Chapter 2

6.2K 88 12
                                        

A/N:

Please BE A FAN, VOTE AND LEAVE A COMMENT! Please po..

_________________________________________

Naging ok naman ang samahan sa bahay nina Nicole. Matured na talaga kami kasi tapos na kami sa stage ng selosan. At saka secured na secured na si Benett sa pagmamahal ni Nicole. Wala na rin naman akong balak na guluhin sila. Bilang magkakaibigan na lang talaga ang samahan.

Naawa ako sa panganay nila Nicole na si Zyrah. Matindi ang pinagdadaanan nyang problema. Magkagayon man, andito ako bilang isang Tito para suportahan sya. Magaan ang loob ko sa mga anak ng mag-asawa. Lalo na sa panganay dahil kaugaling-kaugali nya ang kanyang ina at kamukhang-kamukha pa. Don't get me wrong pero hindi ko sya gusto bilang babae. Bilang anak pwede pa!

Naandito ako ngayon sa school. Mga isang linggo na akong nag-wowork dito. Ang mga teacher kong babae, kahit may asawa na ay nag-papacute sa akin! Hahaha! Ako na gwapo! Pero may isang co-teacher ako na parang nakukuha ang interest ko. Si Tessa ang teacher namin na nakakakuha ng interest ko. Maganda sya, mabait at mahinhin. 

"Sir Justine, absent po ang teacher ng 3rd year star section sa Math, wala po akong co-teacher na available para magsubstitute sa kanya" magalang na report sa akin ni Tessa dito sa opisina ko.

Si Tessa Laurice Uy ay 23 years old. Isang newly graduate na teacher na almost 2 years ng nagseserve sa school na pag-aari na namin ngayon. 5'4 ang height, balingkinitan ang katawan at maputi. Magandang babae si Tessa. Sa idad kong 33 years old, eh bulag na lang ako kapag hindi nya nakuha attention ko.

"Naku ganoon ba? Paano na ba ito?" tanong ko sa kanya habang titig na titig sa maganda nyang mukha.

"Opo Sir. Paano na po ang mga bata?" tanong nyang puno ng concern sa mga bata.

"Ang mabuti pa ay ako na muna ang magtuturo sa kanila" sabi ko sabay tayo sa aking mesa.

"Sure po kayo Sir?" nagsisigurong tanong nya.

"Oo naman. Let's go Ms. Tessa. Samahan mo ako sa 3rd year star section" pagyaya ko sa kanya at sabay na kaming lumabas ng aking opisina.

Naglakad kami sa hallway at ang lahat ay bumabati sa akin bilang pag-bibigay ng galang bilang ako ang director ng school na ito.

"Class, let me introduce to you our school director Mr. Justine Choi. He will be teaching your Math subject  while Ms. Grace is absent" pakilala sa akin ng magandang si Tessa.

"Good Morning Sir Justine!" bati ng mga estudyante sabay tayo.

"Good Morning. Please take your seats" sabi ko sa kanila. Nagpalinga-linga ako at nakita ng mata ko ang anak ni Nicole at ang bestfriend nya. Magkaklase pala si Zyrah at Zeon?

________________________________

------------------->>>>>>>>>>> Teacher Tessa

I Love You, Justine Choi!Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon