A/N:
Ipamalita naman po natin sa friends natin ang story na ito.
_________________________________
Naandito si Tope ngayon sa waiting shade sa tapat ng school nila. Inaantay ang paglabas ng mga nanakit kay Ria.
Binuksan na nya ang makina ng sasakyan nya ng makita niyang naglalakad ang dalawa. Sinundan nya ang dalawa. At ng pumasok na sa isang eskinita ay bumaba na sya ng kanyang ferrari..
"Hey!" Lumingon ang dalawa ng makita sya.
"Anong kailangan mo?" Tanong naman ni Yabang 1.
"Kayo ang anong kailangan nyo? Bakit dinadamay nyo ang kaibigan kong walang malay para lang madistract ako sa laro?" Nakapamulsa pang tanong ni Tope.
"Ah.. nagsumbong ba ang chicks mo? Hahaha!" At mapang-asar pang nagtawanan ang dalawa.
"Bakit kailangan nyong mandaya ng ganoon para lang sa basketball?" Nakakunot ang noong tanong ni Tope habang nakasandal sa pader at naka tiklop ang isang tuhod na nakasandal din ang 1 paa sa wall.
"Nakakaasar kasi kayabangan mo! Hahaha!" Sabi ni Yabang 2 at nag-appear pa ang dalawang kolokoy.
"Sana naman kung may problema kayo sa akin, ako ang kausapin nyo. Ako ang bugbugin nyo. Ako ang kidnapin nyo, wag yung taong walang ginagawa sa inyo. At ang masama pa, isang babae." Derederetsong sabi ni Yuan sa mga ungas.
"Ah ganoon ba? Edi bugbugin..." Hindi na natapos ni Yabang 2 ang sinasabi nya kasi..
BOOGSH..
Sinuntok na sa tiyan ni Yabang 1 si Tope sa sikmura.
BOOGGSHHH!
Syempre hindi nagpatalo si Tope! Sinutok din nya pabalik c Yabang 1. Nagpalitan ng suntok ang dalawa. At ng matumba si Yabang 1, si Yabang 2 naman ang umatake. Sinutok nya si Tope sa may mukha at pumutok ang gilid ng labi ni Tope. Gumanti si Tope at pinagsusuntok si Yabang 2.
Hanggang sa...
Namimilipit ang dalawang mayabang sa sakit ng suntok ni Tope. "Sa susunod, wag kayong mandadamay ng inosente. Next time na lapatan kahit ng dulo ng daliri nyo si Ria, alam nyo na mangyayari!" Sigaw nya sa dalawa. Aambahan pa nya sana ng suntok pero tumaas na kamay ng dalawang mayabang at parang nagpapahiwatig na surrender na sila.
Sumakay na sya sa kotse nya. Hinubad ang soot na polo at ipinunas sa gilid ng labi na puro dugo.
SA DORM:
"Ganoon ba ang nangyari, Ria? Kailangan malaman ni Mr. C iyan para masabi nya kay Justine at nang masuspinde ang mga gumawa nun sayo!" Ikinuwento kasi ni Ria kay Mr. R ang nangyari nung elimination nina Tope ng basketball.
"Naku, wag na po.."
"Pero Iha, kung hindi natin sasabihin, baka maulit pa yun."
"Ganoon po ba? Naku nakakatakot naman po. Sige po sabihin na po ninyo kay Mr. C."
"Sige. Anyway, dumaan lang ako para ibigay sa iyo itong sulat ni C sayo." Iniabot na sa kanya ni Mr. R ang sulat na pinabibigay daw ng guardian nya.
"Naku, maraming salamat po!" At niyakap nya sa tuwa si Mr. R na nakaupo sa receiving area ng dorm nya.
"O sige, paano Ria, alis na ako. May mga lalakarin pa ako." Tumayo na si Mr. R at lumabas na ng dorm.
Dear Ria,
Ayos lang sa akin na tawagin mo akong Uncle. Basta tandaan mo ang bilin ko, iwasan ang gulo, mag-aral mabuti, at huwag pabayaan ang sarili.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...