A/N:
Please vote and leave a message.
_______________________________________
RIA'S POV:
Patuloy ang cold treatment naming dalawa. Hindi pa rin kami nagpapansinan ni Sir Justine. At ang nakakainis pa eh sayang ang efforts ko sa pagluluto ng hapunan kasi hindi sya nauwi dito sa bahay. Minsan naman nauwi sya pero kukuha lang ng gamit.
Kausap ko si Tope ngayon dito sa may labas pa rin ng gate ng bahay. Nakasanayan ko na syang laging kasama. Minsan nga pagkahatid nya sa akin eh inaabot kami ng 3 oras dito sa labas sa walang patid naming kwentuhan.
"Hindi ko ata nakikita si Sir Justine?" Tanong sa akin ni Tope kasi nga halos 2 weeks ng hindi natutulog dito si Sir.
"Hindi ko nga din alam kung bakit. Pero may kutob ako na iniiwasan nya ako." Sagot ko sa kanyang halata sa mga mata kong puno ng kalungkutan.
"May pagtingin ka ba kay Sir Justine, Ria?" Nakakagulat naman itong hirit ni Tope. Kaloka lang ha! Manghuhula ba sya?
"Aaminin ko sa'yo na meroon. Pero pinipilit kong pag-labanan." Pag-amin ko kay Tope. Diba magkaibigan kami? Siguro naman hindi masamang aminin sa kanya ang totoo.
"Tama. Dapat nga, kasi hindi kayo bagay kahit saang anggulo mo tingnan." I know right! Naging honest lang si Tope sa opinion nya.
Nahihiya na ako sa pangyayaring inamin ko sa kanya ang hindi dapat. "Ah.. Tope, gabi na.. Uwi ka na magluluto pa ako."
Tumingin naman sa relo nya si Tope. "Oo nga no? Pasensya ka na sige uwi na ako."
dug.. dug..
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...
