Chapter 33

3K 64 19
                                    

A/N: 

PAVOTE & COMMENT NAMAN PO! Thanks po!

________________________________________

Naging masaya ang debut ni Ria. Salamat na lang talaga sa mga taong nagmamahal sa kanya. Salamat sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at pamilya na hindi nalimutan ang importanteng yugto ng kanyang buhay. Ang lahat ay halos perpekto na. Perpekto na sana kung naandun lang sana si Justine.

Naguguluhan si Ria sa kanyang nararamdaman. Mahal niya si Justine noon pa, pero mahal na rin niya si Tope. Ang gulo ng mga bagay-bagay talaga! Hindi niya malaman kung sino ba talaga sa 2 lalaki ang mahalaga. Ang alam lang niya, wala siyang kayang pakawalan kahit isa man sa kanila.

Ang mga isipin niyang iyon ay saka na niya iisipin ang mahalaga ngayon ay dumating si Justine. After a week ng birthday celebration niya ay dumating si Justine!

"Hey, anong iniisip mo?" Nagulat na lamang si Ria nang pagikot niya ay nakatayo na pala si Justine sa likod niya at sobrang lapit pa. Halos mahalikan na niya ang dibdib nito sa sobrang lapit. Mas matangkad sa kanya si Justine kaya hanggang mata lang ng binata ang taas ng dalaga.

Napaatras ng konti si Ria. At sa pagatras niyang iyon ay bumangga ang likod niya sa bakod ng terrace na kinasisilipan niya kanina. "Ahh.." Napadaing si Ria dahil nasaktan ang balakang niya.

Nag-alala naman agad si Justine sa kanya. "Bakit ba kasi umatras ka pa? Ayos ka lang ba?" Habang nakikihilot si Justine sa balakang niya. 

Naandito sila ngayon sa roof top ng school. Naguwian na ang mga estudyante kaya hindi na sila makakaagaw ng pansin dito. Umorder si Justine ng pang dinner nilang dalawa dito at iaakyat na lamang ng secretary ni Just kapag dumating na ang pagkain.

"Oo ayos lang ako." Sagot ni Ria. Nacoconcious siya na sobrang lapit ni Justine sa kanya. Amoy na amoy niya ang napakabangong pabango ng binata.

"Kumusta naman ang birthday mo?" At tumabi sa kanya si Justine habang nakidungaw na din sa baba ng campus na tinatanaw niya.

"Masaya naman ang kaarawan ko." 

"Mabuti naman kung ganoon."

Pagtingin niya sa baba mula dito sa 4th floor na siyang roof top ay nakita niyang nakatingala sa kanila si Tope. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi niya alam kung imahinasyon niya lang pero parang may kalungkutan sa mata ng binata. Pakiramdam niya ay nasaktan ito ng makita sila ni Justine na magkasama dito sa taas. Laglag ang balikat na lumakad na ang binata palayo.

Mabuti na lamang ay nakatingin sa mga ulap si Justine at hindi nakita ang eksenang naganap. Ang pakiramdam tuloy ni Ria ay napakasama niyang tao. Masama siya sa pagpapaasa sa dalawang lalaki na nais makamit ang pag-ibig niya. Ngunit anong magagawa niya kung sadyang hindi pa naman siya nasa tamang edad para magkaroon ng kasintahan. 

Ayaw muna ni Ria magkaroon ng nobyo sapagkat nais niyang mapangatawanan ang pangako niya sa kanyang Uncle C. Ang pangako niyang magtatapos muna ng pag-aaral bago magkaroon ng nobyo.

"Kain na tayo." Ang yaya sa kanya ni Justine sapagkat hindi niya namalayang dumating na pala ang delivery order nila. Sumunod naman siya kay Justine at tahimik silang kumain.

(A/N: Play youtube video on the right ------->>> para mas feel.. hehehhe! )

Nang matapos silang kumain, kinuha ni Justine ang cp niya sa bulsa at nagplay ng kantang Thousand Miles. "Ria, dahil na missed ko ang cotillion mo, maaari ba kitang isayaw ngayon?" Tumayo si Justine at inihaba ang kamay para alalayang tumayo si Ria na tinanggap naman ng dalaga.

Iniyakap ni Justine ang mga kamay sa bewang ni Ria. At ipinatong naman niya ang dalawang kamay ni Ria sa palibot ng kanyang leeg. Isinandal ni Ria ang kanan niyang pisngi sa matipunong dibdib ni Justine.

"Sana hindi pa huli ang lahat.." Bulong ni Justine at hinalikan ang buhok ni Ria.

Napalayo naman ng bahagya mula sa pagkakasandal ng ulo niya si Ria. "Huli saan?" Naguguluhang tanong niya sa sinabi ni Justine.

"Basta... basta sana hindi pa huli ang lahat." Malungkot na rin ang mga mata ni Justine habang titig na titig sa kanya. Hindi nakayanan iyon ni Ria kaya sumandig na ulit siya sa dibdib ni Justine.

"Ria, tandaan mo, aantayin kita kahit gaano katagal." Halos paos na pagkakasabi ni Justine. Kinilabutan naman sa kilig si Ria.

"Baka mainip ka. Dagdag 4 na taon pa bago ko matapos ang college degree." Ang mahinhing sagot ni Ria.

"Mag-aantay ako kahit gaano pa katagal.."

BOOM!!!

Nung isang linggo lang may nagsabi din sa kanya niyan ah. Napaatitig tuloy siya sa mukha ng kasayaw. Ipinilig ni Ria ang ulo niya. Baliw na ata siya! Titig na titig siya sa kasayaw! Hindi niya malaman kung bakit mukha ni Tope ang nakikita niya na kasayaw niya ngayon.

"Bakit?" Doon lang siya natauhan. Si Justine na matagal na niyang mahal ang kasayaw niya ngayon. At hindi kung sino pa man!

"Ah.. eh.. wala.." At sumubsob ulit siya sa dibdib ni Justine. Nahihiya siya na tumitig sa mata ni Justien dahil ibang lalaki ang nasa isip niya. Ang sama na ba talaga niya? Bakit ba nalilito ng ganito ang puso niya?

Ipinikit ng mariin ni Ria ang kanyang mga mata. 'Kailangan ko atang lumayo muna kay Tope. Naguguluhan ako..'

____________________________________________

A/N:

Sa mga nag-PM po sakin kung bakit naandito si Kurt, buhay pa po siya diyan kasi highschool days pa lang nila iyan. Ang "MY DEAD HEART (I.L. <3-Part 2)" po ay graduate na sina Zyrah, Zeon, Ria, Ylaine atbp. Bale after 6 years po ang MDH....

Tama ba ang desisyon ni Ria? Vote and Comment na po. Kanino ba dapat mapunta si Ria? Kay Justine o kay Tope? Importante ang comment ng readers ko. Kahit wala na pong ibang words basta paki write na lang sa comment box ang name ng choice ninyo.

Thanks!

-AngelMelay

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon