A/N:
Sorry po kung ambagal ko mag-update dito. Ang dami kasing readers ng Innocent Love <3 kaya kailangan mag-update ng mag-update doon.
______________________________________
RIA'S POV:
1 week na ang nakakalipas at magaling na ako. Thank's to Justine at ok na ako. At sa 1 week na yun ay hindi na kami nag-aabot dito sa bahay. Sa school na lang kami nagkikita pagka nagkakasalubong kami. Hindi na rin sya sumasabay sa lunch.
Ewan ko ba pero pakiramdam ko iniiwasan nya ako. Kapag papasok kasi sa umaga ay nauuna na sya. Tinetyempo nyang naliligo ako o nagbibihis tapos saka sya aalis ng walang paalam. Hindi nya naman ako kinakausap kaya hindi ko na rin sya kinakausap.
Sa hapon naman ay magluluto lang ako at maglilinis tapos ay iidlip na ako para pumasok sa isang pang-gabi kong trabaho. Pag-uwi ko ay tulog na sya or hindi pa sya nakakauwi.
Tulad ngayon, kadadating ko lang mula sa night job ko. Alas 3 na ng madaling-araw pero wala pa sya. Pumasok na ako sa room ko at matutulog na ng may magdoorbell.
Lumabas ako para tingnan kung sino yun at nagulat ako ng may isang babaeng siguro ay 10 years ang tanda sa akin na inaalalayan syang makatayo. Lasing na lasing si Justine! Tumakbo ako palapit sa kanila at inalalayan ko naman sya sa kabilang gilid nya. Saan kaya galing ang lalaking ito?
"Who are you?" Tanong ng babaeng naka-blouse na labas na cleavage at napakaikling short sa akin.
"Ah.. eh.. pamangkin nya ako. Sino ka po?" Balik tanong ko sa kanya. Ngayon ko lang syang nakitang may kasamang ibang babae at lasing na lasing pa sila parehas.
"Ganoon ba? Well, ako ang gf nya." Pakilala nitong babaeng kapos sa tela.
buferring..
Well, ako ang gf nya.
Well, ako ang gf nya.
Well, ako ang gf nya.
"GIRLFRIEND???" Hala napalakas ata ang sabi ko at nabitawan ko pa ang pagkaalalay kay Justine dahil sa gulat. Diba si Ms. Tessa ang gf nya ata? Sino ito?
"Bakit parang nagulat ka?" Tanong nung babae habang inihihiga namin sa sofa si Justine.
"May gf kasi syang iba na pinakilala nya sa akin." Pagsisinungaling ko. Kasi diba nga dinenay nya na gf nya si Ms. Tessa sa akin?
"Whatever. Ikuha mo nga ako ng pamunas sa kanya." Utos ng akala mo kung sinong cleavage na ito! Kabadtrip lang pagmumukha eh. Pero no choice ako, kumuha pa rin ako ng planggana at bimpo.
"OH MY.." Napalakas na naman ang boses ko at muntik ko ng maihulog ang dala kong planggana at bimpo. Paano ba naman nakita kong hinahalikan ni Cleavage si Justine habang tulog na tulog si Justine.
"Ayusin mo naman at baka magising ang boyfriend ko." Hala! Boyfriend daw? Saang anggulo?
Nasabi ko na lang tuloy para mapagtakpan ang kahihiyan ko ay "sensya na po!"
"Ako na nga magpupunas.." Mataray na banat nya sa akin. Hay naku! Hindi ko kasi alam baka gf nya nga ito eh mapalayas ako pagkinalbo ko ito.
Pinunasan nya si Justine habang ako ay nakatayo lang sa may likod nya at pinapanuod sya.
"Hindi ka pa ba matutulog?" Naiiritang tanong nya sa akin.
"Mamaya napo pag-alis nyo." Mahinghing sagot ko. Iginagalang ko pa din kasi bisita nya yan eh.
"Anong pag-alis eh hindi ako uuwi dito ako tutulog."
"Ah ganoon po ba?"
Habang pinupunasan nya si Justine ay biglang kumilos ito at nagsalita. "Ria.. Ria.." Mahinang bulong nya. Hala bakit ako tinatawag ni Justine? Nanaginip ata.
"Sinong Ria, honey?" Mahinhing tanong ni Cleavage. Tse! Hindi kaya bagay na maghinhinan sya.
"Ria.... nahihirapan na ako.." Daing nya habang pabiling-biling ang mukha. Nakupo! Baka nnahihirapan na sya sa pagkupkop sa akin ah?
"Sino ba si Ria?" Mataray na baling sa akin ni Cleavage habang pinupunasan sya. Hindi naman ako sumagot kasi pinakikinggan ko pa yung sasabihin ni Justine.
"Ria... Ria.." Bulong na naman nya.
"Honey, gising nanaginip ka.." Niyuyugyog ng malaks ni Cleavage si Justine.
Naalimpungatan namang namumungay ang matang napamulat si Justine.
"Sino ka?" Mahinang tanong nya kay Cleavage.. Beh.. di ka kilala.. Haha!
"Yoong ka date mo kanina sa bar.." Pacute na sagot nya sa nakakunot ang noong si Justine. Hindi sya matandaan talaga! Wahaha!
"Kadate? Ria, bat pinapasok mo sya?" Sagot sa kanya ni Justine sabay baling sa akin ng tanong.
"Ria??" Nagulat at nanlilisik ang matang nakatingin sa akin ni Cleavage. Nakakatakot!
PAAAK!
Ouch! Sinampal ako ng babaeng kapos sa tela. Napabalikwas naman ng bangon si Justine ng sampalin ako nitong babaeng ito. Badtrip oh!
"Wala kang karapatang saktan si Ria! Lumayas ka!!!" Sigaw sa kanya ni Justine tapos ay niyakap ako ng isang kamay at isiniksik sa katawan nya. Kahit amoy chiko ay ambango pa rin talaga nitong gwapong ito.
"Bakit? Sinungaling yang pamangkin mo!" Sigaw sa kanya ni Cleavage sabay hila sa buhok ko.
Tinulak sya ng malakas ni Justine na naging dahilan para mapaupo sya. Naiyak naman ako sa sakit ng hila sa buhok ko.Umiyak ako sa dibdib ni Justine.
"Lumayas ka na nga! Wala kang karapatang manakit!" Sigaw ni Justine sa kanya. Tumayo sya at pinagsusuntok sa dibdib si Justine at para di ako tamaan ay tumagilid sya kaya yung kabilang braso nya na ang sinusuntok ni Cleavage ngayon.
"Walang h*ya ka!" Sabi nya habang patuloy sa pagsuntok at hampas sa braso ni Justine. "Pagkatapos mo akong landiin kanina!" Ano daw sabi ni Babae? Nilandi sya? Ang sakit naman nun.
"Ikaw ang lumandi sa akin! Umalis ka na nakakahiya sa aking asawa!" BOOOM!!! Asawa? Ako asawa na naman?
"Ano kamo?" Nangangatal na sa galit si Cleavage kay Justine.
"Asawa ko sya kaya umalis ka na!" Binitawan na ako ni Justine at pinagtulakan ng palabas si Cleavage. Nang makalabas na si Babae eh tumakbo na ako sa room ko at inilock yun. Galit ako kay Justine! Pinakilala nya na naman akong asawa para lang umalis at lumayo ang babae nya.
"RIA! OPEN THE DOOR! SORRY OK?" Sigaw nya pero di ko pinapansin pati malakas na pagkatok nya.
"RIA.. BUKSAN MO ITO. SINABI KO YUN PARA IPAGTANGGOL KA!"
"GO AWAY! I HATE YOU!" Sagot ko sa wakas.
"RIA, PLEASE FORGIVE ME!" Pakikiusap nya na pasigaw.
"I HATE YOU!" Sigaw ko din pabalik sa kanya.
"Mahal kita!" Mahinang sabi nya. Tama ba narinig ko o nagkamali lang ako dahil sa sobrang hina ng sinabi nya sa labas ng pinto ko?
Binuksan ko ang pinto para sana kausapin sya pero wala na sya. Tulog na ata kaya isinara ko na ulit ang pinto. Nagulat ako ng may marinig akong malakas na suntok sa pader na alam kong si Justine ang may gawa.
Tama nga kaya yung narinig kong sinabi nya o nangangarap lang ako?
Ano sa tingin nyo?
_________________________________________
A/N:
Vote and comment po.. THanks!

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...