A/N:
Masyado ng matagal ang story na ito kaya tatapusin ko na ito. Hanggang Chapter 65 na lang po ito. Iyong mga hindi pa followers eh maki-follow na kasi i-pa-private ko po ang ending. Iyong mga hindi pa na-vote eh magsipag-vote na po.
______________________________
Chapter 58 THE WEDDING JITTERS
Butil-butil ang pawis ni Justine. Sa totoo lang, kinakabahan siya. Natatakot siyang baka hindi dumating si Ria. One week na itong hindi nagpaparamdam sa kanya. Kapag tinatawagan naman niya sina Ylaine, sinasabing huwag siyang mag-alala. Sana nga ganoon kadali para sa kanya ang huwag mag-alala.
"Justine, are you ready?" Tanong sa kanya ni Benett. (A/N: Si Benett po ang dating karibal ni Justine sa ONE HELLO! Read it maganda po iyan.) Sumilip ito ng bahagya sa loob ng kwarto niya.
"Pare, pasok ka." Sabi niya kay Benett. Ang mga daliri niya ay literal na nag-sta-stammer dahil sa kaba. Hindi tuloy niya maikabit ng ayos ang necktie niya.
"Easy ka lang. Obvious na kinakabahan ka ah." Natatawang sabi ni Benett.
Napaupo mula sa pagkakatayo si Justine sa gilid ng kama niya. "Ganito ba talaga ang feeling, Pare? Para akong mai*h* na masusuka?" Tanong niya kay Benett habang nagpapahid ng pawis sa noo. Tinigilan na niya ang pag-aayos ng necktie niya. Nahihirapan kasi siya.
"Ahaha! Bakit ka ba kinakabahan? Pero honestly, kinabahan din ako noon." Confess ni Benett.
"Talaga? Bakit?" Takang tanong ni Justine.
"Kinabahan ako noon na makuha mo sa akin si Nicole. Na baka sumigaw ka ng ITIGIL ANG KASAL!!" Pang-aasar pa ni Benett.
"Loko ka! Ganoon ba kasama ang pagtingin mo sa akin noon?" Curious na tanong niya.
"Eh naging masugid ka kayang mangliligaw ni Misis. Ikaw ang dumamay noong may problema kami at wala ako."
Dug..
Dug..
Bigla siyang kinabahan!
Eh naging masugid ka kayang mangliligaw ni Misis. Ikaw ang dumamay noong may problema kami at wala ako.
Eh naging masugid ka kayang mangliligaw ni Misis. Ikaw ang dumamay noong may problema kami at wala ako.
Buffering..
Naalala niya si Tope! Kinuha pa naman nilang abay ang nakakalakad na muling si Tope. Baka kaya nagtatago sa kanya si Ria ay dahil nagkaayos na ang dalawa. Minsan na siyang nabigo kay Nicole, hindi na niya kakayanin kung pati ba naman kay Ria eh masira siya?
"Hey! Natulala ka na?" Tapik ni Benett ang nakapag-pabalik sa kanya sa realidad.
"Benett, paano kung nagbago na pala ng damdamin si Ria? Paano kung aatras na pala siya?" Frustrated na tanong ni Justine. Feeling niya kasi, hindi siya secured nitong mga nakaraang araw kay Ria.
"Ano bang pinag-iisip mo? Bakit ba naisip mo ang ganyang mga bagay?" Hindi sang-ayong tanong ni Benett sa kanya.
"Ewan ko ba. Para kasing iba si Ria nitong mga nakaraang araw." Napasabunot sa buhok ang nakatungong si Justine habang ang mga siko ay nakapatong sa tuhod.
"Masyado kang eksaherado." Sagot ni Benett na tinatapik-tapik pa ang balikat niya.
Natigil ang heart to heart talk nila ni Benett ng biglang may kumatok. Iniluwa ng pinto ang napakagandang kaibigan niyang si Nicole, asawa ni Benett.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomansaIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...