ilang araw na itong hindi man lamang napaparamdam sa kanya. Si Mr. R lang angpalaging tumatawag para kumustahin siya. Naisip niya, kelan kaya niya makakausap kahit sa telepono man lang ang hindi pa niya nakikita kahit sa aninong Uncle C niya. Ano kayang itsura ng mabuting pilantropong iyon?
"Salamat ha?" Sabi niya kay Tope.
"Salamat saan?" Takang tanong ni Tope sa kanya.
"Sa pagiging nariyan mo palagi para sa akin. Sa paggising mo sa natutulog kong utak. Ano na nga lang ba ang sasabihin ni Uncle C kapag bumagsak ako sa pag-aaral ko?" Sabay ngiti ng pilit na sabi ni Ria.
"See? Mabuti naman at naunawaan mo ko. Pasensiya ka na nga pala kasi ng mga nakaraang araw ay masyado akong busy sa practice, kaya di na ako nakakasabay sa iyong mag-lunch." Paghingi ng paumanhin ni Tope sa kanya.
"Nauunawaan kita, Tope. Huwag kang mag-alala..." si Ria.
Hinawakan naman ni Tope ang kamay niyang nasa ibabaw ng mesa kaya napabitaw siya sa tinidor. "Mangako ka sa akin Ria na hindi mo na pababayaan ulit ang sarili mo. Na kapag kailangan mo ng masasandalan ay naandito lang ako."

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...