ILY,JC! 46
A/N:
ANNOUNCEMENT: I'm having a hard time updating. Sira pa rin po internet namin. Baka next week pa daw po magawa. Pasensiya napo kung hirap magupdate. Sorry! Pero I'm trying my best kahit na magload pa ako makapag-update lang. For the love of my readers.... Enjoy!
Thanks sa lahat ng nagvote at sa mga hindi man lamang nagcomment! COMMENT & VOTE please.
__________________________
ILY, JC! Chapter 46
MANILA:
Naihatid si Tope ni Ylaine kagabi sa dorm nila. Isa talagang tunay na kaibigan ang babaeng yun. But He can't help but wonder, 'bakit kaya hindi pa rin nagkakaboyfriend ang isang iyon? Napaka-unfair talaga ng life. Ang gusto mo, ayaw sa'yo. Pero ang ayaw mo, iyon naman ang may gusto sa'yo. Kumbaga sa Math, bakit reciprocal equation ang lahat ng bagay?' Napagkuro-kuro ni Tope.
Naandito lang si Tope sa dorm at kasalukuyang inaantay nina Xylene at Kwini sina Albert at Andrew. Ang iba kasing kaibigan nila ay nasa probinsiya at umuwi for the weekends. Samantalang si Mench ay dumalaw sa Caloocan sa kanyang mga Lola.
"Hindi ka ba talaga sasama?" Tanong ni Xylene.
"Next time ako. Feeling ko kasi nahihirapan na akong umihi sa sobrang kakainom ng alak". Feeling ni Tope may UTI na ata siya sa sobrang kakaalcohol niya.
Nagbibihis pa iyong 2 kaya kakwentuhan ni Tope muna sila. "Sumama ka na. Mamulutan ka na lang." Pamimilit ni Xylene.
"Oo nga naman, Tope. Sama ka na sa amin." Pakiusap ni Kwini.
"Sige na, Pare." Sabi ni Albert na bigla na lang sumulpot mula sa kwarto. Tapos na ata silang magbihis. Imagine sila ang boys pero ang girls ang nagaantay sa kanilang dalawa?
"Oo nga, Pare. Para may taga-libre kami." Dagdag ni Albert. Sa kanila kasing mag-kakaibigan, ang Adopted Parents niya ang pinaka may kaya. Inampon nila si Tope nung 4 years old pa lang siya kasi iniwan siya ng Ina niya sa Quiapo Church. Nakita daw nila siyang nasa kumpisalan at nahikbing hinahanap ang Ama at Ina niya.
Yes! Tama ang nabasa ninyo. Isa siyang ampon! Ayos lang naman sa kanya kasi napalaki naman siya ng ayos ng Foster Parents niya. At good provider ang mga magulang nya. Swerte din kasi sila sa negosyo kaya tumutulong sila sa mga orphanages sa nagbibigay din ng mga school assistance sa mga orphans.
"Ano Tope? Sama ka na." Nahihiyang yaya ni Xylene.
"Teka bihis lang ako." Napilitan na siyang magbihis muli ng pang-alis. Kabibihis nya lang ng pangtulog kaninang matapos siyang maligo eh. Tutal wala rin naman siyang kasama dito sa dorm kaya sasama na lang siya.
"One bucket of San Mig light and another bucket of San Mig Apple." Order ni Xylene. Yes! Si Xlyn ( nickname ni Xylene. pronunced as Exlin ) ang umorder. Anak naman siya ng Kapitan ng barko at ground stewardess kaya madaming pera ang babaeng ito.
"Sisig, Crispy Pata, and Orange Juice." Dagdag order ni Kwini.
Napakunot ang noo ng mga kaibigan ko sa sinabi ni Kwini. "Puro pang pahighblood ah? Kanino ang orange juice?" Hindi natiis ni Andrew na magtanong.
"Kanino pa? Eh diba nga bawal muna tumagay si Tope"? Sagot ni Kwini na umiiwas ng tingin kay Tope.
"Napaka-maalalahanin mo naman kung ganoon, Kwini." Tukso ni Albert.
"Hindi naman siguro masama kung protektahan ko ang isang kaibigan di ba? Wag mo naman sanang bigyan ng malisya ang lahat ng bagay." Sagot ni Kwini na medyo nakataas pa ang isang kilay kay Albert.

BINABASA MO ANG
I Love You, Justine Choi!
רומנטיקהIto ang kwento ng buhay ni Justine pagkatapos ng "One Hello". Pwede nga kaya ang pagmamahalang lampas sampung taon ang agwat? Si Justine Choi na established na ang buhay ay makikilala ang halos pamangkin na niyang si Ria dela Cuesta. Aalagaan at ii...