Chapter 10

3.8K 55 0
                                    

A/N:

Please vote and comment.. Yayain naman po natin yung iba to read this.. Thank you!

________________________________________

Naandito ako ngayon sa canteen ng school namin. Lunch break. Dito ako naka-pwesto sa aircon part na secluded. Para lang ito sa board members ng school at kung may guest ang school or board members nito. Dito hindi ako kailangan lumapit sa counter at ang waitress ang kusang lalapit.

FLASHBACK**

"Sir Justine, sama ako sayo. Sabay na tayong maglunch." Si Tessa iyan, niyayaya ako. 

"No, wag na at pagnakita kang kasama ako ay dadami ang haters mo." Kinukumbinsi ko sya kasi nga ayokong makasabay sya. Parang wala ako sa mood at feel kong mag-isa.

"Ano naman? Eh di ba fake girlfriend mo naman ako?" Pagpupumilit ni Tessa na makasabay ako.

"I'm protecting you" sabi ko sa kanya. Sana maniwala sya.

"Ok. I respect your decision. I'll go ahead." At lumabas na sya ng office ko. Siguro kasabay nyang kumain ang co-teachers nya.

Lumabas na ako ng office at nakapamulsang naglakad papuntang canteen ng makita ko si Ria. Nagliwanag ang mukha ko ng makita ko syang nakaupo sa isang bench. Kaya nilapitan ko sya.

"Hi!" Ang nakangiting bati ko sa kanya.

"Good afternoon po!" Masiglang bati nya sa akin na nakangiti at tumayo pa sa pagkakaupo.

Umupo naman ako sa bench na kinauupuan nya kanina kaya gumaya naman sya at ngayon ay magkatabi na kami.

"Lunch break na. Tara sabay ka na sa akin" yaya ko sa kanya.

"Naku Sir, wag na po. Nakakahiyang sumabay ang isang hamak na estudyante sa may-ari ng school" sabi nya sa akin.

"Ayos lang yun. Bakit kasabay mo ba sina Zyrah?" tanong ko sa kanya.

"Hindi po. Kasi po si Zeon eh hindi po yun nakakakain ng may kasabay na iba" paliwanag nya.

"Ah ganoon ba? Yun naman pala eh. Halika na, sabay ka na sa akin" yaya ko ulit sa kanya.

"Sir, sorry! Nahihiya po talaga ako. Ang mabuti pa ay sabay na lang po tayong magpunta ng canteen" nakangiting sabi nya. Tumayo na sya at nag-offer ng kamay nya sa akin para tumayo na rin ako.

Ang ginawa ko naman ay inabot ko yung kamay nya para makatayo ako. Hahakbang na sana ako ng dahan-dahan nyang hilahin ang kamay nya sa pagkakakapit ko.

Ngumiti sya sa akin at sinabing, "baka po malagay kayo sa alanganin pag nakita nilang kapit ko po kayo".

"Ikaw talagang bata ka" nakangiting sabi ko at ginulo ko pa ang buhok nya. Naglakad na kami ng sabay papuntang canteen. 

Pagpasok ko ang lahat ay bumabati sa akin at si Ria naman ay hiyang-hiyang nakayuko habang naglalakad.

"Dito na po ako" paalam nya. Umupo na sya sa mesang bakante at ako naman ay pumasok na dito sa de salaming part ng canteen na aircon.

END OF FLASHBACK**

Iniintay ko pa ang order ko. At habang inaantay na maluto ay kanina pa ako nakatingin sa gawi ni Ria. Pagkatapos nyang pumila eh umupo na sya. May lumapit sa kanyang kaibigan nya na sa pagkakatanda ko ay Ylaine ang pangalan. Maya-maya ay may dumating pang isang babae at yoong 4th year na nagbitbit ng bag nya nung isang araw.

Napakunot ang noo ko. Yun na naman? Sino kaya yun? Manliligaw kaya ni Ria yun?

Nakakainip namang kumain mag-isa dito! "Ms. Helen, paki dala na lang sa labas ang order ko at paki dagdagan ng liempo na good for 6 at chopsuey" bilin ko.

"Opo Sir, dalhin ko na lang po sa labas" magalang na sabi sa akin ng waitress namin dito.

Lumabas na ako sa aircon na part ng canteen at naramdaman ko na lang na sa mesa nina Ria ang punta ng paa ko. Umupo ako sa kabilang side ni Ria. Lahat naman sila ay napatingin sa akin at gulat na gulat.

"Oh wag na kayong tumayo at bumati. Nasa canteen tayo at wala sa classroom. Kain lang kayo at may pahabol pa tayong ulam. Dadalhin yun dito maya-maya." Nakangiting sabi ko sa kanila.

Sumunod naman sila sa akin at nagsipagkainan na. Si Ria ay manghang-mangha. Hindi pa rin nya inaalis ang sulyap nya sa akin at nakangiti pa rin sa akin. Kinindatan ko sya kaya namula sya tuloy! Hahaha! Napaka-naive!

Nang dumating na ang order ko ay shinare ko sa kanila. Ang sarap pa lang madami kang kasabay kumain. Ang pinakamaganda pa roon ay ang tawanan nila na nakikisali ako habang kumakain, at ang mga sulyapan namin ni Ria. Nagkakangitian kami sa tuwing mapapasulyap sya sa akin.

Kahit mainit sa part na ito ng canteen ay enjoy akong kumain. Tapos na kaming kumain at nagtatawanan na ng may magsalita sa likod ko. "Oh baka mainitan ang Sir Justine nyo dito" sabi ni Tessa. Nakatayo sa likod ko at nakahawak sa mga balikat ko. Binati naman sya ng mga estudyante at nginitian nya naman ito.

"Pasali naman, ok lang?" tanong nya sa mga bata.

"Sige po. Wow! First time ito ah. Nakasama namin sa table ang teachers namin dito sa canteen. Picture po tayo pwede?" tanong nung Ylaine.

Pumayag ako kaya pumayag din si Tessa. Si Tessa sana ang katabi ko sa gawing kanan ko kaso sumingit sa gitna namin yoong estudyanteng lalaki na hindi na abot sana daw ng frame. Naramdaman kong hahawak sana sya sa balikat ni Ria ang kaso agad kong inakbayan si Ria para hindi nya makapitan. Hahaha! Villain ang datingan ko!

Naramdaman ata ni Ria ang akbay ko. Napasulyap naman siya sa akin at nginitian ko lang sya na naging dahilan para magblush sya. Ang cute nya pag nagbublush!

Nagkukwento si Ylaine sa mga kaibigan nila at ako naman ay panay ang sulyap ko doon sa binatilyong si Andrew pala ang pangalan. Naiirita ako sa kanya kasi pagnatawa sya ay sumisiksik sya kay Ria.

"I think I better go" sabi ko at tumayo na ako kasi naiirita na talaga ako.

"Sabay na ako Sir" sabi ni Tessa.

"Go ahead. Dadaan pa ako sa restroom" at pumunta ako sa gawi ng restroom kahit hindi naman talaga ako dapat pupunta dun. Nang masilip kong wala na si Tessa ay dumaan ulit ako sa mesa nina Ria. Malayo pa lang ako ay nakatingin na sila sa gawi ko.

"Una na ako. I had fun having lunch with you kids" sabi ko.

"Bye Sir! Thank you po!" sabay-sabay nilang sabi.

Humakbang na ako pabalik sa opis ko ng may humila  sa braso ko. "Sir, sabay na po ako pabalik sa campus" sabi ni Ria.

"Sure!" sagot ko at naglakad na kami.

"Sir, masakit po pala na makita kang kasama ni Ms. Tessa" sabi nya na nakapagpabigla sa akin kaya napatigil ako sa paglakad at hinarap ko sya.

"Ikaw nga dyan, may suitor ka na pala" tukso ko pero deep inside, di ko alam kung bakit pero naiirita ako!

"Pero Sir, thank you po!" sabi nya at tumingkayad at kiniss ako sa cheeks!

Grabe! Natulala ako sa kinatatayuan ko. Unexpected ko yun ah. At ng tingnan ko sya ay medyo malayo na sya kasi tumakbo na sya papuntang classroom.

This girl! She's really something!

______________________________________________

A/N:

Vote and comment please.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon