A/N:
Thank you sa nag-vote at nagcomment. Ang sabi ninyo ituloy natin ang kwentong ito, wala naman gustong mag-participate eh. Please naman VOTE & COMMENT kayo. Thanks!
_____________________________CHAPTER 55 HOSPITAL SCENES
"Napaano ka ba?" Tanong ni Justine sa nakahigang si Ria. Dalawang magkasunod ng uwi ni Justine na sa hospital lagi matatagpuan si Ria.
"Napagod lang. Mahina ata katawan ko ngayong mga nakaraang araw eh." Pagtatakip pa rin ni Ria kay Donya Arah.
"Alagaan mo naman ang sarili mo." sabi ni Justine habang pisil ang kamay niya.
"Opo." Birong sagot ni Ria.
"Masisiraan ako ng bait pag-aalala sayo." Malambing na sabi ni Justine.
"Paano na si Tita kapag nasiraan ka ng bait, ano ka ba?" Nakangiting sabi ni Ria. Pinapagaan niya ang kalooban ni Justine.
"Ma, iuuwi ko po ng Laguna si Ria kapag ganitong nagkakasakit siya." Baling ng Binata sa kanya Mama. "Ria, lumipat ka ng ASIAN HOSPITAL. Mas malapit iyon sa Laguna kesa sa P.O.C na napakalayo sa atin." Suggestion ni Justine kay Ria.
"Si-sige, Iho." Alanganing sabi ni Arah."Sige, Just. Magreresign na ako sa POC. Pero baka sa Perpetual Help Hospital na lang sa atin ako mag-apply. Mas malapit iyon sa atin." Si Ria.
"Sige, mas maganda iyon. Ria, pahinga ka muna ha? Lalabas lang kami ni Mama." Paalam ni Justine. Si Donya Arah ay biglang kinabahan.
"Sige." Tango ni Ria.
"Ma, mahal na mahal ko si Ria. Para akong dinudurog tuwing makikita ko siyang nasa ganyang kalagayan. Simula nang nag-Maynila siya ay nagkakasakit na siya." Malungkot na sabi ni Justine sa Mama niya.
Hindi nakakibo si Donya Arah Cindie. Ang totoo ay nahuhulog na din ang loob niya kay Ria. Bilib siya dito kasi kahit anong pahirap niya at pagpapahiya ay hindi natinag ito.
"Ma, bibili lang ako ng makakain nating dalawa. Paki tingnan mo na lang si Ria. Please?" Pakiusap ni Justine kapit pa ang isang kamay niya.
Tinap niya ang balikat ng anak. "Oo sige, ako ang bahala." Sagot niya at pumasok na sa loob ng kwarto.
Dahan-dahang pumasok si Arah ng room ni Ria. Nakapikit ang dalaga, pero nagmulat din mata ng marinig na isinara niya ang pinto.
"Masaya na po ba kayo? Ilang beses na po akong naoospital dahil sa inyo?" Diretsong tanong ni Ria. Malumanay naman ang pagkakasabi pero ang mensahe ay sadyang nang-uusig.
"Oo nga eh. Salamat at hindi mo ako sinumbong kay Justine ha?" Nahihiyang sagot ni Donya Arah.
"Lahat po ng ito tiniis ko para lang tanggapin ninyo ako. Kahit kailan hindi po ako nagreklamo. Pero hindi po ba kayo nakokonsensya, na bawat pahirap ninyo sa akin eh mas doble ang sakit sa anak ninyo?" Tanong ni Ria kay Arah.
"Pasensya ka na sa lahat ng nagawa ko. Ang binanlian kita, pinaligo sa ulan, ipinahiya sa mga kumare ko, pag-utos sayo ng kung anu-ano kahit may sakit ka, at pangmamaliit sa'yo. Sa lahat ng iyon, pasensya ka na. Pinoprotektahan ko lang ang anak ko. Gusto ko ang mapangasawa niya ay karapat-dapat." Mahabang sabi ni Donya Arah na naluha na habang pisil ang kamay ni Ria.
"Tita, ayos na po. Huwag mo na po ulit akong pahihirapan ng ganoon. Mahal ko po si Justine." Sabi niya. Niyapos naman siya ng mahigpit ni Donya Arah.
"ANO?? Ikaw ba Mama ang may gawa ng lahat ng ito?" Hindi nila namalyan na nakabalik na si Justine.
"Oo, Iho." Nakatungong amin ni Arah. Napabitiw siya ng yakap kay Ria at humarap kay Justine.
"Napakasama ninyo...." Galit na sabi ni Justine. Hindi natapos kasi sumingit si Ria.
"Justine! Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang iyong Mama!" Saway ni Ria na medyo malakas na ang boses. Napalingon ang naka-ngangang si Arah. Hindi makapaniwalang ipinagtanggol pa rin siya ni Ria. Mabuting bata talaga si Ria, narealize niya ngayon lang.
"Pero mahal, sinaktan ka ni..."
"Enough! Minahal kita lalo dahil mahal mo ang iyong Mama. Naniniwala ako sa kasabohan na ang mabuting lalaki ay iyong marunong magmahal sa Ina. Hindi ko na ba dapat paniwalaan pa iyon?" Tanong ni Ria.
"Huwag na kayong mag-away. Kasalanan ko naman ito. Pero humihingi ako ng tawad Ria." Singit ni Arah na naluha na naman.
"Tumahan ka na po, Tita." Alo ni Ria habang tinatapik ang bisig ng Ina ni Justine.
"Sige, patatawarin ko si Mama, kung pakakasalan mo ako 2 mos from now." Sabi ni Justine.
"Tita, bino-blackmail ako ni Justine..." Sumbong niya kay Arah. Nakangiti, habang pinupunasan ang luha niya, si Arah. Tumango ito kay Ria.
"Ria, will you marry me? Hindi na ako makapag-antay. Gusto ko ng makasal after 2 mos. Please?" Pakiusap ni Justine.
"Sige na nga! Basta huwag mo na ulit aawayin si Tita." Nakangiting sabi ni Ria.
"Natutuwa ako at natagpuan ninyo ang isa't-isa." Nakangiting sabi ni Arah at niyakap ang magkasintahan.
"Yehey! Kasalan na, Mama! Narinig mo iyon ha.." Sabi ng tuwang-tuwang si Justine. Natawa naman sila pareho kay Justine.
**
"Andrew, tawagan mo sina Kwini. Sabihin mo St. Lukes tayo. " Utos ni Albert ng nasa Fort na sila ng Manila.
Inuwi nila si Tope. Aksidenteng nasaksak ito ng lumaban sa mga pirata. Itinulak pa ito at lumagabog sa lower deck mula sa upper part ng barko. Nabalian pa tuloy ito ng isang paa. Naka guwardiya kasi noon si Tope sa taas ng salakayin sila ng mga pirata na nagnakaw ng mga lubid nila. Pinagamot naman ito noon sa pinakamalapit na daungan sa France. At dahil 3 araw na ay hindi pa nagkakamalay, napagdesisyunan ng kompanya nila na dalhin ito sa Pilipinas. Para kasama na rin ng Pamilya niya.
Sinunod naman ni Andrew ang utos ni Albert. Pagdating sa St. Lukes ay nagiyakan na sina Kwini at Xylene. Wala kasing malay si Tope. Ang dami nakakabit na aparato.
Palabas na noon ng hospital si Albert para puntahan ng personal ang magulang ni Tope na naandito na sila sa Pilipinas. Nang may masalubong siya... "Ylaine?" Nagulat na tanong niya.
"Oh Albert. Bakit naandito ka?" Nagtataka ring tanong ni Ylaine.
Lumapit si Albert at niyayang maupo muna sa bench sa labas ng hospital si Ylaine. "Naaksidente si Tope sa barko." Malungkot na sabi ni Tope.
"Ano?? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Ylaine.
"Nasaksak at inihulog sa upper deck ng barko." Malungkot pa ring sabi ni Albert.
"Kumusta na siya?" Tanong ni Ylaine.
"Ika-4 na araw na niyang walang malay." Si Albert.
"Kawawa naman si Pogi."
"Ikaw, bakit ka naandito?"
"May sakit si Ria. Nakaconfine." Simpleng sagot ni Ylaine.
"Ria ni Tope? Kumusta na siya?" Tanong ni Albert.
"Palabas na bukas." Sagot ni Ylaine.
"Oh paano. Alis na muna ako. Sasabihan ko na ang magulang ni Tope." Paalam ni Albert.
"Sige. Ingat." Paalam din ni Ylaine at pumasok na sa loob ng hospital.
SA LOOB:
"Oh Ylaine. Paano mo nalamang naandito ako?" Takang tanong ni Ria.
"Ano pa? Eh di tinawagan ako ng fiancee mong hindi mapakali." Natatawang sabi ni Ylaine.
"Salamat sa dalaw." Sabi ni Ria.
Umupo naman sa tabi niya si Ylaine at inihilig ang ulo sa balikat ng kaibigan. "Friend, sure ka na ba na si Justine?" Tanong niya kay Ria.
Nakangiti naman habang nakatingin sa bintana ang nakaupong si Ria. "Oo, Ylaine. Alam mo namang bata pa lang tayo ay si Justine na."Sagot ni Ria na isinandal din ang ulo kay Ylaine na nakahilig sa kanya.
"Alam mo ba, nakita ko si Albert sa may lobby kanina?" Umpisa ni Ylaine.
"Ha? Bakit? Napaano siya?" Tanong ni Ria. Napaayos siya ng upo at nilingon ang katabing si Ylaine.
"Hindi siya, Ria. Si Tope comatose." Malungkot na sabi ni Ylaine.
"HA??" Gulat na gulat na sabi ni Ria.
"Silipin natin. Tutal wala naman si Justine di ba?" Yaya ni Ylaine.
"Oh sige. Nag-aalala din ako eh." At tumayo na sa kama si Ria habang bitbit ni Ylaine ang dextrose niya.
Ipinagtanong ng magkaibigan sa information ang room ni Tope. ICU Rm. 63 ang binigay sa kanila. Dumiretso na doon ang magkaibigan. Naabutan nilang nasa labas ng kwarto ang tanging bantay na si Kwini.
"Ria? Naandito ka rin?" Tunghay ng malungkot na mata ni Kwini sa kanila. Natatandaan siya ni Kwini kasi nakita na siya sa coffee shop. "Hello, Ylaine. Buti naman at dinalaw nyo si Tope." Baling ni Kwini kay Ylaine.
"Kumusta na siya?" Sagot ni Ylaine.
"Oo. Pero palabas na ako mamaya. Kumusta na si Tope?" Nag-aalalang tanong ni Ria.
"Hindi pa rin nagigising. Pasukin mo at baka marinig ka niya." Malungkot na sabi ni Kwini.
Pumasok na ang magkaibigan sa loob. Isinabit ni Ylaine ang dextrose ni Ria sa tabi ng dextrose ni Tope. Awang-awa sila sa itsura ng binata. Ang daming nakakabit na aparato dito. At ang itsura nito na animo'y natutulog ng sobrang himbing.
"Labas muna ako, Ria." Paalam ni Ylaine. Tumango lang si Ria at umupo sa tabi ng kama ni Tope.
Ikinulong niya ang mga palad ni Tope ng mga kamay niya. "Tope, miss na miss na kita. Tagal nating hindi nagkita. Nasa hospital din ako eh. Pero palabas na ako. Ikaw, magpagaling ka na. Madami pa tayong pag-kukwentuhan......" Umiyak na ng tuluyan si Ria. Ang saya niya sa buhay niya, samantalang ang binata palang karamay niya noon ay ganito ang pinagdadaanan.
"Tope, please.. Bumalik ka na sa amin. Magpagaling ka, Superman ko. Huhuhu!" Umiiyak na pagtatapos ni Ria. Hinalikan niya sa noo si Tope. Kinuha ang dextrose niya at lumabas na ng kwarto.
Pagsara ng kwarto ay gumalaw ang daliri ng nakapikit na si Tope.
___________________________________________
A/N:
VOTE & COMMENT. Naiyak ba kayo?

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...