Chapter 19

3.4K 51 1
                                    

A/N:

Please pray for my Mom maguundergo sya ng surgery this friday. Thanks!

____________________________________

Nagising na si Ria na nakayakap sa kanya si Justine sa may bewang nya at sya naman ay nakatalikod dito at hawak nya ang kamay ni Justine na nakakapit sa kanya.

"Good morning, Ria." Bati ni Justine na halos makapagpalundag pa ng puso nya.

"Good morning po!" Bumaling na si Ria kay Justine.

"Ayaw ko na sanang umalis dito sa tabi mo pero kailangan kong ihatid si Tessa." Ang paliwanag ni Justine kay Ria.

Oo nga pala! Naandito nga pala si Tessa sa kabilang kwarto, sa kwarto ni Justine. Bumangon na ito at hinalikan si Ria sa pisngi. Dahil sa ginawang yun ni Justine ay hindi na nakagalaw si Ria.

Diretso ng lumabas ng kwarto nya si Justine papunta sa sarili nitong kwarto. Nang makalabas na si Justine ay tinakpan ni Ria ang mukha ng unan at impit na tumili. Kilig na kilig ang dalaga. Papunta na sana sya sa banyo nya para maghilamos ng may kumatok sa room nya.

Tok.. Tok..

Binuksan nya at ang napakafresh pa sa fresh fruits sa dining table nila ang napakabangong si Justine. "Antayin mo ako kasi ihahanap muna kita ng malilipatan."

"Naku wag na po." Ang nahihiyang pagtanggi nya kay Justine kasi ayaw na nyang maging pabigat dito. 

"Basta antayin mo ako. Ihahatid ko lang si Tessa sa bahay nya at dadaan lang ako sa mga kaibigan ko baka may alam silang bahay for you." Bilin nito sa kanya.

OMG! Muntik na nyang malimutan na dito nga pala natulog si Ms. Tessa nya. Hindi nya alam kung magseselos sya or matutuwa. Matutuwa kasi dahil kay Tessa, first time na natulog si Justine na katabi sya.

"Bye Ria.." Paalam ni Tessa sa kanya ng madaanan nitong nasa bungad parin sya ng pinto ng kwarto nya.

"Bye po.." ang nahihiyang sagot nya. Feeling nya kasi ay parang inaahas nya si Tessa. Kaya desidido na talaga syang umalis sa bahay ni Justine kasi baka lalo lang syang mapamahal sa kanya.

Naghilamos na sya ng marinig nya ang paglabas ng sasakyan ni Justine. Inayos na nya ang pinaghigaan nila ni Justine. Hindi nya makakalimutan ang gabing iyon. First time nyang natulog na may katabing lalaki. At hanga sya kay Justine kasi kahit playboy ito eh hindi sya kinanti nito kagabi. Niyakap lang sya magdamag.

Pagpunta nya sa dining ay may nakahanda na syang breakfast. Hindi nya maiwasang hindi mapangiti sa ka-sweetan ni Justine sa kanya. Sayang nga lang at ilang taon itong nauna sa kanyang ipinanganak.

Kumakain na sya ng breakfast na inihanda ni Justine ng may magdoorbell. Lumabas sya ng bahay at pinuntahan kung sino man ang taong napaka-aga namang pumunta dito sa kanila.

"Good morning!" Aww! Si Ms. Tessa bumalik? Diba inihatid na ito ni Justine.

"Pasok po. Akala ko po inihatid kayo ni Just....Sir Justine?"

"Nagbago isip ko. Sabi ko sa may convenient store sa malapit na lang kasi may bibilhin ako."

Umupo na sila sa sala. "Ano pong sadya nyo sa akin, Ma'am?"

"Tatapatin kita Ria...." Hinawakan ni Tessa ang magkabilang palad nya.

".... walang lihim ang hindi nabubunyag. Sa pagdaan ng mga araw, dadating ang panahon na malalaman ng mga kakilala ni Justine na dito ka nakatira. Masisira ang image nya pagka nalamang may nakatira dito na batang-batang estudyante nya. Kaya Ria, please... hindi sa itinataboy kita.. Naiintindihan mo naman point ko diba?" Paliwanag sa kanya ni Tessa.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon