A/N:
Paki balita naman po sa facebook friends ninyo ang kwentong ito. Maraming salamat po. Mahalaga po ang inyong votes & comments. Please VOTE & COMMENT.
__________________________________
Chapter 44
THEIR FIRST TRIP TOGETHER
A FEW MONTHS LATER:
Kasalukuyang nasa Thailand ang magkasintahan. Manonood sila ng Music Awards. Ang sabi ni Zyrah eh late graduation gift niya daw ito para kay Ria. Mabuti na lamang at pumayag ang kanyang napakabait na boyfriend na si Justine para magleave sa work at samahan siya. Tamang-tama naman dahil next week eh mag-iistart na siya sa review center para sa licensure exam nila sa Physical Therapy. Anyway, nahihiya mang aminin ni Ria sa kasintahan niya, pero first time niya kasing mag-abroad. Mabuti na nga lang at mapera si Justine kaya nagawan nito ng paraan para maayos agad ng passport niya para maikuha siya ng tourist visa ni Zyrah.
Bukas pa ng gabi ang awards night. Kaninang umaga sila dumating ng Thailand. Si Zyrah ang sumundo sa kanila ni Justine sa airport. Ang dalaga din ang nagayos ng hotel reservations nila. Kahit naman bihira silang magkita o magkausap ng kaibigan niya ay napakaswerte niya na hindi ito nagbago ng turing sa kanya. Nanatili itong mabait sa kanya.
Nagbreakfast silang tatlo kanina sa isang mamahaling hotel na iniendorse din pala ni Zyrah kaya halos libre ang food nila. Nag-kamustahan silang magkaibigan pagkatapos ay nagpaalam ito sa kanila na babalik na sa trabaho. Kaya ngayon, silang dalawa na lamang ni Justine ang magkasama at namamasyal sa streets of Thailand.
"Ang sarap palang magpunta sa ibang bansa." Sabi ni Ria habang naglalakad ng nakadipa ang mga kamay.
"Ria, huwag kang gumanyan, pinagtitinginan ka ng mga tao." Natatawang saway sa kanya ni Justine.
"I don't care! Hindi naman nila tayo makikita pang muli kasi hindi naman tayo taga-rito." At mas lalo pang inestretch ni Ria ang katawan at umikot-ikot sa harap ni Just na nakadipa pa rin ang mga kamay. Feeling ni Ria ay para siyang ibong malaya. Malaya sa mga mapanghusgang tao sa relationship nila na 16 years ang agwat.
"Halika nga!" At kinabig siya ni Justine sa bewang at niyakap palapit sa katawan nito.
Napatingin naman sa mga mata ni Justine si Ria. "Pasensya ka na Just, ineenjoy ko lang ang first time ko sa labas ng Pinas. Sayang! Sana naandito ang parents ko." Naalala bigla ni Ria ang mga magulang niya. Nung graduation niya ay 2 days pang nagstay sa bahay ni Justine ang mga magulang niya bago sila umuwi ng probinsiya.
Hinawi naman ni Just ang ilang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ng dalaga. "Magstrive kang mabuti ng makakuha ka ng magandang work. Nang sa gayon ay maiahon mo sila sa probinsiya." Concern na payo ng binatang nakatitig sa kanyang mga mata.
Yumakap naman si Ria sa nobyo niya. Labis ang kanyang kaligayahan dahil madalas na niyang kasama ngayon ang lalaking pinakamamahal niya. "Oo, magsisikap ako lalo para naman hindi masayang ang mga naitulong mo sa akin. Ang laki kaya ng utang na loob ko sa'yo."
Inihiwalay naman siya ng konti ni Justine sa pagkakayakap. Nagtitigan silang dalawa. Pero hindi na ito sumagot pa. Pagkatapos ay dahan-dahan itong lumapit sa kanya at hinalikan siya sa noo. "Lahat para sa'yo.." Masuyong sabi ni Just sa kanya.
Tumingkayad naman si Ria at hinalikan ang magkabilang mata ni Justine. "Huwag mo nang ititingin sa iba ang mga mata mo ha?" Sabi niya sa binata.
"Oo naman syempre!" Nakangiting sagot ng binata. Naalala tuloy niya ang pag-uusap nila noon ni Julia after ng graduation niya.
FLASHBACK**
"I think I better return home. I don't think that Justine still needs me here." Nakangiting sabi ni Julia sa kanya. Kahit nai-kwento ni Julia sa kanya na minsang naging fling din daw ito ni Justine ay tanggap niyang hindi ito para sa kanya. Lalo na daw ng makilala siya ni Julia. Ang mga tinginan daw nilang dalawa na halatang inlove sa isa't-isa. Doon narealize ni Julia na tanging kay Ria lang sasaya at matatali ang puso ni Justine.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
Storie d'amoreIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...