Chapter 21
JUSTINE'S POV:
Naandito kami sa condo ni Reggie. Sa wakas nasilo din si Kolokoy! Ikakasal na sya! Ngayon ang STAG PARTY nya. May inimbita raw silang 2 magpeperform para sa amin. Actually, hindi naman ako interested. Kung hindi nga lang ikakasal itong barkada ko eh hindi ako aattend.
Kwentuhan sila ng kwentuhan habang inaantay namin yung magpeperform. Ako naman eh ito busy sa Macbook ko at gumagawa ng reports ko. Naghiyawan sila ng may pumasok na giant cake na may gulong. Tapos tumunog na sa background yung Careless Whisper.
Hindi sila magkaintindihan sa paglapit para mapanood ang dancers, ako naman ay nakaupo lang dito sa may likod.
"TAKE IT OFF!! TAKE IT OFF!!" Sigawan ng mga barkada ko. Lumipat ako ng upuan sa may unahan sa parteng gilid. Gusto ko rin makita kung sino yung sinisigawan nila. Inalis ko muna ang tingin ko sa laptop ko at tiningnan ko yung dalawang sumasayaw.
Bata pa yung dalawang sumasayaw, halata sa katawan nila eh. Magaling gumiling yung isa, pero yung isa ay parang nahihiya pa. Isinave ko muna yung file na ginagawa ko at pinanuod ko na yung palabas.
Lokong Reggie ito! Ikakasal na eh kung makakapit pa sa dancers eh wagas. Tinititigan ko yung isa kasi yung balingkinitan nyang hubog eh parang kilala ko. Hindi kaya naka one night stand ko na itong mahiyaing dancer na ito? Hindi ko naman masyadong makita ang mukha kasi may suot silang maskara sa mukha.
Pero si Pareng Reggie, mas nagustuhan nya yung babaeng parang nahihiyang sumayaw. Arte-arte nung babae, nahihiya pa! Magtatrabaho sa ganitong paraan tapos mahihiya? Nagpapapresyo lang siguro ito ng malaki. Ginilingan sya ni Reggie kaya naghiyawan lalo yung mga tropa namin.
Hinaplos ni Reggie yung hita nya pataas pero tinatanggal nya? Wow! Ang arte lang ha! Hinila ako ni Marc na kaibigan din ni Benett sa gitna para makipagsayaw dun sa isang dancer. Kahit asiwa ako, nakipag-gilingan na din ako dito sa isa na bigay todo kung gumiling.
Napagod ako at umupo na sa gilid habang si Marc naman ang nakipagsayaw kay ateng magaling gumiling. Si Reggie naman ay hindi na tinantanan itong isa na may katangkaran pero parang nahihiya talagang sumayaw. Matuloy pa kaya ang kasal ni Kolokoy? Hahhaha! Para kasing ayaw na nyang bitawan yung makyemeng dancer.
Hinahalikan ni Reggie pero umiilag! Pa-hard to get si Ate ah.. Kadiri! Arte! Nakuha rin ang attention ko ng akmang itataas na ni Reggie ang maskara nya kasi interesado rin akong malaman kung maganda kaya itong dancer na pasweet effect pa.
Natulala ako ng natanggal na ni Reggie ang maskara! Sht! Akmang hahalikan nya sa lips ng bigla akong tumayo. Nasanggi ko pa ang Macbook ko, pero wala akong pakialam kahit na mabasag pa ito pagtayo ko. Isa lang nasa isip ko....
HINATAK KO SI ATENG MAHINHIN PALAYO KAY REGGIE!!!
Nagulat si Reggie at ang tropa. Hinubad ko yung jacket ko at ibinalabal ko kay Ateng parang maiiyak na!
"Jus..justine?" sya. "Ria!" ako.
"Magkakilala kayo?" Inis na tanong ng nabitin na si Reggie sa amin.
Sht naman! Of all places! Bakit naandito si Ria?? Niyakap ko sya at sumiksik sya sa akin.
"Pare, anu ba? Walang solohan.. binyaran ko yan.." Inis na sabi ni Reggie sakin.
"There must be a mistake...She's my.... my..." nauutal na sabi ko.
"WHAT?? ANO BA JUSTINE? YOUR SEX FRIEND? YOUR EX?" Badtrip na sabi ni Reggie at ng tropa sakin.
"She's my gf!" atlast lumabas din sa bibig ko!
"WHAAAATTT??" Gulat na gulat sila sa sinabi ko. Sina Marc napatigil sa paggiling.
"And we're leaving! Let's go, Ria!" Hindi ko na inantay ang sagot nila at kinaladkad ko palabas si Ria.
"Hay naku, Ria!!! Ano ba itong pinaggagagawa mo ha??" Hindi na sya nakasagot sa singhal ko at umiyak na lang sa loob ng kotse.
_________________________________
A/N:
Vote and leave a comment.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
RomanceIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...