A/N:
Sa dalawang nagcomment, si Tope ang boto nila para sa akin... este kay Ria pala! Anyways, thank you sa mga nagvovote at nagcocomment!
_______________________________________
AFTER 2 MOS:
Nakabalik na ng Pillipinas si Justine. Ayos na ang lagay ng mother niya sa abroad. Kaya naandito na ulit siya sa school. Siya na naman ang namamahala ng paaralan nila. Magfaflag ceremony dahil lunes ngayon kaya dumiretso siya sa covered court matapos niyang maibaba ang mga gamit niya sa opisina.
"Good Morning, Sir!" Iyan ang paulit-ulit na bati ng mga nadadaanan niya. Mapaestudyante man o teacher ay walang sawa ng pagbati sa kanya. Isang matamis na ngiti lang ang sagot niya kasabay ng pagtango.
Naupo muna siya sa may likuran ng mga estudyanteng nakapila habang inaantay ang oras ng simula ng ceremony. Napatayo siya at napangiti ng makakita ng isang pamilyar na pigura. Palapit sana siya kay Ria para batiin ito ng umaasim ang mukha niya dahil sa likod nito ay kasunod ang binatang taga-College of Marine.
Bumalik na lang siya sa pagkakaupo at tiningnan ang dalawa. Nakita niyang inabot ng binatang estudyante ng Marino ang bag ni Ria, na sinuklian naman ng ngiti ng dalaga, at lumakad na palayo papunta sa pila ng mga kolehiyo.
Dahil sa nakita ni Justine ay nasira ang kanyang umaga. Nakasimangot siya habang nakatanaw pa rin kay Ria na kakwentuhan naman ni Ylaine ngayon. Medyo napahiya siya ng biglang mapatingin ito sa gawi niya. Natigilan ang dalaga ng makita siya at hahakbang na sana palapit sa kanya ng magsalita na ang isang guro sa ibabaw ng stage. Ibig sabihin ay magsisimula na. Ngumiti na lang sa kanya si Ria at kumaway. Tumango lang siya para hindi naman masyadong mahalata ng iba na siya ang binati ng dalaga.
Nagsimula na ang program at nakatingin pa din siya sa likod na pigura ni Ria na nakaharap sa stage at nakikinig sa mga ginagawa ng guro sa ibabaw. Nang matapos magdasal, kumanta at magPanatang Makabayan ay tinawag na ng Guro si Justine sa stage. Nagpalakpakan naman ang mga estudyante.
"Magandang umaga sa inyong lahat. Naandito na ulit ako para magbantay sa inyo. Hopefully eh hindi na muli ako kailanganin sa ibang bansa. So sa lahat ng estudyanteng may kailangan sa akin, I will be glad to entertain all your concerns. Thank you and have a good day!" Nagpalakpakan ang lahat at bumaba na siya sa stage. Sinadya niyang dumaan sa pila nila Ria.
"Welcome back, Sir!" Bati ng dalaga ng dumaan siya.
"See me after class." Ngumiting tumango sa kanya si Ria. Tapos ay diretso na siyang pumunta sa kanyang opisina.
Pagdating niya sa opisina ay nagpatimpla siya ng kape sa kanyang sekretarya at pumasok na siya muli sa kanyang kwarto. Medyo natigilan siya ng iba sa kanyang inaasahan ang nagdala ng kanyang kape.
"Welcome back, Justine!" Bati ng malapad ang ngiting si Ms. Tessa.
"Kumusta naman ang school ng wala ako?" Tanong niya sa dalaga na naupo sa upuan sa harap ng kanyang mesa.
"Ayos naman po ang palakad ng kamag-anak ninyo."
"Mabuti kung ganoon. Wala ka bang klase?" Kahit na ang dating ay parang itinataboy niya si Tessa pero hindi niya maiwasang hindi itanong.
"Maya-maya pa. Alam mo, maiba ako, nagtatampo ako sayo.." Napatingin tuloy siya kay Tessa sa sinabi nito.
"Bakit?" Nakakunot ang noong tanong niya.
"Kasi umuwi ka pala 2 months ago pero hindi ka man lamang nagparamdam sa akin.." Feeling niya ay nagpapacute ito.
"Pasensiya na. May importante lang akong inasikaso." Pagdadahilan niya at ibinalik na ang tingin sa ginagawa.
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
Roman d'amourIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...
