A/N:
Help me promote this story of mine please?
___________________________________________
JUSITNE'S POV:
Sa park muna kami dumaan. Puro lovebirds ang naandito kasi madaling-araw na.
"Ano ba namang pinasok mong trabaho, Ria?" galit na tanong ko kay Ria.
Nakatungo lang si Ria habang nakaupo sa tabi ko dito sa damuhan. "Kailangan ko kasi ng pera."
"Pera? Bakit hindi ka ba pinahiram ng bf mo at kailangan mong magbenta ng katawan??'" galit pa rin ako. Naiinis kasi ako sa naisip nyang solusyon sa problema nya.
"Ayaw ko ng maging pabigat sa kanya. Ang dami ko na ngang nahinging pabor sa tao eh." mahinhing sagot nya habang nakatungo pa din. Hay naku! Hindi ko malaman kung maawa ako o maiinis sa kanya.
"Yun naman pala eh! Hindi mo naman pala kaya, bakit kasi umalis ka pa sa poder ko?!"
"Huminahon ka nga! Kung makasinghal ka naman eh. Umalis ako kasi un ang tama kong gawin. Ayaw kong makasira ng image mo?"
"Damn! Image.. image ka pang nalalaman! Ang mabuti pa, bukas ay bumalik ka na sa bahay."
"Ayoko.Papatunayan ko sayong kaya kong hindi umasa sa kahit na sino.."
"Ria, makinig ka..." At itinaas ko ang baba nya para magtama ang aming paningin. Napalunok ako, bakit naman kasi ang pula ng labi ng batang ito? "Anong solusyon ang naisip mo? Ang magsayaw ng halos hubad? Ang magpahipo sa iba't-ibang lalaki para lang magkapera?"
Nagtutubig ang mata ng aking si Ria. "Hindi naman sa ganoon. Hindi na yun mauulit. Last na iyon.."
Hinawakan ko ang buhok nya at hinaplos..."wag ka ng matigas ang ulo. Bumalik ka na sa bahay ko."
Hinawakan nya naman ang kamay kong nasa buhok nya at idinikit sa pisngi nya. "Salamat sa concern mo, Justine. Pero kasi ayaw ko na talagang bumalik sa poder mo."
Ako na ang kusang humaplos sa pisngi nya. "Napakatigas ng iyong ulo, bata ka. Sige bahala ka. Basta matinong trabaho na lang ang pasukin mo, ok?"
Ngumiti naman sya ng may halong lungkot. "Oo pangako. Pwede mo ba akong matulungan?"
Inakbayan ko sya at pinasandal ko sa balikat ko ang kanyang ulo. "Sige ano?"
"Tulungan mo naman akong makakuha ng scholarship sa school mo. Kahit half lang, please?"
"Kung iyan ang gusto mo. Sige!" sagot ko at hinalikan ko sya sa tuktok ng ulo nya. Napaka-fragile na dalagita nitong si Ria.
Nagulat ako ng yapusin nya ako dahil sa tuwa. "Salamat! Salamat!" Tuwang-tuwang sabi nya.
"Sa isang kondisyon, mag-aral kang mabuti at umiwas ka muna sa maagang pag-aasawa."
Sht! Ang cute ni Ria. Namula ang kanyang mga pisngi! Napakagnda nyang tingnan kapag mayroon syang natural blush!
"Opo." Nakangiting sagot nya.
"Tara na ihahatid na kita." At inihatid ko na sya sa apartment nya.
Pagbaba namin sa harap ng apartment nya ay nakaupo sa labas ng gate si Tope. "Ria, bakit ginabi ka?"
"Anong klase kabang boyfriend at pinayagan mong magtrabaho si Ria sa ganoon!" Singhal ko kay Tope.
"Ha? Ano pong trabaho?" Nakakunot ang noong sabi ni Tope.
"Ah eh Justine...wala rin syang alam.." Pagtatanggol ni Ria kay Tope. So lihim pala itong trabaho nya? Hay naku! Makakalbo ako ng maaga dito kay Ria!
At kahit ayaw ni Ria at panay ang siko sa akin ay ikinuwento ko ang buong pangyayari. Inantay ko ang magiging reaksyon ni Tope sa ibinunyag ko.
Medyo halatang nainis si Tope kay Ria sa naisip nitong solusyon. Panay naman ang sorry ni Ria sa kanya. Hindi ko na matagalan ang eksena nilang dalawa. Parang sasabog ang dibdib ko sa di ko maintindihang kadahilanan.
"Uwi na ako." Paalam ko kay Ria kasi mukhang OP na ako dito sa pagtatampuhan nilang 2. Nagpaalam na rin sila sa akin.
Hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko sa side view mirror na nagyakap ang dalawa. Ibig sabihin nagkaayos na! Damn! Bakit ba ako nasasaktan sa nakikita ko?? Hindi na ako ulit tumingin sa salamin at tinulinan ko na ang takbo ko.
At least alam kong safe na iwan ko na si Ria sa pangangalaga ni Tope kasi handa sya nitong alagaan. Maaaring hindi tulad ng kaya kong gawin, pero alam kong gagawin naman lahat ni Tope para maproteksyunan si Ria.
"AHH! KUNG KASING IDAD KO LANG SILA!!" Mukhang tange na sigaw ko sa loob ng kotse ko.
________________________________________
A/N:
Pavote at pacomment.. Itutuloy ko pa ba ito? Wala naman nagbabasa masyado eh..

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...