Chapter 38

2.5K 43 1
                                    

A/N:

Please vote and leave a comment.

______________________________________

AFTER 4 YEARS:

A WEEK BEFORE RIA'S GRADUATION:

Isang linggo na lamang at gagraduate na si Ria ng College. Ang kinuha niyang course ay Physical Therapy. Natapos naman ni Ria ang highschool at ngayon nga ay matatapos na niya ang B.S. Physical Therapy sa tulong ni Uncle C niya. Wala na sila halos klase kasi graduation practice na lamang ang ginagawa nila. Gagraduate si Ria as Cumlaude! At ang sabi ni Mr. R ay siUncle C daw ang magsasabit ng medalya kay Ria. Excited naman si Ria dahiln sa wakas ay makikita na rin niya sa personal si Uncle C niya. Halos 8 years niya na itong nakakasulatan pero ni hindi niya naririnig man lang kahit boses nito. Basta ang alam niya isa siyang mabuting pilantropo na tumutulong sa mahihirap na tulad niya. Isang pilantropo na walang hinahangad na kapalit maliban sa pagbutihin niya at ng hindi masayang ang paaral sa kanya.

Ring..

Ring..

Superman Calling..

"Hello, Tope!" Masiglang bati niya kay Tope na ngayon ay nasa training na ng pagiging seaman. Natapos din kasi ni Tope ang kurso niya ng ayos. Nagtetraining na lamang ang binata para sa pagsakay sa barko. Kumbaga nag-o-ojt na ang binata.

<"Ria, anong gusto mong pasalubong?"> Malambing na tanong ni Tope sa kanya. Nang mga nakaraan kasing taon eh mas naging malapit ang loob nila sa isa't-isa. Dahil si Ylaine ay busy na talaga sa kanyang business abroad. Nang makagraduate kasi sila ng highschool ay nag-2 years course lang ang kaibigan niya at siya na ang namahala sa business ng kanyang lola. At si Zyrah naman ay busy na talaga sa pagaartista at pagmomodelo. At sa abroad na nagtapos ng pag-aaral niya. 4 years niya na ding hindi ito nakikita. Sa mga movies at tv niya na lang ito napapanuod.

"Pasalubong pa? Kahit huwag na. Tuwing weekend naman tayo nagkikita, kailangan pa ba palaging may pasalubong?" Sagot naman niya kay Tope. Totoo naman kasi tuwing saturday ay nauwi ng Laguna si Tope at lumuluwas lang ulit para sa training kada lunes ng madaling araw. At kapag nasa Laguna ang binata ay laging sinisigurado nito na silang dalawa ang magkasama.

<"Sige. May surprise ako sa'yo sa Saturday pag-uwi ko.">

"Ano?"

<"Kung sasabihin ko na ba ngayon eh surprise pa ring matatawag iyon?">

"Ha! Ha! Ha! Oo na.. oo na.. basta magingat ka diyan palagi."

<"Opo para sa'yo. Bakit kasi hindi mo pa ako sagutin eh?"> Pahaging ni Tope. 

"Iyan ka na naman eh." Sagot niya na pinipigil ang kilig. Ilang taon na ring nangliligaw sa kanya ang binata pero hindi pa rin niya sinasagot. Kumbaga, they are more than friends, but less than lovers. Natatakot din kasi si Ria kasi para sa kanya masyado ng perpekto si Tope. Baka kapag nag-fail ang relasyon nila eh masira ang ilang taon nilang pagkakaibigan.

<"Kasi naman eh.. Tumatanda na ako, Ria kakahintay sa'yo! Hahaha!"> Banat pa ng binata. Paano naman kaya naging matanda ang edad na 21?

"Hindi ko naman sinabing antayin mo ako eh." Malambing na sabi niya. 

<"Sige na... Baka kung saan pa mapunta ito. I love you.."> 

 dug..

dug..

Natulala si Ria sa narinig niya. Kung bakit naman kasi kinikilig siya talaga kapag nariringgan niyang nagsasabi ng ganyan ang binata. Mahal na ba talaga niya si Tope? O kinikilig lang siya sa thought na may naglalambing sa kanya ng ganoon? "Sige bye! Ingat ka diyan ha?" At ibinaba na nila ang tawag.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon