Chapter 26

3.1K 55 1
                                    

A/N:

Kindly help me plug for this story. Pa-vote naman po.

_______________________________________

Chapter 26

Dinala ni Tope si Ria sa clinic nung isang araw pagkatapos mahimatay. Ayon sa Doctor ok na man si Ria. Napagod lang sya at nastress. Napilit ko din syang magkwento sa akin kung anong nangyari. Kaya ngayong free cut ko, kasi absent si Mam English, eh hinahanap ko yung dinescribe ni Ria na 2 guys na kumuha sa kanya at nagtali sa bodega nung araw ng game ko.

TOPE'S POV:

Naglalakad ako sa corridor ng College of Nursing at naririnig ko ang mga bulong-bulungan sa gilid ko.

"Ang gwapo talaga.."

"Mas sobrang gwapo sa malapit kesa sa malayo.."

"Ang tangkad na, ang gwapo pa.."

"Mr. Marine, ang gwapo mo.. hayyy..."

"Christoper please be mine..."

Ngumingiti lang ako sa mga nadadaanan kong girls na naririnig kong nagbubulungan. May hinahanap akong girl dito eh...

AYUN!!!

Si Kristel Mae Resurreccion!

"Tel, musta.." Bati ko sa kanya at hinawakan ko sa isang balikat nya. Naandito siya sa pathway ng Nursing at nakaupo habang may binabasang libro.

"Oh ang gwapong Marino! Bes, anong ginagawa mo sa Department namin?" Nakangiting bati ni Kristel sabay tayo at bineso pa ako. Siya si Kristel Mae Resurreccion, 17 years old din, B.S. Nursing ang course, only child, kababata ko sa Sucat nung doon pakami nakatira. Kalilipat lang naman ng family namin last year dito sa Laguna.

"Naku! Kilala sya ni Ms. Nursing?"

"Swerte naman ni Kristel!"

"Bagay sila!"

Mga comments ng mga dumadaang chicks na hindi nakatakas sa pandinig ko. "Tel, may importante akong sadya sa'yo." Pagsisimula ko habang hinihila ako sa wrist ni Kristel at umupo kami dito sa bench sa gilid ng pathway nila.

"Ano yun, Tope?" Nakakunot ang noong tanong ng bestfriend ko sakin.

"May kilala ka bang estudyante na ang itsura ay... jgfeceexr57kmbvd...?" For short, dinescribe ko yung sinabing itsura daw noong dalawang gungging na humila kay Ria sa kadiliman.

"Ah.. mga kaibigan yun ng star player namin." Nakanginting sagot ni Tel.

"Saan ko kaya sila makikita ngayon?" 

"Sa may ilalim ng rubber tree sa malapit sa soccer field sila madalas tumambay kapag uwian na. Bakit mosila hinahanap?"

"Wala may itatanong lang ako sa kanila." Paglilihim ko kay Tel ng buong sadya ko sa mga mandarayang yun.

"Ah ok.. Sige, Tope papasok na ako.. Tapos na free time ko." Nagpaalam na at nagbeso si Kristel ulit sakin. Hinatid ko naman sya hanggang sa pinto ng room nila. Ang mga kaklase nyang lalaki masama tingin sakin. Hahaha! May gusto lang sila kay Bes eh. Iyong mga girls naman kinikilig na makita ako! Ako gwapo!

Bumalik na ako sa Department namin dahil malapit na rin akong magklase. Mamaya lagot sila sa akin!

LUNCH TIME:

Tulad ng nakasanayan namin, sabay kami naglunch ni Ria. 

"Ang dami mo namang inorder?" Nahihiyang sabi ni Ria. 'Syempre, kahit ano para sayo!' Gusto ko sanang sabihin sa kanya.

"Kumain ka lang. Namamayat ka na eh." Nakangiting sabi ko. Napangiti naman si Ria at natutuwa ako kapag nakikita syang masaya.

"Mahirap pa lang may kaibigan talagang Heartrob, ang daming naka tingin sa kilos ko." Nahihiyang sagot nya.

"Sus! Wag mo nga silang pansinin. Basta kumain ka lang dyan." Cool na sagot ko sa kanya.

Kumain na kami ni Ria ng may tumapik sa balikat ko. "Oh hi! Join us.." Niyaya ko na si Kristel kasi mag-isa naman syang kakain. Paano ko nalaman? Kasi wala namang tao sa tabi nya eh.. hehe!

RIA'S POV:

"Ria, bestfriend ko, si Kristel. Kristel, si Ria, nililigawan ko." Nakakailang na pagpapakilala ni Tope. Kailangan talagang ipagdiinang suitor ko sya?

"Hi!"

"Hello!" 

Bati namin sa isa't-isa. Bakit ganoon ang pakiramdam ko? Parang naiilang ako kay Kristel?

Umupo naman sya sa tabi ni Tope at kumain na kasabay namin.

"Bakit mo ba hinahanap yung kaibigan ng MVP ng College namin?" Nagulat ako sa sinabi ni Kristel.  So meaning, hinahanap ni Tope yung mga kumidnap sakin sa gym? Nakakunot ang noong nakatingin ako sa magiging sagot nya.

"Ah.. wala,may gusto lang akong itanong sa kanila." Sarado ang kamaong nakapatong sa mesa na sagot ni Tope sa bestfriend nya pero nakatitig sya sakin.

"Sinabi ko naman sayo, wag ka ng makialam. Wag kang makipag-away!" Naiinis na singit ko.

"Makikipag-away ka???? Bakit?? Gusto mo bang magalit sa'yo si Tito pagka nalamang napa-away ka?" Naiinis na rin si Kristel sa nalamang plano ni Tope.

"Hey, wg nyo akong pagtulungan, ok. Sinabi ko naman sa inyong kakausapin ko lang sya." Mahinahong paliwanag ni Tope.

Umirap lang ako at tumingin sa kinakain ko. "Bakit nga ba gusto mo silang makausap?" Muntik na akong masamid sa kinakain ko ng marinig ang tanong na iyon ni Kristel.

"Kasi may ginawa silang hindi maganda. At iyon ay ang idamay nila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko." Nakatitig kami ni Tope sa isa't-isa.

idamay nila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

idamay nila ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko.

dug...

dug... 

Mind processing...

Ano ba yan?? Ganun ba talaga ako kaimportante kay Tope? WAhhh!!! Kilig much!

___________________________________

A/N:

Please vote & comment.

I Love You, Justine Choi!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon