Chapter 39 3 Days Before

2.6K 61 6
                                    

A/N:

Magparamdam naman po sana ang mga readers nito. Please?? Experiment ang plot ko. Comment kayo kung medyo magulo. Thanks!

______________________________________

WEDNESDAY :

RIA**

Half-day lang ang practice nila para sa graduation. Pagkatapos ng practice ay pupunta sa mall si Ria dahil pinadalhan siya ng Uncle C niya ng pera pambili ng isusuot daw niya for the big day (syempre thru Mr. R pa din). Solo lang siyang pupunta. Wala kasi siyang naging close friend ngayong college siya. Ayaw na kasi niyang makipagclose at maiwan ulit. Tulad na lang nang pag-aabroad nina Ylaine at Zyrah. Ultimo nga si Justine eh kinain na rin ng bula. Kumbaga, ayaw na niyang maging attached sa isang kaibigan. Nalulungkot kasi siya kapag lumilisan. Mabuti na lang at si Tope ay nananatili sa tabi niya.

Kasalukuyang naglalakad siyang mag-isa sa CENTRAL MALL at naghahanap ng magandang damit. Medyo wala siyang sigla kasi nakakalungkot din palang mag-malling mag-isa? Wala siyang makakwentuhan habang naglalakad. Hindi tulad ng mga ibang nakikita niya na may mga katawanan pa habang nagshoshopping.

Hindi na lang niya binigyan ng pansin ang bagay na iyon. Nasa tapat siya ng isang shop at nakuha ang attention niya ng damit na suot ng mannequin. Isang sexing purple gown ng nakita niya.

(A/N: Ayun sa right side sa multimedia side ----->>)

Pumasok siya sa loob ng shop at sinukat ang gown. PERFECT!! Ngayon niya lang napansin na ganap na talaga siya bachelorette ng maisukat niya ang gown. Kitang-kita ang magandang hubog ng kanyang katawan!

"Ma'am, bagay po sa inyo. Para po kayong modelo." Comment ng saleslady na nag-aassist sa kanya.

"Hindi ba parang O.A. ang dating, Ate?" Tanong niya dito at umikot pa ulit siya sa harap ng salamin.

"Pwede na po kayong maihalintulad sa idol kong sikat na modelo."

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon