A/N:
Vote And Comment. Palike po itong page ko.. https://www.facebook.com/AngelmelayWattpad.Diyan tayo magchikachikka. Thanks! -AngelMelay
_________________________________
Pinagpapawisan ng buo-buo si Ria habang sya na ang nakatoka na mag-speech bilang President ng Studen Council. Napatingin sya sa gawi ni Tope at sinabihan sya nito ng 'KAYA MO YAN', na walang boses habang nakangiti ang binata. Binigyan sya nito ng isang thumbs up. Nang mapatingin sya kay Mr. R eh nakangiting kumaway din ito sa kanya.
At dahil sa encouragement ng dalawang kasama nya ay natauhan na sya at ibinahagi na ang kanyang insights sa mga tao sa auditorium.
Natapos na ang kanyang speech ng pagbaba nya ng hagdan ay nagulat sya nang may magsalita sa likod nya. "Kumusta? Long time, no see ah.." Pagkasabi noon ni Justine ay hindi sumagot si Ria at nilampasan lang si Justine. Nilakihan na ni Ria ang kanyang mga hakbang para makaupo na at baka masunggaban pa nya ng akap si Justine.
"Ayos ka lang?" Tanong sa kanya ni Tope.
"Ha?..Ah..eh..Oo. Bakit mo naman natanong?"
"Mukhang kanina ka pa hindi ok ah?"
"Ay..ayos lang a..ak..ako.."
"Nauutal ka ha.. Siguro kasi naandyan si Sir Justine no?" Pang-aasar ni Tope na lalong naging uneasy tuloy si Ria.
"Excuse me, powder room lang ako.." Pagiiba nya ng usapan at agad ng tumayo si Ria papuntang banyo.
Pagpasok nya sa banyo ay naandun din ang kaibigan nyang si Ylaine. "Ria, ayos ka lang ba? Namumutla ka."
"Oo ayos lang ako.." Sagot ni Ria at pumasok na agad sa loob ng cubicle.
"Ya, una na ako sa labas ha?" Paalam ni Ylaine sa kanya.
"Oo, sure!" Sigaw nya naman pabalik. Wala syang balak na magpakita pa ulit kay Ylaine. Mausisa kasi iyon at baka mabuking sya.
Lumabas na si Ria ng cubicle at pumunta sa lababo. Pagtingin nya sa salamin, tama nga naman ang mga nakakita sa kanya. Halatang hindi sya ok. Ang ginawa nya ay nagsuklay sya ulit ng buhok, naghilamos, at nagretouch ng light make-up nya. Tiningnan nya ulit ang reflection nya at lumabas na ng restroom.
Nakatungong inaayos nya ang make-up pabalik sa bag nya ng may mabangga sya.
BOOGGSSHH!
Napaupo sya at nagtalsikan ang laman ng bag nya. Pinulot nya ang mga gamit nyang tumapon ng yumuko ang nakabangga nya at inabot sa kanya ang ibang gamit.
dug..
dug..
SI JUSTINE CHOI!
Inalalayan syang makatayo ni Justine at ng makatayo na sya ay parang napapasong napadistansya sya ng konti.
"Kumusta?" Nakangiting bati ni Justine sa tulalang si Ria.
"Ayos naman po. Ka..kayo po?" Nauutal pa nyang tanong.
"Ayos din naman. Sobrang busy nga lang. Dadalaw lang dapat ako ng malaman kong may event pala rito."
"Ah gano..ganoon po ba. Sige po, excuse me po." Humakbang na palayo si Ria ng habulin sya at hatakin sa siko ni Justine. "Bakit po?"
"Halika.." At hinatak na sya ni Justine. Hindi na nakuha pang umangal ni Ria. Napasunod na lamang sya sa binata. Dinala sya sa may gilid ng bulwagan. Walang tao, pero may ilaw sa poste.
Walang naimik sa kanila habang nakaupo sila sa bench ng basagin ni Justine ang katahimikan. "Iniiwasan mo ba ako?"
Hindi makatingin ng diretso sa mata si Ria. "Hindi po."
BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
Roman d'amourIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...